July 9, 2021
Dumampi ang malalambot niyang mga labi sa akin. Marahan, na nagpakawala ng mga paro-paro sa aking tiyan. Maya-maya ay pumakawala siya at mahinang sinabi...
"Huwag mo na akong bibiruin pa, at baka sa sunod ay hindi ko na makontrol pa ang aking sarili kapag kasama kita."
Napalunok na lang ang gaga at hindi alam ang ipinupunto niya. Inayos namin ang tent na walang gusto magpakawala ni isang salita. Hanggang sa patapos na kami at nagkasabay magbigkas ng...
"Sorry." Sabay naming bigkas.
"Expression lang naman yung..." Hindi ko na itinuloy pa sabihing bakla at baka ano pa gawin niya.
"Sorry too for kissing you." Sambit pa nito.
Ang awkward ng sitwasyon. Pagkatapus magligpit ng tent ay kumain kami ng umagahan sa cafeteria sa tabi ng dagat at saka isinauli ang tent sa shop.
Naglakad-lakad muna kami sa isla at nagpunta sa iba't-ibang souvenir shops. Sa paglabas ko ay aksidente kong nabunggo ang isang babae. Medyo malaki ang tiyan nito, siguro ay buntis. Pinulot ko ang nahulog na dala-dala nito at humingi ng patawad.
"Sorry. Here." Sabay abot sa kanya ang gamit niya.
"It's okay. Thank you." Ang ganda ng smile niya at maganda rin siya, sexy parin kahit buntis.
"Honey. Are you done?" Tawag ng isang pamilyar na boses sa babae.
Lumantad ang pamilyar na mukha sa harapan namin at ito ay umakbay sa buntis na babae.
"Oh Jane. What are you doing here?" Sabi nito sa akin.
"Jane? You mean, the lady you've meet here before?" Curious na tanong ng buntis.
"Yup. My....ex."
"Nice meeting you Jane." Sabay yakap sakin ng buntis. "Rey told me stories about you before. I hope you are doing fine now?" Tanong nito sa akin.
Hindi ko alam ang isasagot dahil parang hindi pa nakarehistro sa utak ko ang mga pangyayari. Nakatitig lang sa akin si Rey na mas lalong nagpapakaba ng aking puso.
Biglang may umakbay sa akin at hinalikan ako sa noo. Napatingin ako sa katabi ko, at iyon ay si John.
"Yeah. She's good. I'm John by the way." Abot ng kamay nito kay Rey para makipagkamay, pati sa kasama nitong buntis.
"Her boyfriend." Dagdag pa nito. Tiningnan ko ito at sa isip ay tinanong ko siya "anong boyfriend pinagsasabi mo?" At mukhang nahalata naman niya.
"You're lucky to have her man." Sabi ni Rey at tinapik niya si John sa balikat.
"Yes, I am. And thank you for breaking her heart, leaving her alone, and now she's mine." Wala na ako maisagot pa. Para akong pepe na hindi makapagsalita. Sa tuwing ibubuka ko bibig ko ay si John ang nagsasalita. Hinawakan pa nito kamay ko.
"Oh great. So do you want to go with us, eat and have fun?" Tanong ni buntis.
Sa pagkakataong yun ay hinila ko kamay ni John para pigilan siya sumagot sa tanong ng buntis.
"No. We're heading back to our hotel, to eat, and have fun." Napasmile si John sa sinabi ko at nagustuhan naman ng loko.
"Sure. Sure. Nice meeting you again Jane." Sambit ng buntis.
Nagpaalam na kami at umalis na magkahawak kamay. Sa kalayuan ay bigla na lang kami nagpakawala ng malakas na tawa na dahilan na pinagtinginan kami ng mga tao sa paligid.
"Anong boyfriend pinagsasabi mo?" Tanong ko sabay tawa.
"Anong hotel pinagsasabi mo? Sa gilid ng dagat nga lang tayo natulog kagabi." Tawang-tawa si John sa pinag gagawa namin.
"Baliw. Huwag kang maingay at baka marinig nila." Sabi ko sa kanya na natatawa parin.
Bigla itong nagseryoso.
"Nakita mo ba mga titig ni Rey sayo?" Tanong ni John.
"Oo naman. Kaya nga hindi ako makatingin sa mga mata niya." Sagot ko.
"Ano ba talaga nangyari?" Tanong nito.
"Last year ng makilala ko siya sa isang bar sa Central."
"Nag bar ka?" Malakas na tanong nito. Pinagtinginan ulit kami ng mga tao.
"Patapusin mo muna ako gago."
