12DWH: Let's Enjoy The Remaining Days Together

58 110
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

July 10, 2021

Medyo mahaba to, pero sana ay basahin niyo. Lalo na sa pang siyam na araw 🀭

12 Days With Him: Bella

12DWH: Aksidente

12DWH: Hawak-Kamay

12DWH:Harana

12DWH: I'll Be Your Sunset If You'll Be My Silhouette

(ENGLISH) this is not accurate πŸ˜…


Pang-Walong Araw

Pagkabukas ko sa pinto ng balkunahe ay napasilip ako sa rooftop nila John, nagbabakasakaling nandoon siya. Nadismaya naman ako ng makitang ibang mga tao ang naroon.

Pabalik na ako sa loob ng may nagsalita...

"Ako ba hinahanap mo?"

Napangiti ako ng marinig ang kanyang boses.

"Hindi ah." Pagsisinungaling ko.

"Okay. Alis na ako." Sambit nito.

"Teka!" At napahinto ito. "Gusto mo gumala?" Tanong ko sa kanya.

"Ayaw ko. Nakakapagod." Sagot nito na ikinalungkot ko.

"Eh di 'wag." At naka busangot akong pumasok sa loob ng bahay. Tumambay sa sopa at nanood ng palabas sa telebisyon.

Makalipas ang tatlong minuto...

Dingdong...πŸ””

Nainis ako sa isip ko kasi si lady guard na naman ang nasa pinto. Nakaugalian niyang bisitahin ang bahay namin dahil nga nasa bakasyon ang amo ko. Pagbukas ko ng pintuan..

"Oh, ba't hindi ka pa bihis?" Tanong ni John na ikinagulat ko ang kanyang pagdating.

"Bakit ka andito? Akala ko ba ayaw mo lumabas?" Tanong ko.

"Let's enjoy the remaining days together. Yan sabi mo kahapon" Nakangiti nitong tugon.

"Akala ko nakalimutan mo. Sandali bihis lang ako."

"Sama ako." Sambit nito.

"Ano?" Tanong ko.

"I mean, papasukin mo muna ako." Rason nito.

"Manigas ka jan." Sabi ko sabay sara ng pinto.

Pagkalipas ng ilang minuto at pagbukas ko ng pinto...

"Anong nangyari sayo? Ba't parang naninigas ka jan?" Tanong ko kay John.

"Naiihi ako." Sabi nito.

"Ba't di mo sinabi agad. Pasok, diritso sa banyo." Natatawa kong sabi sa kanya sabay turo sa pinto ng banyo.

Makalipas ng ilang minuto ay umalis na kami papuntang Wetland Park. Iyon ang napili ko pasyalan kasi hindi ko pa napuntahan. Sa loob ng park ay madaming iba't-ibang hayop kagaya ng gansa, iba't-ibang ibon at isda, mga paru-paru, at mga halaman. Pang world-class ang dating at rinig ko pa ang misyon ng pasilidad ay magbigay kaalaman sa puliko tungkol sa kahalagahan ng mga likas na yaman.

Sa labas ay may malaking hardin kung saan kami pumasok ni John at nag-unahan sa kung sino ang unang makakahanap ng labasan. At dahil sa unang beses ko pa lang yun sinubukan, ako ang nahuli at sinabihan ko siyang kunan ako ng larawan.

Maghapon namin nilibot ang buong Wetland Park at kumuha ng iba't-ibang larawan. Mag gagabi na nang napagpasiyahan naming umuwi at sa loob ng tren ay kanya niya akong tinanong.

"Saan mo gusto pumunta bukas?" Tanong ni John.

"Gusto ko pumunta sa Shek-O beach." Nakangiti kong sagot.

Matapus maghapunan ay inihatid niya ako sa bahay bago siya umuwi sa kabilang gusali.


Pang-Siyam na Araw

Nagulat ako ng biglang tumunog ang aking selpon. Isang hindi nakarehistro na numero ang tumatawag. Kadalasan ay kinakansela ko ito dahil sa dami ng phishing scam dito. Maya-maya pa ay tumunog na naman ang aking selpon. Tumatawag ulit ang numero at kinansela ko ulit ito. Nakaugalian ko ng kanselahin ang hindi nkarehistrong numerong tumatawag kasi alam ko walang silbi kung sagutin ito.

Tumawag ulit ito at ako'y nakulitan kaya sinagot ko na.

