read.cash Log in
@Anghe

"SABLAY" Namulat, nasanay, pero heto nabibigla Away, bati, lungkot 😢😢 at saya😂😂😂 Hanggang sa bigla kang nawala😭😭 Ano ba ang mali na aking nagawa?🤔🤔 Sa dami ng akda at tula✍️✍️ Na ikaw ang tema at paksa❤ Tila ba gustong sabihin na,🤔 "Huli na 'to"😥😢😭 pero Sa tuwing lalapat ang tinta✍️✍️ Ng pluma🖋🖊 sa sulatang niluluma📋🗒 Na nang panahong mapagparusa Ikaw at ikaw at ikaw ay naaalala.😉😍😍 Gusto kong sabihing huli na 'to😥 Pero bakit parang mabigat pa sa bato Timbang ng pagmamahal sa'yo😍❤❤💏💖 Gusto ko nang sumuko💔 Pero bakit nanghahawak parin ako sa pangako mo🤦‍♀🤦‍♀ Na di ko alam kung totoo O isang bahagi lamang ng laro⚽🏀⚾🏐 Na kung saan wala akong tyansang manalo.💔💔 Nagising ako sa panglaw ng umagang humahalimuyak Samyo ng nalalantang bulaklak🌹🌹🌹🥀🌷 Tubig sa mga mata'y sabay- sabay pumapatak😭😭 Mapaglarong tadhana ay humahalakhak😂🤣 Pag- asang haligi ng pagmamahal mo ay winasak💔💔💔 Sakit at sugat sa buhay itinarak.💔 Lambing, pag aalala at bait mo ay nagwakas Lahat unti- unting kumukupas Inilibing ng buhay pusong talastas, Kung paanong ikaw at ako ay nagwakas Hanging pumapagaspas Ipinapahiwatig kung paano gumuho ang bukas. Sa gitna ng mapang- aping buhay Ako ay iniwang nalulumbay Hindi alam kung paano iwawagayway Bandera ng kasiyahang isinampay Sa balikat na unti- unting binabaon sa hukay Umaasang sasagipin mo pusong bihag- bitay Ng libingang naghihintay Na aking tanggaping ako ay mamamatay Kasama ang pangako mong "SABLAY"😥💔

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.