"K.fine. Makagago to wagas. "
"Isinama ako ng kaibigan kong si Anne sa bar okay? at doon ko siya nakilala. Kaibigan ng boyfriend ng kaibigan ni Anne. Arrange marriage si Rey at Maria, yung buntis na kasama niya. Naglayas si Rey dahil ayaw niya ikasal kay Maria, kaya pumunta ng Hong Kong. Nagkarelasyon kami pero kinailangan niya bumalik ng England. Hindi ko nabasa mga mensahe niya dahil busy ako sa mga panahong yun. Tinanong niya ako kung papayag ako na manatili siya dito at ako pipiliin niya, kung hindi ako sumagot, aalis siya at wala siyang choice kundi ikasal kay Maria. At yun nga, umalis siya. Pero huli na ang lahat nung nabasa ko mensahe niya. Pero kanina, naramdaman kong mahal niya si Maria. Siguro ay napamahal na siya dito at binuntis pa nga niya. Tanggap ko naman na. Kaso may sugat pa." Pagpapaliwanag ko.
"Ang babaw ng rason. Gusto mo tahiin ko ang sugat?" Tanong nito.
"Palabiro ka talaga." Sagot ko.
"Seryoso ako."
"Seryoso din ako. Ano, hindi pa ba tayo uuwi? Hindi pa tayo naliligo at nagpapalit ng damit." Alam ko ang punto niya pero iniba ko.
"Huwag muna. Dito lang muna tayo. Speaking of ligo, tara beach tayo. Balik tayo sa hotel. Sa beachside hotel." Natatawang sabi nito at natawa na lang din ako.
"Let's eat and have fun honey." Pagbibiro ni John.
"Let's go boyfie." Sagot ko at natawa kami pareho.
Bago kami pumunta sa dagat ay bumili muna kami ng damit. Siya ay pumunta sa Baleno at ako naman sa botique na katabi nito. Pagkatapus ay kumuha ng mga litrato sa tabi ng dagat bago maligo.
Parang mga batang nagtampisaw sa gilid ng dagat, naghabulan, batuhan, kwentuhan, at inilibing ko pa siya sa buhanginan. Pagkatapus ay saka lumusong sa malalim na parte ng dagat. Tinuruan pa nga niya akong lumangoy, dahil sabi pa niya, langoy ko raw ay parang langoy ng aso. Pagkatapus maligo ay nananghalian sa isang stall na puno ng streetfoods, tapus ay pumunta kami sa lovelock house at bumili siya ng kahoy na hugis puso, pinintahan niya ito at isinabit sa rihas na pader ng lovelock house.
Nagawa pa namin magkarera gamit ang bisiklita sa likod na parte ng isla. Maghahapon na ng napagpasiyahan naming bumalik sa pyer at baka maiwanan na naman kami ng ferry. Sobrang saya ko sa buong araw, kahit nakakapagod ay sulit naman.
Sa pyer...
"Nasiyahan ka ba?" Tanong niya.
"Oo, sobra." Sagot ko.
"Ako din." Ngumiti ito.
"Kelan balik nila tita?" Tanong ulit nito.
"Sinong tita?" Tanong ko.
"Amo mo. Family friend namin sila at parang kapatid na rin turing ko kay Lam at Him. At minsan ako tumatambay sa bahay nila. Wala ka pa nun." Paliwanag nito.
"Malamang. Bakit di mo sinabi agad? Kaya pala dali mong nakapasok sa gusali namin nakaraan. Five days from now balik nila." Sagot ko.
Bigla itong natahimik at nalungkot.
"Ang ganda ng sunset." Biglang sabi nito.
Napatingin naman ako sa deriksiyon ng araw at ang ganda nga nito.
"Tara sa pantalan." Aya ko sa kanya.
Hinila ko kamay niya papuntang pantalan.
"Pumunta ka sa bar diba? So marunong ka sumayaw?" Tanong nito.
"Oo naman. Gusto mo sayaw tayo dito?" Pagbibiro ko sabay angat ng aking kanang kamay na aaktong parang sasayaw na balerina.
Maya-maya pa ay nagpakawala siya ng kanta.
Napahinto kami sa paglakad at nagkatinginan. Ang lalim ng hugot ng kanta niya na tila ba ay may pahiwatig na dala.
Hindi sa hindi ko alam ang ibig sabihin ng kanta, pero mas mabuti pang hindi na lang malaman pa. Hanggang saan aabutin ang istoryang to? Kahit ako ay hindi alam ang sagot. Ang mahalaga ay masaya akong kasama siya, at alam ko darating ang araw na malulungkot na naman ako. Sadyang ganun ang kapalaran, mapait, mapagkait.
"Let's just enjoy the remaining days together."
Huling mga katagang sinabi ko sa kanya, bago kami magpalaot sa karagatan pauwi sa aming mga tirahan.
Sa gabing iyon, walang iba sa isipan ko kundi ang bawat kataga ng kanta. Puno ng mensahe, mensahing masakit, pero kakayanin ko ba?
Ipagpapatuloy...
I'm not a fan of the song and I don't like the melody either, but I like the lyrics.
Here's the video of this song..
Hinaluan na talaga ng English π€£ Hindi carry ng bangs na pure Tagalog. Lol.
Three more chapters and we're done π. Abangan..
Salamat sa oras.
Excited ako sa ending nito. HEHEH. :)