Di na Mababawi
Hindi naman sa nilalahat ko pero bat ang daming tao na paasa? Yong pakikiligin ka, nagbibigay pa ng motibo at todo todo pa ang banat sa'yo tapos sa huli joke lang pala ang lahat? Yong akala mo may patutunguhan, yong akala mo may maganda ng nabubuo pero yon na nga "Akala" akala lang talaga ang lahat. Pinasaya ka ng sobra, pinakilig ng mga 100 times tapos in the end laro lang pala sa kanya ang lahat. Yong kala mo tuloy tuloy ng makukulayan ang mundo mo. Hindi lang isang kulay iba iba pa pwedi ng rainbow. Tapos sa huli babalik lang sa black and white na parang yong lumang TV ng Nanay mo matapos isampal sayong walang kahulugan ang lahat. Matapos nyong magbatuhan ng mga sweet nothings and sweet messages sa isa't - isa, biglang isisigaw sa mukha mo ang malaking katotohanang WALANG KAYO, WALANG TAYO, WALANG WALA!!! Sana nong una palang sinabi na agad na laro lang pala ang lahat ano. Para naman nalagyan ng malaking harang ang puso para hindi nadadala sa matatamis na salitang akala mo'y tunay dahil sa tono ay akala mo'y totoo. Ay dun na nga ulit papasok si AKALA! Akala nalang lagi, si akala na walang malay. Si akala na laging nagiging dahilan ng nga pusong luhaan. Si Akala na laging nasisisi kahit walang wala syang idea na ganon na pala kalaki ang kasalanan nya. "Ako ang nasisisi, ako ang nakikita, ako ang laging may kasalanan..." Parang yong kantang yan, maididikit na sa pangalan ni "akala" kahit hindi naman nya kasalanan na masyadong assuming ang ilan. Lahat nalang bibigyan ng dahilan tapos mamaya iiyak ng akala mo'y namatayan. Papalahaw, magwawala tapos kung sino sino pa ang sisisihin ee sa kanya naman talaga nagmula ang problema. Marupok masyado, lahat nalang bibigyan ng kahulugan. Kukulayan ng pilit kahit hindi naman talented na mangguguhit. Para lang yang prutas ee pag hinog sa pilit, nagiging matabang walang lasa walang tamis at walang bibili - tapos malulugi. Ngayon isipin mo ang connection nila, at malalaman mo - malalaman mo na ang pilit na pagmamahal ay walang maidudulot na mabuti. Hindi kalang bibigyan ng sakit ng ulo, sakit ng katawan, sakit ng matres, sakit ng bewang, sakit ng ngala ngala or kahit anong sakit pa iyan - maaari ka rin nyang bigyan ng dahilan na hindi na ulit magmahal dahil nasaktan kana ng a million times, kaya sa huli'y iyong mapag didisisyonan.. Hindi nalang magmamahal, hindi nalang susubok ulit at pipilitin ng sarhan ang pusong nasaktan. Marami ng pwdng gawing dahilan at isa na doon ang pagiging marupok mong nilalang. Pero mabalik tayo ulit sa mga nilalang na sobrang galing magpaasa tapos di naman kayang panindigan ang ginawang katarantadohan. Tatakbo agad palayo kapag nakita nilang masyado ng nagiging swryoso ang lahat. Yong pag nakita nilang hulog na hulog kana bigla nilang ilalagapak ang bomba sa harapan mo at iiwanan kang luhaan - hindi lang luhaan dahil winasak na nya lahat pati ang pangarap mong magkaroon ng magandang hinaharap kasama ang iyong minamahal. Tinalikuran, sinaktan, pinaasa at binigyan ng malaking dahilan para maniwala na ang true love ay kathang isip lamang. Na walang chance para ang pag ibig ay masuklian. Na wala kang karapatan na sumaya, na Hindi para sayo ang pagmamahal, na hindi ka mamahalin kelanman at walang naka sulat sa palad mo na mamamahalin ka rin ng taong mahal mo. Ang saklap lang pero maaaring ganon na lang nga ang isipin ng iba. Mauuwi sa depression dahil sa walang kwentang nuno sa punso na minahal mo lang naman pero bakit sakit pa ang isinukli. Pwd namang kwarta nalang tapos dollars para lungkot ay mapawi. At ang hinagpis na dulot ng kanyang pagpapaasa ay mejo makalimutan, lol. But kidding aside, sana di nalang pinaasa, sana di nalang inulan ng mala asukal nyang banat para lang putaktihin ng langgam latur. -- Heh π₯΄, can't think of a topic again that's why I have decided to just write a tagalog hugot na I know a lot can relate lol. Writing this one is a lot easier than if I write something else. I actually thought of this after listening to some good music. You know, Spongecola, Silent