"Ba't hindi mo sinasagot mga tawag ko?"Galit na boses ni John ang bumasag sa taenga ko.

"Aray naman. Lakas ng boses mo. Malay ko ba na ikaw ang tumatawag. At paano mo nalaman numero ko?" Nagtataka kong tanong dahil hindi ko pa naman ibinibigay sa kanya ang aking numero.

"Hindi na malahaga iyon. Baba ka na, kanina pa ako naghihintay." Naalala ko yung unang beses na pinakuha ko siya ng litrato. Marahil ay doon niya kinuha ang aking numero, kaya pala natagalan kumuha ng isang larawan.

"Saglit lang." At pinutol ko na ang tawag niya.

Natanaw ko siya sa baba mula sa balkunahe bago ko isara ang pinto. Iwinagayway niya ang kanyang kamay sa loob ng sasakyang nakabukas ang bubong. Napakagwapo nito sa soot niyang salamin lalo na kung ito'y nakangiti.

Dali-dali ako bumaba at nang makita ko ang sasakyan ay kaagad ko itong binuksan. Pero nagulat lang ako sa bumati sa akin.

"Aw aw." Tahol ng isang aso. Iyon ang asong humabol sa akin sa park.

"Bakit mo isinama iyan?" Galit kong tanong. "Ayaw ko sa malalaking aso." Dagdag ko pa.

"Walang tao sa bahay. Walang magbabantay. Be good to Bella, Rusty." Sabi nito sa aso at ito ay tumahol pa.

"Rusty? Aba na man Rusty, sana sa readcash ay habulin mo rin ako, ilang araw ka ng wala ah." Kinausap ko pa ang aso.

"Anong readcash pinagsasabi mo jan?" Nagtatakang tanong ni John.

"Wala. Siguraduhin mong hindi ito mangangagat ha." Sagot ko.

"Mabait yan. Pasok na at malayo pa ang Shek-O beach."

Sa unahan ako umupo kasi ayaw ko talaga katabi ang aso. Tinanong ko siya kung kaninong sasakyan ang gamit niya, sabi ay hiniram niya sa pinsan niya para mapadali ang biyahe.

"Bakit nakabukas ang bubong? Panu kung umulan?" Tanong ko sa kanya.

"Maganda ang panahon Bella." Sambit niya.

Iyon naman talaga ang gusto ako, ang magbiyahe na ramdam ang hangin at hindi malamig na galing sa aircon. Habang nasa biyahe ay nagpatugtog siya ng Acoustic at Pop music at sinabayan pa namin sa pagkanta.

Tumayo pa ako at itinaas ang mga kamay na una kung ginawa sa buong buhay ko. Si John naman ay lage nagpapaalala na kumapit ng mabuti at baka ako ay mahulog.

Original photo from https://elements.envato.com/couple-in-a-car-at-the-beach-UZ5M6DH

Pagkalipas ng lampas isang oras ay narating namin ang beach. Dali-daling tumalon si Rusty palabas papunta sa dagat na sinundan naman ni John. Isang bata ang tumakbo papunta sa kanila dahil natuwa kay Rusty, at ako nama'y naiwan sa pangpang.

"Akala ko ba kami magdidate, parang sila ni Rusty magkadate." Kinausap ko ang sarili ko habang pinagmamasdan sila.

"Madam." May tumawag sakin sa likuran at nagulat ako ng kumuha siya ng larawan. Akala ko sa readcash lang may madam. Taga readcash ata tong si kuya.

Zoom it. Yung nasa dagat 🀣

Isang lifeguard ang kumuha ng litrato, sabi pa nito ay kinukunan niya ang mga turista. Tiningnan ko ang larawan at nagustuhan ko ito kaya sabi ko sa kanya ay ipasa niya sa selpon ko. Nakita ko si John na nakatingin sa amin kaya dali-dali kong pinaalis si kuya lifeguard.

"Kuya lumayas kana at huwag nang lumapit pa, baka masira yang maganda mong pagmumukha at mapisa yang pandesal mong katawan." Sabi ko sa kanya at napakamot na lang ito sa ulo habang bumabalik sa pwesto.

At si John ay lumapit sa akin habang si Rusty ay naiwan sa dagat kasama yung batang nahumaling sa kanya.

"Sino yun?" Tanong nito sa akin.

