read.cash Log in
@Anghe

"BILANG SA BAWAT ABAKADA" Isa, isang Araw na puno ng pag asa Pag asam na kapag pwede na Baka sakaling maging ako na Sa letrang A -ako sana'y lingunin tuwina Kahit malabo'y bigyang sulyap sinta Sa mga panahong ako'y nag iisa Tabihan, kausapin at iyo nawang bigyang halaga. Dalawa, dalawang taong sa pagkakaibigan Nanghahawak, baka sakaling matakpan Sakit Ng pakiramdam na lubhang himala Kung magkakatuluyan Dahil BA-Bago ko pa mapagtanto Na hindi Ako Ang gusto Ay binigyan mo na Ng motibo Singkwenta porsyento Baka pwedeng maging Tayo. Tatlo-tatlong oras akong naghintay Ngunit Araw Ang naging agwat Ng bawat mong reply Ano bang aasahan ko gayong kahit Anong lumbay Hindi pinapansin kahit pagkatamlay KA- kala ko ba Ayaw mo pa Ngunit bigla nalang mayroon palang iba Hindi Naman pala ako, oo, ano pa nga ba Apat, apat na sulok Ng silid Ang tanging nakinig Sa bawat Kong hibik maging akin ka lang kahit saglit Pakiusap, Hindi man maaari'y acting ipilit. Da- dampian mo Ng halik Noo nitong binibining di man marikit Di ka kailanman ipagpapalit. Lima, limang kalatas Ng karagatang binabagtas Araw man ay lumipas Nadarama para sa iyo'y di kukupas, I- Ikaw ba'y kailangan nang bitiwan Kahit malabong makayanan O may pag- asa pang maaaring panghawakan Baka sakaling pakinggan Ng Tadhana kahit Minsan lang 💙 @Anghe_012 Open for criticism!!! Plagiarism is a crime!!! RA[10175]

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.