12 Days With Him: Ang Pagtatapus

71 186
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

July 12, 2021

Medyo mahaba-haba ito, kelangan ko na talaga tapusin eh. Pero sana ay basahin niyo, medyo roller coaster ang ending. Pero sana ay magustuhan niyo, walang forever sa nagsusulat na single 🤣

12 Days With Him: Bella

12DWH: Aksidente

12DWH: Hawak-Kamay

12DWH: Harana

12DWH: I'll Be Your Sunset If You'll Be My Silhouette

12DWH: Let's Enjoy The Remaining Days Together

12DWH: Sa Kaarawan


Bella's POV

Puro puti ang nasilayan ko ng magising ako, kumikirot pa rin ang aking ulo. Sa harapan ko ay isang lalaking nakaputi na hindi ko makilala dahil malabo ang aking mga paningin kapag walang suot na salamin.

"San Pedro? San Juan? Nasa langit na ba ako?" Mahina kong tanong sa aking sarili.

Ang katabi nitong magandang matandang babae na naka puting bistida ay natawa.

"Sino namang santa ito?" Tanong ko.

Pagtingin ko sa kaliwa ay nakita ko isang lalaki na may malulungkot na mga mata at sa tabi nito ay isang aso.

"San Pedro ulit? Pero manok naman alaga nun hindi aso."

Kinuha nito ang aking kamay at hinalikan.

"How are you Bella?" Tanong nito.

Teka sandali. Snap...

Kinusot ko ang aking mga mata at nasilayan ko si John kasama si Tita at isang doktor.

"Hindi pa ako patay." Sambit ko sa sarili habang hinahawakan ang aking dibdib.

"Hindi iha. Nahimatay ka kanina at buti ay nasa selebrasyon si doktor kaya nagamot ka kaagad." Paliwanag ni tita Martha. (Tita ni John)

"Dok. Buntis ba ako?" Bigla kong tanong dito?

"What? Sino ang ama?" Sigaw ni John pero hindi ko pinansin dahil galit parin ako sa kanya.

"Ba't mo naman natanong iha?" Tanong ni Dok.

"Di ba sa mga Kdrama kapag mahimatay, ito ay sintomas ng nagbubuntis." Sagot ko dito.

"Tama na kasi kakapanood ng Kdrama." Sambit ni John na tiningnan ko ng masama.

"May nangyari na ba sa inyo?" Tanong ni Dok.

"Wala!" Sabay naming sigaw ni John at natawa si tita.

"Wala naman pa ala. You suffered from hypoglycemia iha, stress at nalipasan ka ata ng gutom. Kumain ka ba kanina?" Paliwanag ni Dok.

"Tumikim lang sa cake." Tumingin si John sa akin.

"Bakit naman iha? Madaming pagkain sa baba." Tanong ni tita.

"Eh... ayaw ko po kasi lumaki tiyan ko sa soot kong bistida." Nahihiya kong rason at napasigaw si John.

"What?" Sigaw ni John.

"What whatin mo mukha mo. Ba't ka ba sabat ng sabat, hindi naman ikaw ang kinakausap." Sigaw ko kay John.

Natawa nalang sila tita at Dok.

"Oh siya. Iwanan na namin kayo at mukhang may mahaba pa kayong pag-uusapan." Sambit ni tita.

Nagpaalam na ang dalawa at ako'y humingi ng tawad kay tita sa pagsira ng gabi niya. Wala naman iyon sa kanya at sabi pa nya ay pinalayas na niya yung ahas na si Faith. Hiniwalayan na rin daw ni Jeff siguro ay natauhan na sa sama ng ugali ng kanyang nobya.

Pagkaalis ng dalawa...

Nabingi ako sa katahimikan. Maya-maya'y nagsalita si John.

"Patawad Bella." Panginguna nito.

"Wag na wag mo na akong tatawaging Bella. Sino si Bella at nasaan siya?" Pagalit kong tanong kay John.

Tumayo si John at may kinuha sa hunos ng lamesa sa tabi ng kama. Iyon pala ang kwarto ni John dahil sa mga litratong nakapaskil sa pader.

Maya-maya pa'y umupo ito sa tabi ko at may ipinakita itong litrato. Nagtaka ako ng makita ko isang babaeng kamukhang-kamukha ko maliban sa wala itong salamin na suot. Para akong nakakita ng aking doppelganger.

"Noong nakita kita sa istasyon ng tren, para bang ibinalik ang kahapon, at si Jelliane ang una kong naalala. Kaya mula noon ay sinundan na kita na para bang ayaw kong pakawalan ka pa." Pagsisimula niya.

"Sino si Jelliane?" Nagtataka kong tanong.

"Jelliane ang pangalan niya, but I used to call her Bella."

"Gaya ng tawag mo sa akin."

"Mula sa haba at kulay ng buhok at balat, hubog ng katawan at mga mata, kamukhang-kamukha mo siya."

