July 7, 2021
Napuno ng liwanag ang paligid at nakakabinging busina ng sasakyan ang bumasag sa aking mga pandinig. Akala ko'y katapusan ko na, pero may biglang humablot sabay yakap sa akin sa likuran kaya hindi ako nasagasaan. Sa lakas ng tibok ng aking puso, hindi ko na halos maisip ang mga pangyayari.
Naramdaman ko na lamang si John na mahigpit ang yakap sa akin at umiiyak.
"Oy, bakit ka umiiyak? Tigil na, buhay pa ako."
"Akala ko mawawala ka ulit sa akin Bella."
"Ulit? Nawala na ba ako dati?"
Huminto siya sa pag-iyak at bumitaw sa pagkakayakap. Tiningnan ako sa aking mga mata, at hinimas ng kanyang kamay ang kanang bahagi ng aking mukha,
"Gabi na, iuuwi na kita."
Hinawakan niya ng mahigpit ang aking kamay at naglakad. Habang hinahatid niya ako sa aming bahay, isang malaking puzzle ang naiwan sa daan. "Ano ibig niya sabihin kanina sa mawawala ulit?" Tanong ng aking isipan. Kita ko parin ang lungkot sa kanyang mga mata, kaya hindi ko na siya tinanong pa hanggang sa makarating sa labas ng aming pintuan.
"Goodnight Bella."
"Goodnight. Thanks for saving me."
Hanggang sa pagtulog ko, hindi na siya nawala sa aking isipan.
Pang Anim na Araw
Dali-dali kong binuksan ang pinto ng balkunahi para silipin kong nasa rooftop siya, pero hardinero lang nila ang aking nakita.
"Kumusta na kaya iyon. Ako yung muntikan mamatay, pero siya yung parang namatayan."
Pagkatapus kong mag unat ay pumunta na ako sa kubeta para maligo. Saktong pagkalabas ko sa kubeta ay may nagdoorbell sa labas. Nakatapis lang ako ng tuwalya at nainis ako sa kung sino man nasa labas. Minsan naman sa ganong oras ay si lady guard ang nagdodoorbell kaya bikusan ko ang pinto.
"Why cheche?" Agad-agad kong tanong.
"Cheche who?"
Laking gulat ko ng boses ni John ang narinig ko.
"Ano ginagawa mo dito." Naiinis kong tanong.
Hindi siya sumagot at tiningnan lang ako ng kanyang mga mata pababa. At naisip kong nakatuwalya lang pala ako. Sa hiya ko ay naisara ko ng malakas ang pinto.
"Ganyan ka ba tumanggap ng bisita, naka tuwalya?" Sambit niya sa labas.
"Hindi! Lumayas ka!" Sigaw ko sa kanya.
"Ang harsh mo pa. Tara gala tayo."
"Ayoko."
"Punta ako Cheung Chau to watch bun festival."
Cheung Chau island ang isa sa mga paborito kong lugar puntahan. Kaya naexcite ako ng marining iyon dahil hindi ko pa nasaksihan ang kanilang Bun Festival.
"Wait. Bihis lang ako." Sigaw ko sa kanya.
Umalis kami agad pagkatapus ko magbihis. Sa pier na lang din kami kumain ng umagahan. At saka sumakay sa ferry papuntang isla. Pagkarating sa stasyon ng Cheung Chau ay sinabihan ko siyang piktyuran ako. Binigay ko selpon ko para iyon ang gamitin sa pagkuha.
"Oy ba't ang tagal mo, and init, at nangangawit na ako kakasmile dito." Reklamo ko sa kanya dahil sa sobrang tagal nito kumuha ng litrato.
"Ayan tapus na." Sabi niya.
"Patingin. Ba't ang tagal mo, isang litrato lang naman to."
"Sorry, may basag na selpon mo." Rason niya. Siya naman dahilan ba't nabasag LCD ng selpon ko nung una naming tagpo.
"Okay lang yun." Sabi ko sa kanya.
Sa apat na beses ko nagpunta sa isla, isang bagay ang hindi ko pa nagawa. At iyon ang gusto kong sulitin.
"Oy tara bike tayo. Hindi ko pa nagawa yun dito."