"Wala. Si kuya lifeguard kumukuha ng litrato ng mga turista." Sagot ko.

Bigla nitong hinablot ang selpon ko at nakita niya ang larawan dito. Dali-dali siyang naglakad papunta sa pwesto ni kuya lifeguard at inagaw ang selpon nito. May kung ano-anong ginawa sa selpon at pinagsabihan si kuya na hindi ko masyado narining. Kung ano man yun, marahil ay masama dahil napakamot ulit si kuya sa ulo. May kuto ata to, sa isip-isip ko.

"Oy, ano ginawa mo kay kuya lifeguard?" Tanong ko sa papalapit na si John.

"Walang ibang pwede kumuha ng lirato mo." Parang galit na sabi nito pero kinilig naman ako.

Hm.. seloso.. bulong ko sa sarili ko.

At bigla akong binuhat na parang sakong bigas papunta sa dagat kung saan niya ako ihahampas.

Aba naman John, yung buhat honeymoon sana mas tanggap ko pa. Sabi ko sa isipan ko.

"Oy baliw ka ba, selpon ko mababasa." Pagrereklamo ko habang hinahampas siya sa likuran. Itinapon nito ang selpon ko sa malong na inilatag ko sa buhanginan.

"Gago ka talaga, may sira na nga yung selpon ko dahil sayo." Sigaw ko dito.

"Ibili na lang kita ng bago." Pagpapaliwanag nito.

"Ayoko ng bago."

"Eh di wag." Sabay hampas sa akin sa dagat. Ang harsh noh? Biro lang. Ibinaba niya ako at tumakbo papunta sakin si Rusty at dinilaan pa nito ang mukha ko.

"Eeww Rusty. Dalawin mo muna articles ko at saka kita hahalikan." Pagbibiro ko sa aso.

"Ako hindi mo hahalikan?" Pabirong tanong ni John.

"Aso ka ba?" Sagot kong natatawa sabay bato ng buhangin sa kanyang mga paa.

Nagbatuhan at naghabulan, ganun ang eksina namin sa karagatan. Pagkatapus maligo ay nagpalit kami ng damit saka kinain ang mga dalang pagkain ni John.

Original photo from https://www.pinterest.com/amp/pin/317503842479486450/

Para akong bata na sinusuban niya at gusto ko naman, parang sa pelikula. Ang tamis lang....tamis ng ubas..lol..

"Kaarawan ni tita sa makalawa. Punta ka sa bahay namin." Pag-iimbeta niya.

"Hindi ba nakakahiya? Balita ko ang yaman ng tita mo. Sa buong gusali pamilya niyo lang nakatira di ba? Mga milyonaryo lang kaya bumili ng buong gusali dito sa Hong Kong at may sarili pa silang negosyo." Sagot ko sa kanya.

"Ikinwento na kita sa kanila, hindi ka dapat mahiya. Hindi sila yung tipong matapubri sa mga hindi maharlika. Lalo na si tita, sobrang bait niya. Huwag kang aayaw dahil pupuntahan parin kita sa bahay niyo." Pagpapaliwanag niya.

"Ano pa nga ba choice ko?" Sagot ko dito.

Namroblema tuloy ako sa isusuot ko. Kelangan ko bumili ng bago.

"Kelan uwi mo sa pinas?" Biglang tanong nito.

"Sa September, bakit?" Tanong ko.

"Anong pinakagusto mong puntagan dito sa HK na hindi mo pa napuntahan?" Tanong niya.

"Pangarap ng bawat bata makapunta ng Disneyland, siyempre pati ng matatanda."

"Ah ganun ba." Maikling sagot nito. Akala ko pa naman ay ililibre niya ko sa Disneyland, and mahal kaya ng entrance fee doon.

Napagpasiyahan naming mag overnight sa beach dahil nga walang tao sa bahay nila. At buti ay sa totoong hotel kami natulog at hindi sa buhanginan. Pinagitna ko si Rusty sa kama na ikinainis naman ni John.

Bahala ka sa buhay mo. Sambit ko sa kanya.


Pang-Sampung Araw

Maaga kaming umalis sa beach dahil sabi ni John ay mahaba pa bibiyahiin namin. Kelangan rin daw na maaga pumunta sa kung saan man niya balak pumunta. Dahil medyo inaantok pa ako ay nakatulog ako sa biyahe.