"Wala siyang salamin, magkaiba kami ng smile. Eh nasaan na siya? Ikakasal na kayo diba? Ba't mo pa ako dinala dito gago ka" Sambit ko.

"Isang gabi, umuwi kaming nagtalo sa daan dahil sa kasinungalingang gawa-gawa ni Faith. Sa mismong kalsada kung saan ka muntikan masagasaan, doon siya tumakbo patawid at nasagasaan ng humaharorot na sasakyan." Paliwanag niya na mas lalong nagpakulo sa aking dugo sa babaeng ahas na si Faith.

Kita ko sa mga mata niya ang pagpatak ng mga luha. At doon ko naintindihan ang pag-alala niya nung gabing muntikan na ako mawala.

"Kaya sobra akong nag-alala sa iyo ng gabing iyon. Akala ko pati ikaw ay mawawala din." Paliwanag ni John na nakatingin sa akin. Kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Marahil ay mahal na mahal niya si Jelliane.

"Sabi ni manang Gloria pinoy rin daw iyon, ano nangyari sa pamilya niya?" Tanong ko.

"Nakakulong na sa city jail ang nakasagasa sa kanya at iyong danyos na ibinigay ay ipinang negosyo ng pamilya niya. Binigyan ko rin ng scholarship ang tatlo niyang kapatid. Kasalanan ko kung bakit siya nawala at ito ay konsensiyang dadalhin ko hanggang kamatayan." Paliwanag nito.

"Kaya mo ba ako nagustuhan dahil nakikita mo sa akin si Jelliane?" Marahan kong tanong.

Natahimik sandali si John habang nakatitig sa malulungkot kong mga mata. Hinawakan niya ang aking pisnge at sa kabilang kamay naman niya ang aking kamay.

"Magkapareho nga kayo ng hitsura, pero hindi ng ugali. Masyadong tahimik si Jelliane samantalang ikaw...."

"Bungangera" sabi ko sa kanya. At natawa konti si John.

"Ikaw ay palatawa at nakakatuwa." Dugtong pa niya.

"So ano ako sayo? Clown?" Biro ko sa kanya.

"Una pa lang ay nahumaling na ako sa iyo dahil kamukha mo si Jelliane. Pero sa katagalan, ibang pagkatao ang minahal ko." Nakatutok ito sa aking mga mata.

Mahal?....Niya ako? Sabi ng malandi kong isipan.

"Oo mahal na kita." Sagot niya.

Aba nabasa niya ang isip ko. Dugtong ng isipan ko.

Tila ba nakawala ang mga paru-paro sa aking tiyan sa sinabi niya at may kung anong bagay ang uminit sa aking mukha. Isa-isang pumatak ang mga likido mula sa aking mga mata.

"Ako ba ay mahal mo din?" Tanong ni John.

Hindi na mapigilan ang aking pag-iyak marahil dahil sa tuwa o baka naman sa lungkot.

"Panu kung umalis ka din katulad ng mga nang-iwan sa akin? So masasaktan na naman ako ganun?" Sabi ko kay John habang umiiyak.

Niyakap ako ni John habang pinapatahan sa pag-iyak.

"No, never." Sagot nito sabay halik sa aking ulo dahil humahagulhol parin ako sa pag-iyak.

Inilapat niya ang kanyang noo sa noo ko, at nagtanong ulit.

"Do you love me too?" Bulong nito sa akin at ako ay tumango.

"Say it." Sabi ni John habang hinahawakan ng dalawang kamay niya ang magkabila kong pisnge at nakatutok ang mga mata nito sa maluha-luha kong mga mata.

"Yes. I love you." Sagot ko sabay yakap sa kanya na naiiyak parin.

"I love you Bella."

"I love you too John."

Naghiwalay kami sa pagkakayakap at inilapat ang mga noo sa isa't-isa na may isang pulgadang agwat ang mga mukha.

"Bella." Bulong nito.

"John." Sagot ko.

(Ipikit ang mga mata, ay wag basahin pala 🤭 🤣) TAPUSIN ANG ISTORYA, HUWAG MAG ASSUME 😅

Dahan-dahang inilapat ni John ang malalambot niyang mga labi sa akin at isang bultahi ng kuryente ang dumaloy sa aking katawan. Isang kamay ay nakahawak sa aking mukha at ang isa ay naglakbay papunta sa aking likuran. Bawat himas ng kanyang kamay ay nagbigay buhay sa kanina'y natutulog kong sensayon. Animo'y nag-init ang paligid at pati mga kamay ko'y gumapos sa katawan ni John.

Pumakawala ito sa paghalik at nagtanong ng pabulong...

"Are you sure?" Bulong ni John.

"Yes." Pabulong kong sagot.

