July 6, 2021
(ENGLISH)
Lumabas ako ng sinehan na tulala pagkatapus kong kausapin ng masinsinan ang taong nang gulat sa akin. Dapat ay masaya ako, pero ba't para akong pinagkaitan ng kapalaran. Umuwi akong luhaan at pilit na binura siya sa aking isipan.
Pangatlong Araw
Nagising ako kinaumagahan na may isang mabigat na pakiramdam at ang mga mata ko ay namamaga sa kaiiyak noong isang gabi, at isinumpa ko ang lalaking nagdulot nito sa aking isipan. Nakagawian ko na buksan ang balkonahe nang bumangon ako mula sa kama, ayusin ang aking buhok at mag-ehersisyo doon. Habang naglalabas ako ng isang mahaba at malalim na hikab, isang boses ang gumulat sa akin.
"Magandang umaga Bella." Bati ng isang lalaki. Ang aking bibig ay nakabukas pa rin at ang aking mga braso ay nakalutang sa hangin nang harapin ko ang lokasyon niya.
Langya, siya na naman. Hawak ang kanyang tasa ng kape sa rooftop ng kabilang gusali. Napakagwapo ng kanyang asul na kamesita, puting shorts na abot hanggang tuhod, at itim na pares ng sandalyas. Dahil sa kahihiyan, tumalikod ako na hindi siya pinapansin, tumungo sa loob ng bahay, at hinampas ang katawan ko sa sopa.
At dahil doon, nanatili lamang ako sa bahay buong araw dahil ayokong makita ulit ang pagmumukha niya sa labas. Nanood lang ako ng mga pelikula, gumawa ng ingay sa noisecash, at nagsusulat ng mga artikulo para sa readcash. Hanggang sa natakpan ng dilim ang buong bahay at ako'y humiga sa aking kama.
"Ba't ba niya ako tinatawag na Bella, di hamak na mas maganda ako kay manang Bella (Belya) na chismosang kapitbahay namin." Isip isip ko bago matulog.
Pang-Apat na Araw
Pakiramdaman ko ay masakit ang aking mga kasu-kasuhan nang magising ako. Marahil ay dahil sa ilang araw na wala akong trabaho, hindi sanay ang katawan ko sa kahihiga at kauupo lang. Kaya napagpasiyahan kong mag jogging sa malapit na park.
Sa park, nakita ko iba't-ibang lahi na tumatakbo pati mga matatandang chikwa, ay Chinese pala. Sinimulan ko mag jog pagkatapus kong mag unat. Napakalaki ng park at isang libot ko pa lang ay hiningal na ako. Sa pangalawang libot ko, nakita ko isang malaking asong patakbo sa direksiyon ko na parang nakawala sa amo.
At dahil sa takot ko sa malalaking aso, tumakbo ako pabalik at mas lalo lang akong hinabol ng aso. Ilang diyos at diyosa na tinawag ko para tulungan ako pero ma lalo lang bumibilis ang takbo ng aso.
"Tulong! Tulong!" Sigaw ko.
Nagpatuloy ako sa pagtakbo hangang nakita ko ang pamilyar na mukha at dali-dali akong tumakbo sa direksyon niya para humingi ng tulong pero sobrang bilis ng aso. Tumakbo siya sa direksyon ko at ng malapit na siya at ang aso, ay tumalon ako sa harapan niya at ang posisyon namin ay parang kinarga niya akong parang bata. awkward.
Parang ganitong posisyon pero ulo ay nakasubsob sa balikat π€¦ββοΈ
"Bitaw, sinasakal mo ako. Ang bigat mo." Napansin kong mahigpit pala ang pagkakayakap ko sa kanya. Huminto yung aso sa harapan niya at tumalon ako pababa at pumunta sa likuran niya.
Yumuko siya para himasin ang aso at humarap sa akin na para bang may bumabagabag na tanong sa kanyang isipan.
"Seryoso?" Tanong niya.
"Bakit ba? Hinabol ako eh." Rason ko.
"Hindi iyon. Sukat mo ba ay 32B o 34A?" Natatawa itong nagtanong.
Dun ko napagtanto na iba pala ibig sabihin ng tanong niya. Dahan dahan kong tinakpan ang aking dibdib ng aking mga braso at tumalikod mula sa kanya. Ang tinutukoy niya ay ang sukat ng aking dibdib na dumikit sa dibdib niya habang niyayakap ko siya ng mahigpit. Napakawalanghiya niya. Tumawa lang siya ng malakas na mas lalo kong kinainis.
Tumakbo ako sabay sigaw ng "bastos!"
"Hey Bella! Nice butt by the way." Tugon nito sabay tawa. Sadyang nang-iinis ang gago.
Napasigaw ako sa inis at tumakbo ng mabilis. Pero sumigaw pa siya.
"You owe me one. Bukas, 5 pm sa KCP Mall. Kapag hindi ka pumunta, puntahan kita sa bahay niyo!" Sigaw niya.
Wala akong pakialam sa pinagsasabi niya at dumiretso ako sa bahay, naligo, at bumagsak sa sopa. Hindi ko parin maalis sa isipan yung nangyari at dahilan kong bakit ako hindi nakatulog ng maayos ng gabing yun.
Pang-Limang Araw
Buong araw ako sa loob ng bahay, ni pinto sa balkunahi ay hindi ko binuksan at baka makita ko pa ang asungot na iyon. Buti at may aircon, kundi, baka mamatay ako sa init sa loob.
