"TAWAG" Nakaupo ako't naghihintay Ngunit ako'y nalulumbay, Sa pangako mong nagmistulang patay Ang katuparan ay tila itim ang kulay, Hindi makita sa kalagitnaan ng gabing matamlay. Asan na pangakong kalatas, Na noo'y binigkas Sa ninirang pantas, Na ngayo'y wala nang luha pang mailalabas Dahil sa paghikbing walang kupas? Signal parin ba ang problema O sadyang ako'y limot mo na Dahil may iba nang nagpapasaya? The subscriber cannot be reach, please try again later Mauubos na load ko ngunit di parin macontact. Ubos narin pati halimuyak Na kanina pa nalalanghap sa katabing bulaklak Pati dibdib ko'y may kung anong kirot na di maipaliwanag Dahil napako na ang pangako mong tawag. Tawag mo'y hintayin tulad ng iyong sinabi, Sa pagsapit ng alas otso ng gabi Ngunit lumipas na ang ilang gabi pagtawag mo'y di parin nangyari, Hanggang sa huling sandali Di parin makuhang ngumiti, Dahil umaasa paring muli Na darating tawag mong inaantay ng huli...
Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.
No comments yet