Mula sa marahang halik ay unti-unti itong naging mapusok at ramdam ko ang pagkaubos ng aking hininga pero tila ba'y ayaw ko huminto ang mga sandaling iyon. Hinila ko ang kanyang kurbata at binuksan pa isa-isa ang butones ng kanyang kamiseta, at dahan-dahan niyang ibinaba ang siper at manipis na manggas ng aking bistida.

Ang kanyang mga halik ay naglakbay mula sa aking balikat, leeg, pisngi, at bibig. Bago pa man siya pumakawala ay hinalikan ko siya pabalik. Alam ko magiging masakit iyon, pero sa isipan ko, gusto ko lang sulitin ang mga sandaling kami ay magkasama. At sa gabing iyon, napuno ng pagmamahal ang buong silid at natapus ang gabi na kami'y magkayakap sa kama.


Pang Labing Dalawang Araw

Pagdilat ng aking mga mata ay liwanag ang aking nakita. Isang lalaki ang humalik sa aking mga labi at saka umalis dala-dala ang kanyang mga malita.

"Nananaginip ba ako?"Sambit ko sa sarili ko at ipinikit pabalik ang mga mata.

Dahil sa mga pangyayari nung isang gabi ay napahaba ang tulog ko. Medyo masakit parin ang katawan pati ang aking ulo.

May pumasok sa pintuan at iyon si Manang Gloria para linisin ang silid.

"Oh, gising kana pala. May pinapabigay sa iyo si sir John." Aya ni manang Gloria na may iniabot na isang puting karton at sa ibawbaw ay may papel na may nakasulat na.. "To Bella."

"Ano to manang?"

"Sabi ni sir John, ibigay ko raw sa iyo pagkagising mo." Sabi ni manang habang nagliligpit ng silid.

Pagkabukas ko ng karton ay isang bagong selpon ang aking nakita.

"Bumili talaga ang gago." Bulong ko sa sarili ko na nakangisi..

Sunod kong binuksan ang nakatuping papel para basahin ang liham. Hindi ko pa man natatapus basahin ang liham ay tumulo na ang aking mga luha.

"Ano to manang?" Tanong ko na may panginginig sa bibig.

"Patawad iha. Sabi ni sir John huwag daw kayo gisingin. Tapus na ang kanyang bakasyon at umalis na siya kaninang umaga." Pagpapaliwanag ni manang Gloria.

Dali-dali akong tumakbo papunta sa balkunahe at may isang sasakyang lumabas mula sa gusali.

"John!!!" Malakas kong sigaw habang humahagulhol sa pag-iyak.

"Walang hiya ka sabi mo hindi mo ako iiwan. Gago ka John. Lahat ng umalis sa buhay ko ay hindi na bumalik." Sigaw ko. Napaupo ako habang umiiyak na tila ba'y walang katapusan ang pagbaksak ng aking mga luha.

Pumasok si tita Martha na nag aalala at niyakap ako nang mahigpit.

"Patawad Bella."

THE END...

Sabi ko naman sa inyo walang forever sa nagsusulat na single 🤣🤣

Patawad sa pagsira ng mood.

Pero teka, hindi pa tapus ang istorya.

Scroll down...

Makalipas ang lampas dalawang buwan...

Makalipas ang lampas dalawang buwan, dumating na sa bahay ang aking magiging kapalit at ako nama'y babalik na sa pinas dalawang araw mula ngayon. Tuwing umaga at gabi at lage kong tinatanaw ang rooftop nila tita Martha mula sa balkunahe namin at nagbabakasakaling siya ay aking makita. Napadalas na rin ang pagdalaw ni tita sa amin para ako ay kumustahin. Kahit wala na si John ay naging napalapit ako sa kanya na itinuring kong parang tunay na tita.

Hinugot ko ang selpon na bili ni John mula sa aking bulsa. Simula noong umalis siya ay hindi ko ito ginamit ni isang beses. Wala din ni isang mensahe o tawag mula sa kanya.

"Para saan pa to kung hindi naman siya magpaparamdam. Sinungaling." Sambit ko sa sarili ko.

Pagkalingon ko ay nakita ko si Lam na kinukunan ako ng litrato. Napadalas ang kanyang pagkuha simula ng naging malungkot ako.

"Why are you always taking photos of me?" Tanong ko dito.

"You're leaving na hama..I will miss you." Sagot nito.

Kahit ako naman ay mamimiss ko rin ang batang si Lam kaya niyakap ko ito at hinalikan sa ulo.

"I will miss you too."

Dumating si madam at nakangiting sabi..

"A.. a...aJea.. (AJane tawag sa akin pero kung bigkasin ay AJea) you want to work again? My friend is looking for a caregiver. Only take care of his grandfather. Only two people at home." Naka Chinglesh na paliwanag nito.

"I want to rest first taitai (cantonese of mam or madam)."

"No, no. You can rest there. Only two people." Sabi pa niya.

"I will check it first taitai."

"Here, here. I give you address. You go there tomorrow."

Tila ba gusto na akong palayasin ni madam.

Kinabukasan ng hapon ay pinuntahan ko ang address na ibinigay ni taitai. Ang lokasyon nito ay nasa harap ng isang kilalang beach resort. Naalala ko tuloy ang mga araw na naligo kami ni John sa Shek-O beach at isla nang Cheung Chau. Pagkarating ko sa labas ng bahay, kinabahan ako dahil ito ay hindi nakakandado at nakabukas ng kunti ang pinto. Pinindot ko ang doorbell pero makalipas ang ilang minuto ay walang lumabas mula dito. Kaya tinawagan ko si Taitai.

"Hello taitai, are you sure this is the correct address? No one is here but the door is open." Nag-aalala ko bg tanong sa kanya.

"Yes, yes. You go inside. He is waiting. Enjoy Ajea" Paliwanag nito.

Nagtaka naman ako sa enjoy. "Ano naman kaya eenjoy ko dito? " Tanong ko sa sarili ko.

Binuksan ko ang pinto at dahan-dahang pumasok, pero wala ni isang tao sa loob. Ang ganda ng bahay na moderno ang istilo. Itim at puti ang tema ng kulay, at malalaki ang mga bintanang salamin na abot tanaw ang karagatan sa baba at presko na hangin ang labas pasok sa loob ng bahay.

"Hello, is there anyone here?" Mahinang sigaw ko.

Tahimik ang bahay at walang sumagot sa tawag ko.

Dahan-dahan akong naglakad papunta sa sala at nilibot ng aking mga paningin ang buong bahay. May tila pamilyar na bagay ang kumuha ng aking atensyon. Iyon ang mga larawan na nakasabit sa pader. Nagulat ako sa aking mga nakita, dahil puro kuha ko ang nakalimbag.

"Anong ibig sa ibig sabihin nito?" Isang malaking palaisipan ang gumuhit sa aking isipan.

Ang mga larawan ay kuha mula nung unang araw naming pagtatagpo ni John.

  • Isang larawan sa istasyon ng tren habang nakangising nagtitipa ng mensahe sa aking selpon.

  • Isang larawan habang iwinawagayway ang aking kamay para tawagin ang taxi.

  • Isang larawan sa balkunahe habang nakalutang sa hangin ang aking mga kamay at nakabukas ang bibig sa paghikab.

  • Isang larawan na tumatakbo sa park na may nakakatawang hitsura at sa likod ko ay ang asong si Rusty na akala ko ay hinahabol ako.

  • Isang larawan nung gabing kumain kami ng pansit sa Taiwanese restaurant, ni hindi ko alam na kinuhaan pala niya ako ng larawan habang nakatango.

  • Isang larawan habang natutulog sa buhanginan sa bisig niya na kuha sa tabing dagat sa isla ng Cheung Chau.

Isa-isang pumatak ang aking mga luha at sunod-sunod na hikbi ang pumakawala sa aking bibig.

"Walang-hiya ka John magpakita ka!" Sigaw ko.

  • Isa pang larawan sa Wetland Park habang inaabot ko ang mga nakasabit na mga ilaw.

  • Isang larawan sa Shek-O beach habang hinahabol ng asong si Rusty.

  • Isang larawan sa Disneyland na tuwang tuwa sa soot kong bandana sa ulo na may taenga ni Mickey Mouse.

  • At ang panghuling larawan ay magkasama kaming dalawa sa kaarawan ng kanyang tita.

Iyon ang mga kuha ni John sa akin na hindi ko man lang alam. Pero ang sumunod na umagaw ng aking atensyon ang sa kabilang bahagi ng pader na mga larawan.

  • Isang larawan habang ako'y nakadungaw sa balkunahe na nagbabakasakaling siya ay masilayan sa rooftop.

  • Isang larawan habang nakatingin sa malayo na hindi alam ang laman ng isipan.

  • Isang larawan na nakaupo sa sahig habang tinititigan ang selpon na binili niya para sa akin.

  • Isang larawan na umiiyak sa sulok ng banyo.

At dahil dun, mas humagulhol ako sa pag-iyak. Iyon marahil ang mga kuha ng batang si Lam sa bahay. Maya-maya pa'y may tumugtog na musika sa bahay.

🎶🎶Even if I am miles away, I will still check on you.

Do not cry because I will be back.

I don't want you to see me walk away, but please watch me run right back.

I'll show you how to love again.

I'll be your sunset and you'll be my silhouette.🎶🎶

Isang bagong kanta na halintulad ang liriko sa kantang kinanta niya sa pantalan ng Cheung Chau. Pero ang mas lalo nagpaiyak sa akin ang boses sa likod ng kanta. Hindi iyon boses ng kung sino mang mang-aawit sa radyo at telebisyon, kundi boses ng taong inaasam-asam kong makita.

"Magpakita ka John." Sigaw ko habang umiiyak.

Tumakbo ako para tingnan ang bawat silid at banyo pero wala ito. Tinakbo ko ang kusina at likod ng bahay pero wala ito.