Nung maghahapon na, natamad akong magluto ng hapunan at kinain ko na lang yung yogurt sa loob ng ref at chips na binili ko nakaraan. Pagkatapus ay may pumindot ng aming doorbell.
"Sino naman kaya to." Sabi ko sa sarili ko.
Pagbukas ko ng pinto ay bumungad sa harapan ko yung taong kinaiinisan ko. Nakangiti na nang-iinis.
"Langya naman oh, ba't ka andito? Trespassing to ah. Sa kabila gusali niyo." Galit kong tugon dito.
Tinuro nito ang kanyang orasan sabay sabing,
"Alas sais na, sabi ko alas singko. Ba't hindi ka pumunta sa KCP?" Demanding ang lolo.
"Ang kapal naman ng mukha mo para magdemand? Sino ka sa tingin mo?"
"Andito ako para singilin ka."
"Wala akong utang sayo!"
"Meron, sa park, kahapon."
At bigla kong naalala yung posisyon namin na magkayakap at yung sinigaw niya bago ako humarorot ng takbo palayo sa kanya.
Sinara ko ang pinto ng malakas at sumigaw lang siya sa labas.
"Hey Bella, kapag hindi ka lumabas, sisigaw ako dito."
"Bahala ka sa buhay mo." Sigaw ko.
"Sabi mo eh. Size 34A ang....." pasigaw nito pero pinutol ng binuksan ko ang pinto.
"Huwag ka nga mag iskandalo dito, ito na, lalabas na."
Kinuha ko yung susi at tsinelas saka lumabas. Hindi ko na naisip pa magpalit ng damit dahil sa bungangerang tao sa labas. Nakakahiya sa mga kapitbahay. Kaya loss shirt at shorts lang soot ko nung lumabas. Samantala siya, nakaporma, bahala siya sa iisipin ng iba.
Pinili kong pumunta sa Taiwanese restaurant para sulitin ang pagkakataong libre ang pagkain, lol. Mukha namang kumakain din siya ng pansit kahit alam kong puro tinapay at karne ata gusto niya. Habang kumakin kami, ang awkward talaga. Sabay tanong niya,
"Gusto mo tanungin ang pangalan ko?" Nakangiting tanong nito. At kapal pa talaga ng mukha.
"Hindi." Maiksi kong sagot.
"I'm John." Sabay abot ng kamay para makipag kamay. Pero hindi ko pinansin kaya inabot niya kamay ko.
"Baliw ka ba?" Sabay hugot sa kamay ko.
Pagtingin ko sa labas ay nakita ko na naman yung taong ayaw ko makita at mukhang masaya pa sa kasama niya. Ang liit talaga ng mundo. Sabagay, maliit naman talaga ang Hong Kong. Marahil ay nakita din ni John yun tinitingnan ko at napa-ubo ito para mapunta sa kanya ang atensiyon ko. Muntik na mabulunan sa pansit.
"Bakit ba gusto mo ng pansit, may Italian restaurant naman sa baba."
"Sawa na ako dun, hindi ko pa natry to, pasta doon pansit din iyon." Mahina kong sagot. Napansin niya atang nalungkot ako.
"Uwi na tayo." Sabi ko sabay tayo.
"Oy, oy, di pa ubos pagkain mo."
"Eh di kainin mo." Mahina kong sagot.
Habang naglalakad pabalik ay nakasunod lang si John sa likuran. Kausap ang sarili dahil hindi ko sinasagot. Hanggang nagtanong siya,
"Sino yung tinitingnan mo kanina? Siya din kausap mo sa labas ng sinehan. Ang taong nagpapalungkot sayo."
Nakita pala niya kaming nagkausap sa labas ng sinehan. Hindi ko alam ano pumasok sa isipan ko at sinagot ko siya.
"Unang lalaking minahal ko dito sa HK. Pero ikinasal na sa iba. Hindi manlang ako binigyan ng time mag move-on." Sabi ko sa kanya.
"Ang oras para mag move-on, hindi yan hinihingi sa iba. Anytime pwede gawin, para sa sarili, hindi para sa iba." Seryoso niyang tugon.
"Lakas makahugot ah. Ikaw ba nagawa mo na?" Pabiro kong tanong.
"Nagmove on na ako sa tao, pero hindi sa pagkakamali ko dahilan ng pagkawala niya."
At dun ko nakita sa mga mata niya ang sakit ng nakaraan na pinaghuhugutan niya habang nakatingin sa buwan. Feeling ko mas masakit kesa sa akin.
"So pareho pala tayo nakatira sa lonely planet." Sabi ko sabay tawa ng mahina.
"I'm Jane by the way." Pagpapakilala ko.
"Ayos ah, John and Jane in the lonely planet." Pabiro nito at natawa na lang kami pareho.
"Oh huwag mo na akong tawaging Bella." Pagpapaalala ko.
"Do you know the meaning of Bella?" At tumingin siya sakin.
"It's a French term of beautiful." Sabay titig sa akin.
Bigla nag-init ang mga pisngi ko sa sinabi niya at tamalikod ako sa kanya.
"Dito na tayo. Goodnight na."
Una akong humakbang at nang nasa kalagit-naan na ako ng kalsada, isang sasakyan ang biglang humarorot ng takbo. Ang paligid ko ay napuno ng liwanag, at narinig ko na lang si John na sumigaw.
"Bella!!"
Ipagpapatuloy...
Ang boring noh? Parang siya π€£π€£
Hinaluan ko na ng English π€£π€£
Salamat sa oras...
Ayeeiiii.. Me pic ba akong makikita sa end ng kwento mo? heheh. Pero syempre babasahin ko hanggang huli.. :)