"REWIND" Sana meron ding rewind sa totoong buhay Babalik lang Sana Ako sa panahong Hindi pa Tayo magkakilala Sa panahong Ako lang mag Isa Tahimik pa Ang paligid at walang pagdusa Walang hikbi at sakit na nadarama Babalik lang Sana Ako sa panahong Hindi pa Ikaw Panlalamig mo'y Hindi pa siyang dahilan Ng nadaramang Ginaw Walang humahawak, kaya't walang bumitaw Babalik lang Sana Ako Sa nakaraang Ang pag iisa ay langit pang maituturing Tahimik na paligid, nakabibinging halinghing Ng payapang Mundo bago mo ginulo Buhay na pinasok mo nang buo Matatag, Hindi alam Ang salitang pagsuko Bago mo nilisang gumuguho Isang Ako na nakapagtatayo Walang pangamba Walang takot na binabagtas Ang tuwid na landas Bago mo kinabig paliko Nais Kong bumalik Sa yugtong inosente pa sa halik Ng kalungkutang pumapanhik Sa dibdib na unti- unting nang tumitirik Pagkat hapding dulot mo'y lubha nang matarik Pagbabalik na nais Sa panahong ngiti ay dili lubhang mabilis Nauuna pa sa alas kwatrong umalis Emosyong walang pares Kundi yaring asukal na walang tamis. Open for criticism!!! Plagiarism is a crime [RA 10175] @Anghe_012
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet