read.cash Log in
@Anghe

"PHILIPPINE ECONOMY FEVER" Lahat nalang nagmamahal, Wala namang nagtatagal Ops! 'Di naman sa pagiging bitter Totoo naman eh No one stay together Kasi ng walang forever Presyo nga ng bilihin paiba-iba Feelings niya pa kaya Sibuyas nga iniwan sa ere si bawang Ikaw pa kaya na pampalipas oras niya lang Hayyy!!! Sana all asukal Masyado nang matamis, wagas pa kung magmahal. Pero teka! Teka! Pansin nyo ba? Ekonomiya ng bansa? Napakaraming ekonomista Ngunit may pag-unlad ba? Wala, parang ikaw mismo Sa dami ng hinarot mo Ni isa, walang nag-stay sa'yo. Habang pataas nang pataas ang utang ng bansa Palubog naman ang ating ekonomiya May pag-asa pa kaya Kung ang pagbangon ay tila mailap na? Sa pag-asam nating umunlad ang bansa Tila tayo naghahabol sa isang tao Na kailanman ay 'di sa'tin magkakagusto Mistulang sinisisid natin ang karagatang higit pang mas malabo kaysa sa TAYO. Noon madalas kong tinutulugan Kapag economics na ang asignaturang pag-uusapan Ngayon ko lang naunawaan Mahalaga nga pala talaga Ang pagtalakay sa estado ng ekonomiya. Mataas na demand Kaya mo ba 'ko iniwan? O nasa suplay ang kakulangan Kaya 'di mo'ko naipaglaban/ Kulang sa produksiyon, Yun ba ang rason, Kaya nag-aangkat mula sa ibang nmasyon? O hindi kalang marunong makontento Kaya nakukuha mo pang maghanap ng iba kahit nandito naman ako, Ang likas na yaman ng bayan mo. Lupang sakahan Pinatatayuan Estrukturang nangaglalakihan Ganun mo na lamang ba talikuran Ang agrikultura Ang pagsasaka Kung gaano kataas ang tingin mo sa 'yong sarili Ganun mo din itaas ang presyo ng mga pataba at binhi Kaalinsabay pa ang mataas na taxes ng magsasaka Tapos ganon na lamang at halos hingin pa ang produktong inaani nila. Pagod, puyat, gutom maging buhay itinataya Magiging biktima pa ng pang-aabuso at pandaraya Kita nila halos wala na ni piso Sa pinagpagurang produkto Na mala-dyamante at ginto Ang presyo sa merkado Sabagay ano nga palang alam mo sa investment Kung ako nga mismo Binigay na ang lahat sa'yo Di ka pa nakontento Nagawa mo pang magloko Tapos iniwan pa ako sa dulo. Hindi ko ginawa ang tulang ito Upang manumbat sa'yo Ngunit kung marunong kalang makontento Kung natuto kalang magpahalaga May sapat na kaalaman sa PAMAMAHALA Sa LIKAS NA YAMAN nitong ating bansa Natitiyak ko Ekonomiya ng bansa ay lalago At ang tayo ay hindi maglalaho. @Anghe/AngelineAlexaPalemaBelga

19 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.