Parang umikot ng mabilis ang aking mundo at ako'y mahihilo. Hanggang sa bumagsak na lang ako sa sahig na patuloy parin sa pag-iyak.


John's POV

"Hello, is there anyone here?" Sigaw ni Bella.

Unang rinig ko pa lang sa kanyang boses ay gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit ang hagkan ang kanyang mga labi. Pero pinigilan ko ang sarili ko, at nagtago sa parte ng balkunahe na natatabunan ng kurtina. Gusto ko siyang isorpresa.

Bawat hikbi at iyak niya ay nagbibigay kirot sa aking puso. Lampas dalawang buwan kong tiniis na hindi magparamdam at magpakita dahil gusto ko, kapag dumating ang araw na ito, ay maramdaman naming pareho ang sobrang pananabik sa isa't-isa.

Hindi naging madali ang pag asikaso ng aking bisa, kaya umabot sa dalawang buwan at akala ko ay hindi ko na siya maabutan pa bago pa man makaalis papuntang Pilipinas.

At dahil sa batang si Lam, araw-araw ko siyang nakikita sa mga larawang ipinapadala sa akin. At sa bagong selpon na binili ko sa kanya na may tracking device, ay nalaman ko kung saan siya pumupunta. Sa ganoong paraan lang mapapanatag ang aking puso at isipan.

"Magpakita ka John!" Sigaw ni Bella.

Ayaw ko na tong patagalin pa dahil parang sasabog na ang aking dibdib. Gusto ko na siyang mayakap ulit sa aking mga bisig. Dahan-dahan akong lumabas sa pinatataguan ko at tumayo sa pinto ng balkunahe.

Si Bella ay nakaupo sa sahig at humahagulhol sa pag-iyak. Isa-isa na rin pumatak ang aking mga luha, ayaw ko na siyang makita pang umiiyak. Maya-maya pa'y isang anino ang kanyang nasinagan.

Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo para tanawin ang pinanggagalingan ng anino na mas lalo lang nagpalakas ng kanyang pag-iyak. Parang bagyo na hindi humihinto sa pag-ulan na may dalang kulog at kidlat.

Tumayo ito at aakmang tatakbo.

"Stay there." Sabi ko sa kanya.

"Gago ka, ba't ngayon ka lang nagpakita?" Sigaw nito. Namiss ko ang kanyang mga ekspresyon na nakakagago.

Hindi ko na napigilan ang aking sarili at tumakbo papalapit sa kanya.

"John!" Sigaw nito.

Sa paglapit ng aming mga katawan ay agad ko siyang niyakap ng mahigpit.

Image source: https://www.quora.com/Why-do-guys-give-long-and-tight-hugs

"I missed you so much Bella."

Isang mahigpit at mahabang yakap ang binigay ko sa kanya. Wala pa ring tigil ang kanyang pag-iyak.

"Walang-hiya ka, ba't ngayon ka lang nagparamdam? Bakit?" Iyak nito habang hinahampas an aking likuran.

"Andito na ako, tahan na. Sshhh." Pagpapatahan kay Bella.

"Bakit ngayon ka lang?" Paulit-ulit nitong tanong na hind humihinto sa pag-iyak.

Hinarap ko siya at hinawakan ang magkabilang pisnge para punasan ang kanyang basang mukha dahil sa luha.

"I'll never leave you again." Bulong ko sa kanya at niyakap ko siya ulit ng mahigpit.

"Mangako ka hindi ka na aalis pa." Sambit ni Bella.

"Pangako." Sagot ko.

At ginawa ko ang kanina ko pang nais gawin at iyon ang halikan ang kanyang mga labi.


Bella's POV

Bawat halik ni John ay may halong pananabik at napayakap ako sa kanya ng mahigpit. Pagkatapus ng ilan sandali ay kinuha nito ang aking kanang kamay at may isinoot ito sa aking daliri. Kami ay napahinto sa paghalik at tiningnan ko ang aking kamay at isang singsing ang isinoot dito.

"Will you marry me?" Tanong ni John.

Napatakip ako sa aking bibig at naiyak sa tuwa.

"May choice pa ba ako? Isinoot mo na. Of course yes!" Halos tumalon ako sa tuwa at niyakap pabalik si John.

Maya-maya'y binuhat nya ako na katulad sa mga palabas na bagong kasal.

"Anong ginagawa mo?" Gulat na tanong ko.

"Tayo ay maghahoneymoon." Panlolokong sagot nito.

"Agad-agad? Teka sandali. Hindi ako prepared." Sambit ko habang naglalakad siya papuntang kwarto.

"Two months Bella. Two months akong nanabik sayo." At hinalikan niya ulit ako sa mga labi.

"I love you Bella."

"I love you too John."

At alam niyo na ang sunod na nangyari ayaw ko na idetalye pa dahil iyon ay mahaba-haba. 🤣🤣

THE END (tunay na this..)

