July 8, 2021
(ENGLISH) (I just want to remind you that the English translation is not accurate π€£)
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko isang malaking alupihan ang gumagapang sa braso ko at napatalon ako sa higaan. Sa lakas ng sigaw ko ay nagulat din ang katabi ko. At ng makita niya ang dahilan ng pagsigaw ko ay napasigaw din ito ng mas malakas pa sa akin.
"L*ngya, bakla ka ba? Mas malakas pa hiyaw mo sakin ah." Reklamo ko.
"Gapangin mo na lang ako wag lang ng sentipido." Sambit nito at nagawa pang magbiro.
"Gago! Patayin mo na!" Sigaw ko.
"Sino?" Pilosopo nitong tanong.
"Ikaw, ikaw papatayin ko kapag hindi mo patayin yan." Turo ko sa gumagapang na alupihan papunta sa deriksyon namin.
"Ito na, ito na." Tugon niya habang pinapatay ang alupihan gamit ang takong ng kanyang sapatos.
"Hay salamat. Nakakamatay ba kagat ng alupihan?"
"Hindi naman. Bibigyan kapa ng chance tumakbo pa hospital." Sabay tawa.
"Simba ko. Check mo nga kung may kagat braso ko. Ayaw ko pa mamatay."
Sa sobrang lapit ng mukha niya sa mukha ko, doon ko lang napansin ng maiigi ang kayumangging mga mata nito, mapupulang labi, at ang kutis na mas maganda pa sa kutis ko. Pakiramdam ko ay namula mga pisngi ko.
"Oh ba't namumula mga pisngi mo? Wala ka naman kagat ah. Makunat kasi balat mo hindi kinaya ng pangil ng sentipido." Pabiro nito.
"Baliw ka talaga. Sa labas na lang ako. Ang init dito." Sabi ko sabay hugot sa malong na binili namin sa souvenir shop.
Lumabas ako at nilapag ang malong sa buhangin at saka humiga. Mas presko ang hangin sa labas at malamig pa. Habang nakahiga ako ay pinagmamasdan ko mga bituin sa kalangitan. At narandaman kong may humiga sa tabi ko. Sino pa ba? Wala namang ibang makapal ang pagmumukha na gagawa nun.
"Bakit may mga tala? Anong silbi nila?" Tanong ko sa kanya, wala lang talaga ako maisip itanong.
"Bakit may buwan? Para saan?" Tanong nito pabalik.
"Para magsilbing liwanag sa gabi." Sagot ko.
"Ganun din ang mga bituin. Kapag matakpan na ng kadiliman ang kalangitan, ang mga bituin ang nagbibigay liwanag sa atin. Sila din ay nagbibigay buhay sa mundo. Lahat tayo may silbi, kahit nga alikabok may silbi." Paliwanag nito.
"Alam mo ba na ang araw ay isa ding bituin? Walang mga bituin, walang araw, walang araw, walang buhay. At ikaw ang bagong bituin ng mundo ko. Kapag mawala ka'y, wala na rin ako." Karagdagang paliwanag nito.
"Dami mong alam, tulog na tayo. Kaso ang hirap matulog sa buhanginan." Hindi ko na lang pinansin ang huling linya na sinabi niya at baka ako'y masaktan lamang. Pero teka, parang kanta sa pilipino yun ah..
"Gusto mo ng lullaby?" Pabiro tanong nito.
"Ano ako bata?"
"Malay mo magwork."
"Naku wag na! Baka pa umulan."
(Patugtugin ito habang binabasa mga susunod na istorya.)
Perfect. Kinakanta niya paborito kong kanta. Boses niya'y kay ganda kahit sino ay mapapahanga. Pati mga mata ko nakatutok na sa kanya, at mga mata niya'y nakatitig din sa akin. Kung may gitara lang sana, it would be perfect.
