read.cash Log in
@Anghe

"KALSADA" Littering. Overloading. Overtaking. U-turn. Sa loob ng bilog na kulay pula, May pahalang na linya Simbolo ng mga babala, Paalala Sa tabi ko ay makikita Ito ba'y napapansin pa? O dinadaan-daanan mo na lang Na parang wala lang Sabagay, lagi ka namang ganiyan Waalang pakialam. Nakita kita kanina, Lumuluha Nasaktan ka? Iniwan niya? Deserve haha Teka! Teka! Tapunan ba ko ng basura? Tissue paper matapos gamitin Itatapon mo sakin. Hep! Hep! Dinagdagan pa Plastic ng chichirya? Anak ng bruha! Marunong ka bang magbasa? BAWAL MAGTAPON NG BASURA Ulitin ko pa? BAWAL MAGTAPON NG BASURA! Porke ganito ako Ganyan mo na lang itrato Kaya naman pala iniwan ka ng jowa mo Di ka marunong magmahal MAgpahalaga, yung totoo? MAtapos akong apak-apakan Lakas pa ng loob na ako'y yurakan Ako yung daan Patungo sa nais mong puntahan Na di mo nanga pinahalagahan Iyo pang dinudungisan. OVERSPEEDING Nakakaasar! Marunong kabang lumugar? Karera without sportscar Road to heaven lang magpaandar Single man o may sidecar MArahas akong hinahalay MInu-minuto pagkabirhen ko ay inaalay. Halos 'di ka na makagalaw Sa aking ibabaw Isa, dalawa, tatlo, apat Higit kesa nararapat OVERLOADING capacity Naku naman pare May babala na sa tabi Punong-puno ka na May kabet ka pa Paubaya mo naman sa iba Matuto kang makontento Tamang bilang lang ng pasahero. Maya't mayang nakikipag-unahan, Nakikipaghabulan Simbolo sa tabi ay masdan NO OVERTAKING ang laman Iwas aksidente sa daan Antok, nawalan ng preno Drayber na marahas magmaneho Lasing OVERTAKING OVERSPEEDING Tapos minsan KATANGAHAN Maling babaan Maling tawiran Maling tadhanang pinanghawakan Akala mo tama? Tapos babalik kapa Kahit nasaktan kana? Haha TANGA! Wag na! Siya nga pala ako ito nag-iisang KALSADA STICTLY NO U-TURN, pinapaalala.

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.