Ayan..sabi ko sa inyo roller coaster ang ending 🤣. Wala talagang poreber pero sa mga nagrequest, ayan na..sana ay nagustuhan nyo.

Sa mga sumubaybay sa istorya nila Bella at John, nainis, naluha, natawa, at nainlove, maraming, maraming, maraming salamat po.

Kung hindi dahil sa inyo at hindi ko mabubuo ang istoryang ito. Sana ay nagustuhan niyo ang pagtatapus. 😊 Ayoko ng ulitin pa ang magsulat ng ganito. 🤣🤣

May pahabol...

Magkasabay umuwi sa Pinas sila Bella at John at ikinasal sa toktok ng Chocolate Hills kasama ang mga tarsher at naghoneymoon sa loob ng tent sa tabing dagat ng isla berde na pinalilibutan ng mga alupihan. Pagkatapus ay bumalik sa Hong Kong at nanirahan sa bahay kung saan sila muling nagkita kasama ang asong si Rusty. Ang 12 days with him ay naging forever.

Grabe exotic ang pagmamahalan ng dalawa, lol. 🤣 🤣

(Biro lang po ito 😅) Sana all na lang ako.

And they live happily ever after..

Maraming salamat ulit sa oras.

Paalam Bella at John..

Sponsors of Jane
empty
empty
empty

27
$ 1.42
$ 0.10 from @bmjc98
$ 0.10 from @tired_momma
$ 0.10 from @Crackers
+ 21
Sponsors of Jane
empty
empty
empty
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

Comments

HAHAHAHA akala co real life hehe Hindi pala .😁 more articles to u & Godbless 😇

$ 0.00
3 years ago

Iniisip ko pa naman na baka real life to.. HAHAH. Di pala.. pero sana me real John ka na soon. :) Congrats sa story mo.. Wag mo na uulitin tong pure tagalog ha.. Ang hirap mag basa.. Gusto ko sana itagalog yung refrigerator pero kahit itype ko pa ang hirap.. lol.. Next story naman pero English na. :)

$ 0.00
3 years ago

Worth it ang pagbasa kahit ang dami kong gagawin na trabaho haha! Natapos din ang nobela. O siya, next!

Nagddrama na nga mga naisingit pang kalandian dun sa nagsabi ng feelings si John :D

The best un ending. Pang ilang ending nga ba? Un sa Chocolate Hills. Napaisip ako saglit kung ano nga nga ung alupihan haha!

$ 0.00
3 years ago

Yung manok ang nagdala, sis :D

$ 0.00
3 years ago

Haaayyy, salamat d bitter ang ending.. bumalik aq sa highschool qng saan kilig kilig sa mga pocket book na binabasa🤣.. ung writer kaya, kelan magkakaporeber?

$ 0.03
3 years ago

Iwan madam. Mulhang walang pag asa 🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Favorite place talaga nila ang tent ano?? haha May naalala tuloy ako dito, ung kila daniel at kathryn. Ano nga ba un? barcelona? espanya? milan? mulan? hahah

$ 0.03
3 years ago

May tent rin ba sila nun ? 😅

$ 0.00
3 years ago

ay wala.. hahah kay bella lang talaga ang tent scenes. Hahaha Forget elevator scenes, Tent scenes are in. hahaa

$ 0.00
3 years ago

Haha. Masikip kc dun.. 🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

oo nga... iniisip ko nga pano gagalaw maayos. hahhha

$ 0.00
3 years ago

Thank you so much sa magandang ending ng story ni Bella at John.. Ganto madalas nababasa kong story sa wattpad. May happy ending kaya din ako naadik sa pagbabasa nun nung college ako hehe. Sulit na sulit yung effort ko sa pagbasa.🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰🥰tapos galing mo pa pumili ng mga songs. More more more stories. haha.

$ 0.05
3 years ago

May sequel daw🤣

$ 0.00
3 years ago

ay bet ko yan. panibagong character from their story. hehe or katuloy ng buhay nila mag asawa ne. antayin ko yan. Aasa ako. haha

$ 0.00
3 years ago

Bukas na 🤣 sila pa din 🤣 english na yun, two parts lng.. Expect the unexpected 🤣

$ 0.00
3 years ago

naexcite ako pero kinabahan din at the same time dun sa expect the unexpected. haha

$ 0.00
3 years ago

Waaaahh this is what I want!!! magwawala na sana ako nung umalis ang bwisit na John gusto ko sundan ng sipa, hampas, suntok at tadyak! Nakakaiyak na nakakagalit! Kainissss hahaha. Buti at nagbaliiiikkkkkk happy happy pa rin ang endiiiiingggg! 😭 pwede na mag gapangaaaan!! Happy for you, Bella!! Sana ganyan din sa totoong buhaaaay. HAHAHA. Anyways, ganda nitong 12DWH! 💚