Di ko mapigilang mapanganga sa ganda ng boses niya. Sana all na lang ako. Gwapo na nga, may boses pa. Hindi ko mapigilan ang pagkabog ng aking dibdib. Malamang, kasi buhay pa naman ako. Para akong baliw na kinakausap ang isipan ko.
Akala ko lullaby, bakit parang harana? Sambit ng isipan ko.
Para akong matutunaw sa mga titig niya. Kasabay ng malamig na hangin na dumadampi sa aking balat. Mga hampas ng alon sa dalampasigan at huni ng mga gamo-gamo na lang ang aking napakinggan ng tapusin niya ang huling linya.
Ilang segundo o minuto kaming nagtitigan na hindi alam kung sino ang bibitaw. Hanggang sa bumigat na lang ang aking mga mata at kusa itong sumara. Nilamon na ng gabi ang aking gising kong presensiya.
Naramdaman ko na lang na may pumatong ng ulo ko sa kung saan, at may dumamping malambot na iwan sa noo ko.
Pang Pitong Araw
Nagising na lang ako nang masinagan ng araw ang aking mukha. Pagdilat ng mga mata ko, mga mata ni John ang aking nakita.
"Magandang umaga magandang binibini." Bati niya.
"Magandang umaga din." Bati ko pabalik.
"Sarap tulog ah. Malambot ba or matigas?"
"Ang alin?" Tanong ko.
Dun ko lang namalayan nakayakap pala ako sa kanya at bisig niya ang aking unan. Bigla akong bumangon sa gulat, at hiyang hiya sa aking nasilayan.
"Aray, sakit ng muscles ko. Grabe hindi ako nakatulog, lakas mong humilik. Sarap na sarap ka pang nakagapang sa akin." Pang aasar nito.
"Gapang mo mukha mo. Ikaw nga ata yumakap sakin kaya ganun posisyon natin. At hindi malakas hilik ko ah." Paninindigan ko.
"Kaya pala, mga gamo-gamo nagpa-ubaya na lang sayo, puro ka kasi chorus. At Sino ba nasa ibabaw?" Panunuya nito.
"Bastos nito. Anong ibabaw pinagsasabi mo. Braso ko lng naman nakapulupot sa katawan mo." Rason ko.
"Inamin mo rin, niyakap mo ako. Naku, ang berhin kong katawan, ngayon ay hindi na." Panunuya nito na nakayakap pa sa sarili parang bakla.
"Umayos ka nga bakla ka. Yung tent isasauli na natin."
Dali-dali akong pumunta sa tent pra ayusin mga gamit namin. Nang bigla siyang pumasok at inihiga ako sa loob, at dikit na dikit mukha niya sa akin.
"Sinong bakla?" Mahinang tanong nito may halong panunuya.
"Si..si..ano..si Vice Ganda..oy biro lang." Utal-utal kong sagot at puso ko'y parang sasabog sa lakas ng kabog.
"Magbiro ka lang sa lasing. Huwag lang sa bagong gising."
Sambit niya at umaksyong hahalikan ako kaya pinikit ko na lang mga mata ko.
"Anong balak mo gawin?" Kinakabahan kong tanong.
Isa.dalawa.tatlo. Bilang ko sa isipan ko. Ayan na papalapit na mga labi niya.
"Papatunayan ko sayo na hindi ako bakla." Bulong nito sa tenga ko na nagpatayo ng mga balahibo ko.
Maya maya pa'y diniin niya mga labi niya sa akin. Malalambot at nakakaadik.
Patay na... mga unang katagang pumasok sa isipan ko.
Patay na alupihan ay nabuhay,
At ngayon ay nangangagat....
Ipagpapatuloy...
Nabintin ba kayo? π€£ Ako rin.
Salamat Parot sa term na alupihan, sentipid kasi una ko ginamit π
Salamat sa oras.
Hala.. kinilig ako.. ayeii.. mapapa sana all na lang ako. HAHAH