Pagmulat ng mga ko ay pamilyar na lugar ang aking nasilayan at puso ko'y nagtatalon sa tuwa.

"Are you kidding me? Disneyland for real?" Tuwang tuwa na tanong ko sa kanya.

Pagkatapus i-park ang sasakyan ay para akong bata na nagtatakbo papuntang entrance ng Disneyland. Sa likod ay humahabol si John dahil mas mabilis ako tumakbo sa kanya.

Pagkarating sa may entrance.

"Sandali. Walang masyadong tao." Sabi ko sa hinihingal na si John.

"So?" Tanong ni John.

"Dali piktyuran mo ako dahil walang masyadong photo bombers sa likod."

Hindi nagpalit ng damit 🀣🀣 overnight walang dala 🀣🀣 (magscroll up yan sila 🀭)

Siyempre, sumunod naman yung aso, I mean, si John. Sandali, nasaan yung tunay na aso? Tanong sa isipan ko.

"Hala, nasaan na si Rusty?" Tanong ko kay John.

Maya-maya pa'y may nagtatahol sa likod, buti at nakasunod yung aso.

Pagkatapus magpakuha ng litrato ay bumili na kami ng tikit at pumasok sa loob. Nalula ako sa mga nakita ko at para akong maliit na bata na sobrang mangha sa ganda ng lugar. Lugar na dati pinapangarap ko lang ngayon ay abot kamay ko na.

Una naming pinanood ang parada ng mga Disneyland characters kasama sila Mickey Mouse at iba pa. Pagkatapus ay chinallenge ko si John na sumakay sa RC Racer kung saan parang huhugtin paibaba ang iyong mga kalamnan at sa pagbagsak ay isang malaking alon ng tubig ang sasalubong sa iyo, tiyak mababasa and panty at bra mo. Tawang-tawa ako sa malakas na hiyaw ni John na mas malakas pa sa katabi kong bakla.

Image source: https://www.timeout.com/hong-kong/things-to-do/best-things-to-do-at-hong-kong-disneyland

Sumunod ay nagpakuha ng litrato sa labas ng Mystic Manor, isang bersyon ng klasikal na haunted mansion ng Disneyland. Pagkatapus ay pinuntahan ang Hyperspace Mountain at Trial of the Temples na parang nasa Starwars. Hindi rin nagpahuli magpakuha ng litrato kay Iron Man, Ant Man, Lion King, at iba pang karakter sa Disneyland.

Buong araw namin nilibot, sinakyan iba't-ibang rides, pinanood iba't-ibang palabas at kumain iba't-ibang pagkain sa loob ng Disneyland. Sulit na sulit ang ilang dolyares na bayad dito. Sa gabi ay huli naming pinanood ang Paint The Night Parade kung saan makikita halos lahat ng karakter sa Disneyland, mga ilaw at musika ay sobrang nakakaaliw.

Nakakapagod pero sobrang saya ko dahil isa sa mga pangarap ko ang natupad. Inihatid ako ni John sa bahay pagkatapus niyang ibigay si Rusty sa gwardiya nila.

Sa labas ng bahay..

"Huwag mo kalimutan bukas, alas singko ng hapon magsisimula ang selebrasyon para sa kaarawan ni tita. Gusto mo samahan kita bumili ng isusuot?" Sabi ni John.

"Ay naku huwag na at baka hindi lang ako makapili ng maayos." Pagbibiro ko. "At alam ko naman magiging busy ka bukas sa pagtulong sa preperasyon." Dagdag ko.

Napakamot sa batok si John sabay sabing..

"Oo nga. Sa akin nakatuka ang pamili ng mga bulaklak." Sambit nitong parang nahihiya.

"Magaling daw kasi pumili ng mga bulaklak mga lalaki. Sige na uwi ka na. Salamat sa lahat, nag enjoy ako." Sabi ko na nakangiti.

"Goodnight."

Pahabol ko sabay hahalik sana sa pisnge niya, kaso lumingon ito at nagtama ang aming mga labi at sinundan pa niya ito ng isa pang marahang halik na nagpapula ng mga pisngi ko ng sobra.

"Sweetdreams." Sagot nito.

(Ipatugtog ito habang binabasa ang mga huling linya.)

Agad-agad ako pumasok sa bahay dahil parang sasabog ang aking dibdib. Sa pagkaalis niya ay napaupo ako sa sahig sa likod ng pinto at niyakap ko ang aking mga tuhod.

