read.cash Log in

@Anghe

Joined 2 January 2023 · 35 posts

SPOKEN WORD POETRY WRITER

120 KT

0 KT received · 0 KT given

Posts

@Anghe

CHEATING is EASY , Try something MORE CHALLENGING like BEING FAITHFUL And HONEST

@Anghe

Sobrang boring ng life. I couldn't help thinking about this place I've been. Nakakamiss! Sobrangn ganda dito I swear pero napakalayo na namin sa isa't isa😥

@Anghe

"SA BILANG NA LABING-DALAWA" Nakaupo sa ibabaw ng bato Tanim sa tuhod ang siko Habang nakapatong ang baba sa braso Sa kawalan ang titig ng mga mata Naghahabulan bawat butil niring luha Ang patak ay dumidilig sa buhanginan nitong sapa Ilang dahon na ba ng ating alaala Ang inanod ng agos ng iyong pagkawala? Isa, Isang araw Isang ikaw Bakit bumitaw? Ako'y giniginaw Di makagalaw Sa ako at ikaw May pag-asa pa bang lilitaw? Dalawa, Dalawang taong pinaglayo Matapos tayong ipagtagpo Dalawang tayong naglaho Matapos na ika'y magloko Dalawang matang luhaan Kailangan ko nang magpaalam. Tatlo, Tatlong ulit nagloko Paano mo pa masasabing totoo? Mahal mo'ko? Ilang tawa ba ang gusto mong ialay ko? Iaalay ko sa birong ito. Apat, Apat na letrang pumatak Mata ko'y mistulang nag-alat Ginawa ko naman ang lahat Ngunit, subalit, datapuwat Bakit tila hindi pa rin saspat? Lima, Limang tagpong madaya Tadhanang magpaubaya Ika'y akin nang pinapalaya Sa ika-anim Na alaalang bibilangin Bago mo'ko lisanin Ako ba'y minahal din? Pito, Pitong pilit pinagtanto Alam kong hindi na ako Sheesh di nga pala naging ako Bakit kaba kasi nagbigay motibo? Di naman pala ako yung gusto mo. Walo, Makawalong natalo Bago ako sumuko Bakit nagkaganito? Siyam, Siyam na kalatas nitong abakada Ito ba ang GANTIMPALA Ako ba'y dapat nang MAGPARAYA? Sampu, Sampu nitong mga huling tagpo Sumugal ako kahit alam kong talo Huling tagpong iimik ako Ngayong ubos na ako Mahal ko, kahit di mo sineryoso Ikaw, ako, ang tayo Umabot sa labing isa Labing-isang pag-asa Ngayo'y bibitaw na Hindi na maghihintay, aasa Na ako'y pipiliin pa Kahit pa na Sa bilang na labing dalawa Ay mahal pa rin kita SOBRA😥

@Anghe

Dear on the max seener,😕😕 Minsan di ko alam kung talaga bang tamad ka magreply Kasi dati di ko na kailangan pang maghintay Pero ngayon wow lang bay Ilang araw na message ko sayo Na stuck, na traffic, o baka naharang sa checkpoint ng iba reply mo Kaya iniignore mo si AKO Ang ganda ng banatan dati Pero anong nangyari? Nagising ako pagkatapos ng isang mahabang gabi Ako na unang nag good morning bebe Sabay ay mali Good morning lang pala hehe Tapos ako na nagtatanong sayo Kung ano ginagawa mo? Kumain ka na ba? Aiittt naman nabaliktad na ata Ako na unang pumapansin Kasi reply mo ay kadalasang di na akin Sige lang pagbibigyan kita Kahit sobra nang sakit Ampalaya'y tinalo na sa pait Pero ok lang di naman ako galit Bakit ako magagalit? Wala naman akong titulong nakamit Bilang isa sa mga taong di mo ipagpapalit. Paano kaya magmura? Sawa na kasi ko magmahal ng katulad mong tanga😂✌ Na paulit- ulit nangde-dedma Paulit- ulit binabalewala Mga tulad kong sayo'y nagpapahalaga. Naaalala ko pa, Mga sinabi mo sa'kin Na lahat ay maaayos din😊 Wow! Maaayos pala? Nagapapatawa kaba? Kung ang tinutukoy ko sa problema Ay di mo kilala? O marahil kilala mo pero di mo halata Na ikaw yun at walang iba.

@Anghe

"DISESYETE" Ilang buwan na kaya Ang lumipas sa ating dalawa Walang kibuan at Tila di magkakilala Nawala na yung dating saya Kapag tayo'y nagkikita Nawala na Pati ngiti Sa tuwing nakakachat ka Dahil sa laming na bumabalot sa atin sinta Nais kong ibalik ngunit paano ba? Gayong meron kana ng iba. DISESYETE petsa kung kelan mo sinabi na mahal mo ko Mahal mo ko? Sa umpisa lang ata naging totoo Sa umpisa lang ata seryoso Andyan pa mga panahong mabait ka at Tila may pakialam pa Pero yung totoo ako'y pinapaasa lang pala Dahil sa Iyong inaakala na mahal pa rin kita😂 Akala mo lang iyon sinta Naniniwala ka ba talaga Na sayo ako'y nagpakatanga Tsk! Tanga ka ba? ✌ Eh wala pa ngang isang buwan meron na agad iba😂 Hanggang ngayon ba naman ika'y umaasa pa Na ikaw parin ang laman neto💖 wews yung seryoso Iba na nagmamay ari nun bobo✌ Asa ka pa kasi na aasa pa ko sa TAYO. PAALAM SA NUMERO DISESYETE PAALAM SA MINAGAL KO NA NGAYON AY MAY IBA NANG NAGMAMAY ARI