"Ang taba ng Mukha ko." "Ang laki ng tiyan ko." "Bakit ang panget ko?" "Bakit walang maganda sa'kin pero sa kanya pinagpala syang talaga?" Ilan lang yan sa mga tanong na tumatakbo sa isipan ko. Mga tanong na puno ng pagdaramdam dahil walang maganda sa buhay ko. Lahat pangit, hindi katanggap tanggap at puro nalang galit ang meron ako sa loob ko. Laging tinatanong ang langit bakit wala ni isang napunta na maganda sa akin samantalang ang iba'y nag uumapaw na ang swerte lahat pa'y maganda sa kanila.
Para yong mga mumo, tira-tira at mga gamit na ang napunta sakin at lahat ng bago'y napunta sa perpekto nyang mukha at sa maganda nyang buhay. Mula ulo hanggang paa sya'y maganda at ako'y mukhang paa lang may libag libag pa. Bakit hindi pantay at bakit kelangang sa kanya'y lamang. Bakit hindi pinagpala pero sya'y nag uumapaw ang gantimpala. Bakit mukhang mas mahal sya at ako'y pilit lang na biniyayaan? Bakit feeling ko'y mas importante sya at ako'y hindi? Bakit ang unfair ng mundo?
Sabi nila'y masayang mabuhay sa mundo pero sasaya kaba talaga kung ganitong may kulang sayo? Kulang na pinupuna ng iba at mas pinagduduldulan pa Paliliguan ng insulto at ipapamukha pa sayong wala kang kwenta. Lahat ng effort na binuhos mo naipagsawalang bahala dahil mas pinansin nila ang kapintasan mo, hindi ka maganda, hindi nararapat dito. Imbes na ibangon ka Pilit pang yuyurakan ang pagkatao mong dating sira na. Imbes na suportahan at bigyan ng kompyansa, pagtatawanan ka pa na para bang nasa circus ka at nagpapatawa.
Hindi nila alam, umiiyak ka deep inside. Naghahanap ng kakampi pero wala ni isang handang mag abot ng kamay. Hinayaan kang mag isa at harapin mag isa ang nga demonyong bumubulong sayo na wakasan na ang lahat. Na para bang walanm kang ginawang tama kaya dapat ng mawala sa mundo. Hindi nila alam yong nga bulong nilang mapanakit ay parang talim ng kutsilyo na nagiiwan ng sugat na kahit pa humilom ay naroon pa rin ang bakas. Bakit ang daming perpekto sa mundo?
Bakit parang walang karapatang mabuhay ang tulad naming balyena kung ituring nyo? Masakit na, tama na. Pagod na kaming sumubok para lang pumasok sa pamantayan nyo ng pagiging maganda. Panahon na siguro para gawin namin ang talagang gusto namin na Hindi iniisip ang opinyon nyo. Mas mamahalin ang sarili at iiwanan ang insecurities na kumakain sa buong sistema. Wala naman talagang panget sa mundo ee, ang panget ay yong mapang husgang tao na ang tingin sa sarili ay perpekto. Basta lang may mainsulto.
Seriously, I'm just like this talaga ee you know has a lot of insecurities who only saw the ugly side of me without even thinking that maybe there's something beautiful in me? After all not just all about the physical appearance, beauty can be seen tru our personality. And, loving ourself? Accepting our imperfections? We do that and other things doesn't matter anymore.
So to you who has a lot of insecurities who can't accept the real you, stop for a while and think of the good things you've already done. You are beautiful, yes you are you should know that. We are all beautiful in our own ways.
--
Wahhh, done! I decided to write a Pilipino article today just because. Sorry to my other readers I just want my mind to breath a little that is why I use Tagalog language hehe. Writing in English everyday is a little bit exhausting especially I'm not used in speaking English really. I just learn to do this here thanks to read.cash. My grammar is still not good but I'm trying really huehue so please bear with me 🥺🥳 thanks.
Recent Article
Read these to Start in Club1BCH
December 10, 2021
-
I personally believed na lahat tayo may angking kagandahan ate. Sabi nga nila, beauty is in the eye of the beholder. No matter what they say, we are imperfectly perfect and that what makes us even stand out more from everyone else.