$ 0.05
3 years ago

Sana mga dai 🤣🤣 kasp hanggang fiction story nlng ako 🤣

$ 0.00
3 years ago

Ahahahahah ang galing ate, congrats😁 natawa ako na may pawarning na sa spg ahhahah at special mention kay rusty haha sana all happy ending🤣🤣

$ 0.03
3 years ago

Para may comedy 🤣

$ 0.00
3 years ago

Hahahah ayos na ayos ang ending, mejo nagjump lang utak ko nung umalis si john. Nakakagalit like "kelan ba sya magpapakita pag nag-aagaw buhay na sa maselang pagbubuntis si Bella? Hahaha charr pero sulit and series hahahha congarts ulit po💕

$ 0.00
3 years ago

Novel at wattpad feels. Ugghhh 🥺❤️ Wala na ba talagang kasunod? Mamimiss ko yung dalawa. Hahaha! Napakganda po ng iyong ginawa. 👏👏👏

$ 0.03
3 years ago

Abangan ang sequel na hndi mo aasahan 🤣

$ 0.00
3 years ago

Bravo Ms Bella este Jane for this awesomely entertaining story! Lovelovelove it! Although sabi ko sayo, d ako mahilig magbasa ng tagalog, binasa ko pa rin eto. You've got a thing for novel writing. Go for it!

$ 0.03
3 years ago

Salamat sa pagbasa madam 🤧

$ 0.00
3 years ago

Speechless. Totally speechless 😶

Just tell me if this story is real or not. Lol 😂

$ 0.03
3 years ago

Fiction. 🤣 but some are based on my real events, places I've visited, and some pictures are mine 😅

$ 0.01
3 years ago

Hahaha. This is seriously serious…

You are a script writer, movie director, actor, author, All in one ☝️

I thought so, it can’t be real.. but your images kept on making me believe. I was later in doubt. 😂

$ 0.00
3 years ago

Haha. In order to make the story seem real, you need to put your own story and feelings 😁

$ 0.00
3 years ago

That’s pretty cool and awesome of you. 😎

$ 0.00
3 years ago

Ayown.. Hay sa wakas.. Natapos na at natapos ko na rin ang huling kabanatang basahin. May forever.. Maghintay ka lang.. 😁

$ 0.03
3 years ago

Sana all nlng ako kay Bella 🤣

$ 0.00
3 years ago

You are Bella too kaya may poreber ka din. 😁

$ 0.00
3 years ago

Geeezz need ko Muna simulan sa u Ang pinost mo sis haha di ko Kasi soya natapos nakaraan dun sa u Ang account ko hahaha bago Kasi to. So balik Muna ako sa Naina long articles about dito sa dating2x NATO para malaman ko full story mo awww hahaha

$ 0.03
3 years ago

Mahaba haba to kya simulan mo na. 🤣

$ 0.00
3 years ago

pwede ka na mgsulat ng mga gnitong story sa wattpad... or novel..ehehe

$ 0.03
3 years ago

Pwd.ko na to ipost dun 🤣

$ 0.00
3 years ago

so nagpopost ka talaga dun? yay... congrats!

$ 0.00
3 years ago

I almost got an heart attack when i saw "The End". I was already thinking of words to type to attack John and even you as the writer🤣🤣🤣. Why break Bella's heart?.

But after reading the rest i started smiling like a baby given Lollipop 😂.

Interesting story. From the 1st episode to the last. A classic I'd say. Thanks for the story...

$ 0.05
3 years ago

So you have translated it? 😅 thank you for reading..

$ 0.00
3 years ago

Yes i did. You're welcome ma'am

$ 0.00
3 years ago

YUng luha ko aguy...kahit nag ta type na ko naiiyak pa rin ako....huhuhuuhu...buti nalang talaga at bumalik si John dahil kung hindi ipapabarang ko talaga xia ... ang ganda...huhuhuhu pak naiiyak na naman ako aigoooooooo overall ang ganda.. at gusto mo talaga makagat nang alupihan dahil gusto mong manirahan na napapalibutan nang maraming ganun..at sa tuktok pa nang chocolate hills hahahahahaha

nabaliw ako sa stroyang too...natawa nagalit natawa ulit at ang panghuli napa hagulhol sa iyak..na naka smile..

$ 0.10
3 years ago

Huhu.. mommykin. salamat sa pagsubaybay.. 😭😭 kahit ako naiyak dn sa part na malungkot.. ganun cguro kpg lagyan tlga ng feelingd ang story

$ 0.00
3 years ago

true ...ang ganda nang kinalabasan kahit alam kong nag struggle ka kasi hindi ka na sanay sumulat sa Pilipino hehehehe// kudos sayo na hook kami wohohohoho

$ 0.00
3 years ago

Haha. Okay lang naman.. pero kahit tagalog may grammar errors 🤣

$ 0.00
3 years ago

nobody's perfect ika nga hahhha...good job great piece ...two thumbs up...wala ako emoji na///old school PC ko hahahaha

$ 0.00
3 years ago

Haha.. thank you 😘

$ 0.00
3 years ago

Yayyyyyy 😍🎉🎂🍰💥🎊🥧🍮🥧, putukan naaaaaa. Kala ko talaga hindi happy ending ee. Buti naman at naikasal na sila with the the tarsier ahaha. Natatawa lang ako sa mga banat ni Bella kay John, damang dama ko ung galit sa mga "gago" nya ee wahahahaha.

