"LARAWAN" Nakaupo't nakatulala Iniisip kung kamusta ka na kaya? Pumapatak ang mga luha, Wala akong magawa Kundi ang magsulat na lamang ng tula Magmukmok sa tabi at isipin ka Maya't maya'y ngingiti sa mga alaala Na di ko alam kung muling babalik pa Ipihit ang ikot ng mundong madaya Patungo sa mga sandaling malaya, Malaya pa tayong makapagsasaya Kasama't kausap ang isa't isa Kahit hindi ko alam kung paano ba Ang hirap at sakit ng pag- iisa, Na ngayon ay laging nadarama Pilit ko na lamang binabalewala, Ang kirot ng pangungulila Pilit iniinda. Sa madayang mundo ako'y humihiling Na sana'y landas natin paglapitin Ikaw sana'y ibigay sa akin Pangarap nati'y sabay nang tuparin Pagluha't pagtangis sana'y mapansin Tubig ng mata sa pag agos 'di na kayang pigilin Maging umaga't tanghali ay tila madilim Init ng araw ay 'di na nadarama sa lamig nitong hangin Hiling sa katanghalian tapat Kung maaari lang sana'y mawala ang agwat Na namagitan sa ilog at dagat Maaari bang ibalik sa dati ang lahat. Habang nakaupo sa isang tabi Pilit inaaliw ang sarili Napadpad sa eksenang di makawiwili Pilit pinipigil ang luhat paghikbi Så likod NG makulay na ngiti Ano pa nga ba't di mapakali Pilit isinisigaw na tayo nalang muli Habang larawan mo'y tinititigan ng huli Alam ko, ang ipilit ang tayo ay hindi maaari Ngunit gaya nga ng tula Hindi ba tayo maaaring maging malaya? Asan na pangakong kalatas, Na noo'y binigkas Sa ninirang pantas, Na ngayo'y wala nang luha pang mailalabas Dahil sa paghikbing walang kupas? Bakit? Bakit hinayaan mong lumipas Ang ganitong mga oras Na ang matitira ay larawan mong maaaring kumupas. Bakit bumitaw? Ako'y giniginaw Di makagalaw Sa ako at ikaw May pag-asa pa bang lilitaw? Dalawang taong pinaglayo Matapos tayong ipagtagpo Dalawang tayong naglaho Muli pa kayang mabubuo? Mata ko'y mistulang nag-alat Ginawa ko naman ang lahat Ngunit, subalit, datapuwat Bakit tila hindi pa rin saspat? Ngunit di na bale, Bago ako mag paalam, salamat Mula sa umpisa hanggang sa kung paano tayo nagwakas. Saan man nakapako mga mata mo Ako man o hindi ang iniisip mo Naaalala mo man o hindi ang tayo Sana'y hayaan mo Manirahan sa mapagpantasyang mundo Patungo sa dating tayo Maglalakbay ako Habang binubuo ang ating mga plano Na nagmula sa ikaw at ako Kasama ng larawan mong ito Na tumatakbo hanggang sa panaginip ko.
22 comments
hmm sobrang lungkot naman yarn.. kakaiyak.
sorry hahah namiss ko h ahahha
okay lang yan. . jan kana nasanay eh.
hahah yung nasa pic crush ko yan ahhaha
ahh yun ba ang crush mo haha, ang pogi ah.. kaw ah me crush ka pala.
close ko yarn ahahaha advantage na lang yung inaaya nya ko gumala hahah
eh kung crush mo naman at inaaya kang gumala eh di pagbigyan mo para bonding kayong dalawa at saka wag kang pa kiss sa kanya ha di maganda yun kahit pa crush mo sya.. baka mamaya salbahe yun.. advice lang naman kung gusto mong sundin.. 🤭
mabait yun sobra same attitude sakin as in
ganoon ba mabait sya eh di kaw na lang ang bahala kayo naman dalawa ang mag uusap.. eh bakit ba ako sumali sa usap haha di nmn ako kasali 😁
ang problema ko lang sina kuya di ako nun papayagan lalo't lalake kasama ko ehh
ahh ganoon ba eh di isama mo si kuya mo para me chaperon, sa ganon enjoy rin sya sa pasyal.
ayoko nga duh d ko mae-enjoy haha gusto ko nga makasama at makilala ng sobra yung tao so if andun si kuya d kaya mag act normally
ai sya bahala ka na nga sa gusto mo, kaw ang nakakaalam tungkol sa mga bagay na yan kung saan ka maligaya duon ka.. kakatuwa ka talaga sige na.
hahahah pinapasaya lang naman kita ahahha
hmm ganoon ba iyon.. kaya lang kung minsan di ko gets yung sinasabi mo parang may mali di ko lang.. ah basta.
yun lang
hmm parang totoo ah 🤔
hahaha
ai hmm tawa ka pa ahh.
sowey na
Kakalungkot naman yan
Sumasadgirl haha