July 11, 2021
12DWH: I'll Be Your Sunset If You'll Be My Silhouette
12DWH: Let's Enjoy The Remaining Days Together
Pang Labing-Isang Araw
Maaga pa lang ay umalis na ako ng bahay para bumili ng dami na isusuot ko para sa selebrasyon mamayang gabi. Unang beses ko ito gagawin sa buong buhay ko dito sa ibang bansa. At dahil mayaman ang pamilya nila John, posible ang mga bisita ay mayayaman din. Ni hindi ko alam anong klaseng damit ang isusuot dahil kadalasan pantalon at kamiseta lang naman ang aking binibili.
Marahil ay abala si John kasi ni isang mensahe ay hindi siya napadala. Pumunta na lang ako sa kalapit na lungsod kung saan may mga murang damit na paninda. Kung ihahalintulad sa Pinas, ito ay parang divisoria.
Sa isang botique ay nasilayan ko isang puti na mahabang bistida. Simple lang ito pero napakagandana na may kapares na alampay na para bang ginawa mula sa balat ng tupa. Sumunod na bili ko ay isang pares na puting sandalyas na may dalawang pulgada ang takong. Pero ang pinakamalaking problema ko ay hindi manlang ako marunong maglagay ng koloriti sa mukha o mag-ayos ng buhok. Bahala na si Batman, sambit ko sa sarili.
Mag ala-una na ng makauwi ako sa bahay. Nilapag ko sa mesa aking mga pinamili at dumiritsi sa banyo para maligo. Pagsapit ng alas tres e media ay nagsimula na akong maghanda. Sinimulan ko sa aking buhok. Naghanap pa ako sa internet sa nababagay na ayos ng buhok pero ang hirap nila gayahin. Kaya naisip ko na lang iyong ayos na tinatawag nilang "messy bun" dahil madali lang naman itong gawin.
Pagkatapus sa buhok ay sa mukha naman na inabot lampas kalahating oras para iperpekto ang pantay na kulay sa aking kilay. Lampas alas kwatro na ng matapus kong ayusin lahat, kaya naisipan kong manood muna ng telebisyon habang inaantay mag alas-singko. Nasa katabing guasali lang naman bahay ng tita ni John kaya hindi ko kelangan magmadali.
Nang malapit na mag alas-singko ay pinadalhan ko ng mensahe si John, pero hindi ito sumagot. Mula sa balkunahe ay natatanaw ko mga pumapasok na bisita, ang gaganda ng mga kasuotan nila. Samantalang sa akin ay nabili lang sa mumurahing botique. Dahil hindi sumagot si John, napagpasiyahan kong bumaba na lang at ipatawag siya kay manong gwardya para sunduin ako sa labas.
Nakaharap ako sa kalsada sa labas ng gate nila habang hinahantay siya. Maya-maya pa ay may tumawag sa akin sa likuran.
(Play this please π)
"Bella." Tawag ni John sa akin kaya nilingon ko siya.
Parang huminto sa pag ikot ang mundo ng hinarap ko si John, napakagwapo niya sa kanyang kasuotang amerikana na may kurbata, at itim na pares ng sapatos na katad. Siya ay dahan-dahang naglalakad papunta sa akin, nakanganga at parang pepe na hindi makapagsalita.
Sa isipan ko, "kung may huling tao akong mamahalin, iyon ang nasa harapan ko." Hindi ko maintindihan ang nararamdaman ko sa mga oras na iyon, bumibilis ang tibok ng aking puso habang papalapit siya.
One step closer..
"You are so beautiful, Bella." Mga unang katagang sinambit niya.
Ako naman ang naging pepe dahil sa hindi ako nakasagot agad at parang namula pa ang aking mga pesnge.
"Ikaw din." Nahihiya kong sagot.
"Sorry to keep you waiting. Tara pasok na tayo." Hinawakan nito ang aking kamay at isinabit sa kanyang braso. Sa gilid ng aking mga mata ay nakikita ko siyang pasulyap sulyap sa aking mukha habang naglalakad papasok.
Habang papalapit sa mga tao ay mas lalong bumibilis ang tibok ng aking puso.
"This is it, pansit." Sabi ko at narinig iyon ni John kaya napatawa siya ng mahina..
Unang lumantad ang napakalaking ilaw na nagtataglay ng ibat-ibang desinyo sa gitna ng bulwagan, at sa nga gilid nito ay mahahabang kandila na animo'y hindi natutunaw. Isang magandang matandang babae ang lumapit sa amin at ako'y hinalikan sa pesnge.
"You must be Jane, or should I call you Bella two?" Pabirong tanong nito. Pero teka, tama ba narinig ko? Bella two? O Bella too? Biglang naguluhan ang aking isipan pero hindi ko na lang pinansin.
"Okay lang po. Ikaw po ba tita ni John? Salamat sa pagtanggap sa akin dito at maligayang kaarawan." Nahihiya pero nakangiti kong sagot sa kanya.
"Yes, ako iyon. Walang anuman iha. Kung para sa gwapo kong pamangkin ay tatanggapin ko. Enjoy the night Bella, I mean Jane. Iwanan ko muna kayo at pupuntahan ko ibang bisita." Pagpapaalam ito at umalis sa harapan namin.
