"DI MABIGKAS NA KALATAS NG INANG PILIPINAS" Habang aking pinagmamasdan, Sinisiyasat, pinag-aaralan Paligid na puno ng kasamaan Mundong lugmok sa kaghuluhan Bayang binalot nang kasakiman Lipunang nasa biongit na ng kamatayan Dahil sa cancer na lunas ay di malaman Aking napagtatanto Nilalaro mo na lamang pala ang tayo. Nung una tayong magkita Agad kang nagbida-bida Niligawan mo'ko na parang ako na Walang bahid ng kawalang pag-asa Napakaganda ng mga plataporma Idinaan mo pa sa matatamis na salitang nakapang gagayuma Pangarap na pagbabago at pag-unlad tuwina Ang siyang sa'kin ay ipinakilala. Dumating ang araw ng paghatol sa'yo At dahil naaaliw ako Nadala sa mga pangako mo Agad akong napa-oo Naging tayo Pumailalim ako sa'yo Nadarang sa init na dulot mo Nahibang sa apoy na ikaw mismo ang nagsindi Sumugal akong muli Inakalang maitatama pa ang naging pagkakamali At sugat kong may hapdi Umasang malulunasan sa'yong mga ngiti. Mali pala! Maling ako'y nagpadala Kahinaan ko'y iyong sinamantala Binali mong sumpa sa kasal na ikaw mismo ang nagtakda 'Pagklat tangi mong adhika Ay itanyag ang pangalan ng iyong ama Umaasa ka pa rin pala Na maibabalik pa sa puti ang balahibong naging pula Matapos na dugo'y magmantsa Nang ipaglabang minsan ang karapatang inagaw sakin ng iba. Korona't trono, Kaharia't kayamanan 'Yon lamang ba ang dahilan Kaya mo'ko nagawang ligawan Pangakong pag-unlad ay nasaan? Bakit tila mas bumubigat ang pasan kong kahirapan? Presyo ng bilihin ay nagsisitaasan Tumitindi ang mga kaguluhan May alitan sa pagitan ng mga nanunungkulan Ito ba ang katuparan ng pangako mong binitawan? Malimit nna paglipad Tungo sa ibayong dagat Naghahanap kamo ng solusyon sa pag-unlad? Ng bagong oportunidad? Kay Pluto nakikipagkasundo Nagtatanong kung may maibibigay na trabaho? Para sa kapuwa Pilipino? Teka muna! Oo maganda ang hangarin mo Ngunit sa puntong ito Tila yata ipinagbibili mo, Ipinambabayad ng utang kay Averno Ang kababayang OFW. Lingkod na Harpias Di ba maaaring makapagbukas Ng bagong oportunidad para sa kanila ng 'di lumalabas? Hindi yaman ang kailangan ko 'Pagkat dito'y likas akong malago Mata ko'y namumugto Ako'y nahihilo't naghihingalo Lunas ay tanging kalinga mo Huwag tutulad kay Narciso Ibigin ang bayan mo Huwag ang sarili mo Buksan ang iyong mga mata Alisin ang takip sa'yong tenga Makinig ka sa hinaing ng iyong kapwa Sa mahihina'y magsilbing pica, Sa naaapi'y tumayong adarga Sa nasasakupa'y magbigay pag-asa Ako'y ibangon mo mula sa pagkakadapa.
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
6 comments
Hmmm wala akong masabi.. social canser na may halong hinanakit at bitterness..
sabi kasi nila okay daw kung sa lovelife ikokompara kya ginawa ko na
ahh okay, kaya naman pala.. maganda naman ang pagka combined swak sila.. perfect combination.
hahaha kahit ano naman basta s alove ikokompara haha ganda ng combi
ai sabi mo eh di okay haha.
ahhahah ngek