"Tama ba ang ginagawa ko? Kakayanin ko ba?"

Malapit na ang pagtatapus. Ano sa tingin niyo, masaya or malungkot ang katapusan?

Anong kakayanin ang tinutukoy niya? Ang pumunta sa selebrasyon o ang masaktan kapag magmahal ulit siya?

Abangan 🀣

Salamat sa oras.

32
$ 1.43
$ 0.12 from @mommykim
$ 0.10 from @gertu13
$ 0.10 from @tired_momma
+ 20
Sponsors of Jane
empty
empty
empty
Avatar for Jane
Written by
3 years ago

Comments

Puro ayeeiii lang ata makikita mo sa comment ko.. HAHAHAH.. Last 2 eps na lang ako.. Excited ako sa ending at sana naman me makita akong pic na kayong dalawa. HEEHE

$ 0.00
3 years ago

Aigoo. ang ganda ng love story nila tapos di ko talaga maiwasan isipin na sana totoong love life mo to and I hope na happy ending. Those memories, especially sa disneyland. Kung ako si girl at di happy ending mangyayari siguro sobrang masasaktan ako at baka di na ko magmahal ulit. tiyak na mahihirapan ako mag move on

$ 0.00
3 years ago

Hehehe. I still continue. Lol πŸ˜‚ One more read to go lol

Just a pin that I couldn’t read in Filipino. Now I feel the pain of the naughty translator. πŸ˜†

But all the way I am still enjoying the read from the hotel to Disney land. And I think what next is the proposal. Lol

The story is getting real 😻😻😻

$ 0.04
3 years ago

There are naughty episodes too. 🀣

$ 0.00
3 years ago

But cool and nice ones. I love it

$ 0.00
3 years ago

Madam, ang galing mo gumawa ng kwengo huh! Ang kulit ng mg photos kakilig 😁 Happy ending to huh? Happy ending pls.

$ 0.03
3 years ago

Tingnan natn kung happy 🀣

$ 0.00
3 years ago

Ene be.. akala q ending na😭.. mabibitin p. Abangan q n lng, bka mali n nman aq ng hula, nkakahiyaπŸ˜ŠπŸ˜…

$ 0.03
3 years ago

Haha . may two chapters pa

$ 0.00
3 years ago

Asan ba yang Rusty na yan? Yoohoo!!!

$ 0.00
3 years ago

Hahaha natawa ako sa Pangalan ng aso Ms. Jane πŸ˜… Rusty talaga 😊 Iuwi mo na po si rusty para laging nasa tabi mo po hehe. Sana all nakapag Hongkong Disneyland 😒 Ang ganda po sobra ... May pahalik nanaman si john πŸ₯° kaso parang kinakabahan po ako sa ending . Sana happy sana hehe sana kakayanin na mahalim sana sana πŸ˜…πŸ˜£

$ 0.05
3 years ago

Haha . sana sana..

Sa labas lng yan.. Hndi pumasok ng disney. mahal ng entrance 🀣

$ 0.00
3 years ago

Ahh atleast nakapunta ka po sa disneyland 😊 haha . Waiting po ako sa FinaleπŸ₯°

$ 0.00
3 years ago

jebal jebal

happy ending lang oi john please sana ikaw na para kay JaneπŸ™

$ 0.02
3 years ago

Haha . sana te magdilang anhel ka 🀣

$ 0.00
3 years ago

πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™πŸ™

$ 0.00
3 years ago

I pray for an happy Ending. I sincerely wish John and Bella happiness. And hey🀣 the Dog name - since you later get along with Rusty, I'm sure readcash's rusty will visit you soon and big too

$ 0.03
3 years ago

Haha.. i hope so. He's absent in some days 🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

Sana all may John na humahabol πŸ˜‚

$ 0.03
3 years ago

Sana totoo nlng 🀣

$ 0.00
3 years ago

Ewan ko lang talaga huh, naiinis na ako sa sweetness eee. I want my own John!!! Now na as in 🀧. Wag mo naman sanang eend ng may lungkot yan madam ani, magawala talaga ako. Chorrr ahahaha.