"Wait. Parang ikaw ang excited ngayon ah. Kanina ayaw mo gumawala." Pagbibiro niya.
"Kanina iyon. Tara na." At hinila ko siya.
Sobrang dami ng tao dahil sa espesyal na selebrasyon. Siya nagbayad ng renta at sobrang saya ko dahil ilang taon na rin ako hindi sumakay sa bisiklita. Halos nalibot na namin buong isla at nagpahinga lang para mananghalian. Nung hapon na, inaya ko si John pumunta sa likod ng isla na hindi ko pa napuntahan. Walang masyadong tao kaya mas maganda magbisiklita doon. Sa wakas ay nakita ko na ang tinatagong ganda ng isla.
"Bakit ba ang bagal mo?" Reklamo ko kay John.
"Grabe ka. Hindi ka pa ba napapagod?" Reklamo nito.
"Bawas-bawasan mo kasi fats mo." Pagbibiro ko sa kanya.
"It's muscles Bella." Sambit nito.
"Muscles mo mukha mo. Dali na. Baka maiwanan tayo ng ferry." Inabot ko kamay ko sa kanya at magkahawak kaming nagbisiklita pabalik sa pyer.
Lampas alas sais na ng narating namin ang pyer at isang masamang balita ang nasagap namin. Nakaalis na ang alas 6:30 na biyahe at ang susunod dapat na alas syete at otso na biyahe ay mga punuan na. Ibig sabihin...
"We are stuck here for a night." Pahiwatig ni John.
"(Facepalm) What now?" Tanong ko.
"Natry mo na mag overnight sa isla?"
"Hindi pa." Sagot ko.
"So why not enjoy this night? Balita ko, madami silang palabas ngayong gabi."
"Unfortunately, baka punuan na mga hotel sa dami ng tao."
"Mukha nga, let's see kung saan tayo pupulutin mamaya."
May disco sa isang sulok habang may kumakanta na lokal na banda sa isang resort. Kahit gabi na ay madami parin tao sa isla, mga turista, local na residente, kantahan dito, inuman doon, sayawan, at kung ano-ano pa. At kami ay parang mga ligaw na sisiw na hindi alam kung saan pupunta, palipat-lipat mula sa isang palabas, papunta sa kabila. Hanggang mag ala-una na ng umaga ng napag-isipan naming maghanap ng mapapagpapahingaan dahil pagod na rin kami sa kakalakad.
At dahil sa punuan na mga hotel, napagpasyahan naming magrenta ng tent at matulog sa tabing dagat.
Makalipas ang ilang, minuto pareho kaming nakatayo sa labas ng tent at nakatingin sa ginawang tent.
"Sa tingin mo kasya tayo jan? Ang laki mo kaya." Reklamo ko.
"Sorry, isa na lang yan. Gusto mo matulog sa labas?"
"Wow, ang gentleman mo."
Ilang araw pa lang kami magkakilala pero kung magbangayan ay parang ilang taon na magkaibigan. "Magkaibigan?" Siguro, ganun stado namin. Iwan.
Sa loob ng tent...
"Goodnight." Sambit ko sa kanya.
At dahil sa haba ng paa niya ay nakabaluktot siyang nakahiga at ako namay sinisiksik ang sarili sa sulok. Hindi pa naman ako makatulog ng maayos kapag hindi komportable ang higaan. At sa tuwing nagdidikit ang aming mga braso ay parang may kuryenting dumadaloy saking katawan.
"Okay ka lang?" Tanong niya.
"Oo naman." Pagsisinungaling ko.
Magkatalikuran kaming nakahiga na parang sardinas sa loob ng tent. Hanggang sa may naramdaman akong gumagapang sa aking braso at nanlaki mga mata at nanindig mga balahibo ng makita ko ang gumagapang sa braso ko.
Sabay hiyaw ng malakas na gumambala sa mga natutulog na kaluluwa.
"Aaahhhh!!!"
Ipagpapatuloy..
Boring talaga ng istoryang to π€£
Ano sa tingin niyo yung gumapang? π€£
Sa uulutin. Salamat sa oras.
Hala! ANo yun? HEHEH. Nabitin ako buti na lang isang basahan lang gagawin ko. :)