$ 0.05
3 years ago

Nakakagago eh ka pa ni John 🤣🤣 Huhu.mamimiss ko to

$ 0.00
3 years ago

Yeyy... Salamat sa magandang ending miss Jane I'm super happy 🥰 it's all worth it and agony, Ang bitin, Ang almost tears lahat worth it. Hayss buti Naman binigyan mo Ng happy ending Ang storyang Ito makakatulog ako Ng mahimbing 😅😅 Sana gumawa Kapa ulit Ng story aabangan ko. Lab you 😘

$ 0.05
3 years ago

Haha. Salamat sa.pagsubaybay...

$ 0.00
3 years ago

Pleasure is all mine 🥰

$ 0.00
3 years ago

Waaaahhhh gusto ko talaga Ost nang Goblin hahaha at least nabasa ko ang last part hahaha.

$ 0.03
3 years ago

Ganyan minsan ako magbasa... simula, gitna, at ending 🤣

$ 0.00
3 years ago

Yun yun eh!!! Sa good job sis! Nabigay mo lahat ng emotion sa nobela mo na to... Isa ka ng tunay na manunulat

$ 0.05
3 years ago

Haha...salamat.. pero di ko na gagawin pa to 🤣

$ 0.00
3 years ago

Awit. Sana all bumabalik, John! Wahahaha Sana all may poreber pero wala paring ganun. 🤭🤣

$ 0.05
3 years ago

Inggit mga singles 🤣 kung ako lng.papipiliin wala.tlga forever , kaso bka magwala fans ni bella 🤣🤣

$ 0.00
3 years ago

Diko na nasundan ano ba yan pero ang saya naman ng ending na maya halong pag kalungkot na diko maeksplika

$ 0.05
3 years ago

Basahin mo nlng yung iba 🤣

$ 0.00
3 years ago

Sigii hahanapin ko sila haha

$ 0.00
3 years ago

Ayieeee🥰😊 yeheey tama ang aking pagkakasabi nung sa previous article hehe nag sana sana ako na mag happy ending 😍 thank you Ms. Jane .. Grabe talaga natawa ako don sa nakita ni bella si san pedro hahaha tapos don sa sinabe niyang buntis siya 😅. Pero after niyan ng kiligan naiyak ako don sa nag iwan kay mang gloria ng Love letter tapos biglang alis ni john kala ko end na kasi nabasa ko nalungkot ako kasi sad ending 😢 pag scroll ko ng konti nagtaka ako mahaba pa pala kaya nagpatuloy ako mag scroll hanggang sa yun na nga meron pang pahabol bago umuwi ng pilipinas si bella 🥰😊😍 grabe ang iyak niya sobra pero lahat ng nasayang na luha na ng galing sa kanyang mga mata ay napalitan ng kasiyahan sa kanyang puso ng makita niya si john at sabihin sakanyang Will You Merry Me 😍😍🥰.

Kinilig ako na nalungkot at kinilig ulit sa huli hahaha😅🥰 ang galing mo po talaga.

$ 0.10
3 years ago

Isang balde yun dai gaya ng iyak ko nung sonusulat ko ang parti na yun.. 😭 Salamat sa pagbasa..

$ 0.00
3 years ago

Your welcome po 🥰 kakaiyak nga po talaga.😢 ganda talaga ng kwento 😊 mamimiss ko to hehe

$ 0.00
3 years ago

May sequel daw 🤣 abangan

$ 0.00
3 years ago

Haha madam ganda love it! Happy ending pa rin kaht yung panimula sabj mo ala ending ala na sana ako balak basahin. 🤣 Pero yung dalawang bwan depress na ako nyan hahaha

$ 0.05
3 years ago

🤣🤣 kahit ako din...grabe haba pla ng storyang to.. d ko ineexpect makakasulat ng ganyang kahaba..

$ 0.00
3 years ago

Haha! Kala ko papaasahin ako netong story haha 😆

$ 0.05
3 years ago

Ganun naman tlga.. haha.. dinugtungan lng 🤣

$ 0.00
3 years ago

Bakit naman sinama pa nila yung mga tasier? Ang laki pa Naman ng mga Mata non. Makikita nila Yung mga Hindi dapat Makita hahahaha

$ 0.05
User's avatar Yen
3 years ago

Haha.. exotic ang couple eh 🤣

$ 0.00
3 years ago