Sanctuary and Eraserheads songs hihi. They are one of the best you see. Good thing I listen to it coz a thought suddenly pop up in my head and then cachinfgggg voila, surprise, tadaaaaa hihi. I hope you enjoy reading this and I hope you go back to that time where you also experience this kind of scenario. Where you pour all of your love into that someone and after doing all of that they will slap the truth to your face that all of what's going on is just NOTHING but a joke, a game and it's really just nothing. You're the only one who assume, you conclude that and this and you are the reason why you're hurting rigjt now. So, if you're in this kind of situation right now. I hope you woke up right now to see what's really going on, hahahaha. Ciao. Recent Article https://read.cash/@Ruffa/your-guardian-angel-415f8896#recent-article *βοΈ****Laughter of Sorrow*** https://read.cash/@Ruffa/laughter-of-sorrow-ec1a336b *βοΈ****The Only Hope for me is You*** https://read.cash/@Ruffa/the-only-hope-for-me-is-you-433d3256 *βοΈ****Material Girl*** https://read.cash/@Ruffa/material-girl-ca0f0246 *βοΈ****Dance with the Devil*** https://read.cash/@Ruffa/dance-with-the-devil-ef6b8d09 *βοΈ****No Meat, it's just a Bone*** https://read.cash/@Ruffa/no-meat-its-just-a-bone-10d580e6 **Read these to Start in**Β **Club1BCH** https://read.cash/@Ruffa/memories-with-mama-and-aaron-2ea8bbe8#read-this-to-start-in-club1bch ***βοΈ******Club1BCH - The Genesis*** https://read.cash/@PVMihalache/club1bch-the-genesis-dbb27252 ***βοΈ******Club 1BCH π±*** https://read.cash/@Eybyoung/club-1bch-df96508b ***βοΈ******What Is #Club1BCH?*** https://read.cash/@bmjc98/what-is-club1bch-914bdccd ***βοΈ******Club1BCH is Up!*** https://read.cash/@Eybyoung/club1bch-is-up-fbf69cde November 14, 2021 --
58 comments
Haha.. Tagalog nga.. Si Seqioua knina tagalog dn π€£
Hahaha nagka sabay sabay ano ahahaha.
Malalim pinag hugutan nito ah mukhang may pinag dadaanan π
Mukhang may pinaghuhugatan ka ate ah, ganyan tlaga ang bois mahilig makipaglaro lalo yung puso ng babae, sobrang rupok kase ng mga babae kaya madali mahulog sa mga salitang matatamis, yung tipong araw araw kang Chinachat tapos tinatanong kung kumain kana ba, aaakalain niyo na nag aalala sila, actually naglalandi lang naman ang mga lalake kapag bored sila kaya lesson learned wag umasa sa sa matatamis na salita or else ikaw din masasaktan.
Hahahaha, wala akong pinag huhugutan hoyy pero nakuha ko yan sa kanta ee ahahaha. Totoo rin daming maano na guy ngayon, pero di naman lahat. Pero partly kasalanan din ng ibang gurl, masyado silang ano - yong iba lang ha not all.
Ipamukha mo pa sakin mare hahaha. Mafall ang talo sa larong yan.
Hahahaha, why why? Napag daanan mo na? When when? Wahahaha, ilag ka nalang mare ahahaha
Kamakailan lang mare hahaha next please hahaha
Hahaha arayko mare, dinadamayan kita πππ€£π€£π€£
Okay lang amre basta dalawa tayo hahaha
Sakit naman nito sis. May mga tao talagang mahilig mag paasa. Yung akala mo na siya na, yung akala mo makakasama mo na siya in the future pero akala lang pala lahat. Ang sakit niyan sis. Grabe lalo na pag nahuhulog kana talaga sa taong yan. Bigla nalang bula na nawala kaagad. Parang panaginip lang lahat.π
Hahaha bat parang naranasan mo na sis? May pinag huhugutan tu π€ hahaha. Masakit talaga iyan, kaya bago pumasok sa malabong usapan na ganyan - linawin muna ang score between you two.
Hahaa oo sis. Ex ko dati. Nanligaw sakin tas hinintay ako 1 year tas nung naging kami na nag cheat.π Oo sis. Pero minsan na prove mo na ma seryoso sya tas sinagot mo na, bigla nalang magbago. π
Hahaha ay gegu naman nyan ahahaha bat pa sya nag antay magchicheat din pala ahahaha parang engot ahahaha
Oo nga sis. Tama ka talaga. Ewan ko sa kanya. Nadala ata sa temptation sis...π
Kaya dapat we will not settle for less eh. Sa simula pa lang dapat tanungin na kung may patutunguhan ba. Dapat may label talaga. Sayang yung mga araw na ilalaan mo sa kanya na walang kasiguraduhan. Sayang yung mga araw na sana masaya ka na sa tamang tao. Char! Haha.