$ 0.03
3 years ago

Haha.. hndi natin alam.basta abangan nlng 😁

$ 0.00
3 years ago

Pambitin nalang lasi kasi ee πŸ€§πŸ˜‚

$ 0.00
3 years ago

Natawa ako sa cross over ng read.cash at rusty sa kwento. Hahahaha Sana all may John. Charot. 🀧🀣🀣

$ 0.03
3 years ago

Sana totoo 🀣

$ 0.00
3 years ago

Kilig much iyan? Haha

$ 0.02
3 years ago

Akala ko hanggang dulo na handa pa naman ako dun sa mahaba na kwento πŸ˜‚πŸ˜‚πŸ˜‚ so si rusty kasama nyo talaga?

$ 0.03
3 years ago

Isinama na. absent lage eh 🀣🀣

$ 0.00
3 years ago

Sa akin absent din sya ngayon madalas hehe

$ 0.00
3 years ago

Ang sweet, ang kulit :D Napascroll talaga ako a haha! Ampunin mo na kasi si Rusty para every day kasama mo :D

$ 0.03
3 years ago

Ayoko baka d ko maalagaan 🀣

$ 0.00
3 years ago

Haha! Un lang :D

$ 0.00
3 years ago

This isn't for me 😭😭.πŸ‡³πŸ‡¬No translation

$ 0.02
3 years ago

Haha..sorry dear. You can translate to english but it still sucks 🀣

$ 0.00
3 years ago

I will translate it.

$ 0.00
3 years ago

Ayeeee! Lumablayp talaga😊 Sweeeet!

$ 0.02
3 years ago

As if naman may lablayp 🀣

$ 0.00
3 years ago

Alam na alam eh pati halik πŸ˜„

$ 0.00
3 years ago

Oi hindi ako marunong humalik.. napanood ko lang yun 🀭

$ 0.00
3 years ago

:D okay, sabi mo eh hehehe

$ 0.00
3 years ago

Wew! Ganda ganda naman pala ni jane eh. Kaya pala itong John parang aso. Sanaol talaga. Hahaha! Kung ako si jane, sasakyan ko talaga nararamdaman ko. Pero kung mabigo man ulit, panibagong lesson na naman. Hahaha! We learn from our mistakes so sabihin mo po kay jane na make mistakes to learn more. Dejoke lang! 🀣 sincere naman si John eh

$ 0.04
3 years ago

Sana nga totoo nlng si John 🀣

$ 0.00
3 years ago

Natawa ako sa name nung aso πŸ˜… at mas natawa ako nung nag scroll up nga ako pagkasabi mo 😁😁

Alam Kong both Ang ibig sabihin ni Jane at mas mabigat ay Ang huli. Sana Naman miss Jane maging masaya sa huli dahil ayaw ko Ng broken na ending please naman author ohh broken hearted na nga ako sa personal pati ba storya mo? πŸ₯Ί

$ 0.04
3 years ago

Tingnan natin.. abangan mo nlng 😁

$ 0.00
3 years ago

I will prepare myself madam 😁 Sana Naman .. jusko

Pero tatanggapin ko Ng bukal sa puso Ang anumang ending Ng storya mo madam. You are a good author so I believe in you πŸ˜‰

$ 0.00
3 years ago

Huhu. salamuch 🀧

$ 0.00
3 years ago

I have to translate it for understand πŸ˜„

$ 0.02
3 years ago

Even the translation is complicated 🀣

$ 0.00
3 years ago

Luuuh kakilig talaga hahaha. At nakakatuwa, parang pinariringgan mo si Rusty dito. Haha. Pero bakit ganon, bakit parang nalungkot akoooo ano baaaa.?? Bakit parang hindi ako natutuwa sa ending? Haha.

$ 0.03
3 years ago

Ganun tlga 🀣 hndi pa ending 🀣

$ 0.00
3 years ago

Hindi pa nga, pero bakit feeling kooo malulungkot ako sa ending e. Haha

$ 0.00
3 years ago

Roller coaster yun 🀣

$ 0.00
3 years ago

Awit hahaha πŸ˜† ready na ako sa kahahantungan

$ 0.02
3 years ago

Tingnan natin kung tama ang ending nyo 🀣

$ 0.00
3 years ago

Natawa ko dun sa tiga Readcash yata tong si kuya hahahaha

$ 0.02
User's avatar Yen
3 years ago

Nakiki madam kasi 🀣

$ 0.00
3 years ago

bat parang malungkot? jusko takerisk, sana sila sa huli.

$ 0.02
3 years ago

Walang forever 🀣

$ 0.00
3 years ago