Base on experience yan ano? Tanda ko pa yan Josepennnnnnn ung about sa inyo π
Natawa ako sa hugot mo sis.. Ang lalim haha been there but not anymore ππ
Hahahaha, relate na relate ka ee wari ko hahahaha
Mukang ako yong paasa dati hahaha. Sorry nman eh sa Hindi ko pala siya mehel π.
Hahaha ee ngayon? Mehel ne mehel ne? Ayiehhhhh ahahaha
"Hindi kalang bibigyan ng sakit ng ulo, sakit ng katawan, sakit ng matres, sakit ng bewang, sakit ng ngala ngala or kahit anong sakit pa iyan" π€£π€£π€£. Mapapaihi na lang ako neto. Iba ka talaga pag lumabas pagkakalog mo noh? π€£π€£π€£
Bwahahahaha, legit ba yan madams ahahaha.
Mukhang ang lalim ng pinaghugutan sis ah..ang iba siguro dyan eh pinagdaanan mo na..hehe..napakaswerte ko pala kung tutuusin dahil never ko naranasan na yung parang pinaasa ng taong minamahal...first crush, first love, first bf ko kasi si mister..hehe..hindi na nakalingon pa sa iba..c
Wow sana lahat haha
Inggit ka Meyzeeeeeepot? Juwa kana kasi ahahahaha. Ayaw mo ba alisin yang pagka nbsb mo? Yiehhhh hahaha
Hahahaha walang nagpaasa sakin hoyyy kathang isip lang yan lahat ahahahaha. Bat parang dalang dala kayo sa mga hugot ko wahahahaha. Anyways, yiehhh, lucky you. Grow old with you naba iyan π€©π
Palagi mo naman kaming nadadala sa stories mo sis..hahaha... Sana nga sis hanggang sa pagtanda magkasama tayo
Ang lalim ng hugotπ π bakit nga ba kasi may mga paasa.π sa una kala mo kayo pero ganun pala siya sa lahat.π π
Ayiehhhhh, parang may pinaghuhugutan naranasan mo na ano? Hahaha
Slight π€π€£ kaya nakakaasar yang mga paasa buti hindi ako umamin kung hindi nayari kana daiπ€£π€£
Naku careful na talaga tayo sa mga paasa na yan. Sa una lang sila magaling pero pag nakuha ka na, I mean pag naging kayo na, eventually mawawala na yung mga asukal na feelings na pinakita nung una
Hahahaha, why naman kasi nakuha ahahahaha. Alin ba ang nakuha ang jewel in the palace? Jahahaha kaya nga may mga ganyan din talaga ee mga fvck bois π
Ay paasa na sa una sa huli pasakit:)
Hahaha naransan mo na?
ouch naman eto baby gerl
Hahahaha why naman Noona, ikaw mandin ang ganito? Jahahaha
mapanakit to masyado kasi totoo naman..pero hindi naman ako gnito kasi di ako masyadong paasa hahha
Bwahahha, pero paasa pa rin Noona blehhh ahahaha
Ate knock knock! Kunwari nag who's there ka na "Hiniwang pusit" Di mo na mababawi hiniwang pusit sa mga salitang binitiwan mo. Chour. Ktnxbye hsahhsshah. Ayan kasi bawal assuming daw pero why kasi sila paasa ano? (Feeling may experience. Haha)
Sagad naba iyan Marygoround, bat mas nalungkot ata ako jan sa banat mo na iyan π₯Ίπ€£π€£π€£. Wag kana magmamahal Marygoround, baka madali ka ng ganyan naku yari. Buti nalang wala pa akong experience na ganyan. Ahahahahah
Ito ang pinaka ayaw ko, lalo na marupok ako. Naku Po!
Hahahaha ingatan ang puso kung ganon, pero matulog kana bata hoyyy ala una na.
Bago lang po ako natapos galing sa bakbakan ng School Works.
Though I could not understand all, but I know that Music was your inspiration to write this. Well, I might need to listen to some music too.
Hehe yeah it's from music i mean I was inspired to write it because od it. Thanks by the way π
Bakit nga b may ganun? Prang madali lng sa knila na manakit ng damdamin... Dun k na lng muna sa article ni madam jane jeje.. oo, alam q tApos mo na un pro balikan mo pra mahawa k ulit sa magandang ending π
Hahaha bakit nga kaya ano? Never kapa naging paasa madams? Hahaha
Bat ang sakit, relate ako dito,ung binigay mo na lahat pero at the end maghahanap pa siya ng iba.π akala ko ako lang para sa kanya,pero akala lang pala.
Awwwww, when mo naranasan? Nito lang ba? Awwww, awts, pain, pighati at pasakit haha. Ang dami din kasi nilamg ganyan ano aigooo.
More comments