"I told you. She's so kind." Bulong ni John sa aking tenga at ako nama'y nakiliti dito.
Hinampas ko ito sa kanyang dibdib (Oh sh*t ang muscles) at natawa lang ito. Maya-maya pa'y ipinakilala niya ako sa kanyang mga pinsan at isang mataray na babae ang hindi ko nagustuhan.
"Hi, I'm Faith. You must be Jane." Mataray nitong sabi.
"Yes, I am. Nice meeting you Faith." Inabot ko ang aking kamay para makipagkamay pero hindi nito pinansin. Kunwari ay nakipag-usap siya sa katabi niya para hindi niya ito abutin. Napansin iyon ni John kaya inaya niya akong umupo sa may lamesa kung nasaan ang iba niyang pinsan.
"Don't mind her. She's a bitch. Nobya ng pinsan ko." Bulong nito sa akin kaya natawa naman ako.
Habang kumakain kami ay masayang nagkekwentuhan ang kanyang mga pinsan. Si John naman ay patingin-tingin sa akin kasi alam niyang nahihiya pa rin ako. Mabait naman trato nila sa aki maliban kay Faith na mataray ang tingin sa akin.
"Inaano ko ba siya, sarap unatin ang kulot niyang buhok." Sabi ko sa isipan ko.
Bumulong si John sa akin at nakiliti ako kaya napatawa ng mahina. Napansin kong mas tinarayan ako ni Faith at doon ko napag alamang may gusto ito kay John. Tinarayan ko ito pabalik at napangisi lang siya. Ipinulupot ko pa kamay ko sa braso ni John para mas lalo siyang inisin. Mukha niya ay parang sasabog na kasing pula ng lipstick niya.
Nagpaalam si John sa akin na may pupuntahan at ako naman ay pumunta ng banyo para umihi. Pagkalabas ko ng banyo ay nakita ko nakatalikod si John kausap ang ibang bisita. Naroon din ang ahas na si Faith, at nang malapit na ako, tinanong niya si John.
"John, so how's Bella?" Tanong ni Faith kahit alam niyang nasa likuran ako, nakangisi pa ito.
"Si Jane? She's good. Nasa banyo ata." Sagot ni John.
"No. Your real love Bella." Madiing sabi ni Faith na nagbigay kirot sa aking puso.
Hindi nawala sa pandinig ko ang mga katagang "the real Bella" at parang tinaga ng itak ang puso ko't nabiyak. Unti-unti nabubuo ang palaisipan sa aking isipan.
"Sino ba talaga si Bella?" Tanong ko sa isipan ko.
Hinawakan ko ang aking dibdib na parang sasabog sa sakit. Naglakad ako papalayo hanggang makita ko mga babaeng may pare-parehong suot na uniporme. Mukha silang mga Pinoy kaya nagtanong ako.
"Mga ate, taga pagsilbi ba kayo dito?" Tanong ko sa kanila.
"Oo, ikaw ba bisita ni sir John?" Tanong ng nakakatanda sa kanila na pangalan ay Gloria.
"Opo. Manang Gloria, sino po si Bella?" Tanong ko dito.
"Ah si Bella? Isa ring pinay iyon. Siya yung fiancè ni sir John na....."
Hindi ko na pinakinggan pa sasabihin ni manang Gloria at ako'y agad-agad na umalis dahil ayaw ko na makita nila akong umiiyak. Ni hindi ko alam ang aking tinatahak basta sinundan ko lang ang daan palabas. Pero ibang labasan ang aking napuntahan.
Lumantad sa mga paningin ko ang gusali ng aming bahay, ang napuntahan ko ay ang kanilang rooftop na minsang tambayan ni John.
"Akyatin ko na lang kaya ito para deritso na sa bahay, gusto ko na umuwi." Mangiyak-iyak kong sabi habang tinititigan ang aming bahay sa katabing gusali.
Isang aso ang tumahol mula sa sulok at lumapit sa akin. Ang ungol nito ay parang umiiyak, maharil ay nakikisimpatya din sa akin. Lumuhod ako para kausapin ito.
"Ikaw Rusty, kilala mo ba si Bella, amo mo rin siya diba?" Para akong tanga na kinakausap ang hayop.
"Bakit ba lage na lang ako napapalapit sa mga nakatali na? Sa dami ng tao, bakit amo mo pa?" Sabi ko sa aso na inilapag ang ulo sa akong mga hita.
"Umalis ka Rusty, bumalik ka sa amo mo."
Tumayo ako at tumahol ang aso. Tumakbo ito palabas ng pinto.
(Play this please)
Mula sa itaas ay nakikita ko ang kalsada kung saan muntikan na ako mabawian ng buhay. Bumalik sa aking ala-ala ang mga araw at gabi na kami ay magkasama. Noong gabing niyakap niya ako ng mahigpit at sinabing "akala ko mawawala ka ulit sa akin" isang palaisipan na hindi mabuo-buo ang sagot, pero ang alam ko lang, si Bella ay fiancè niya.
"Walang hiya ka John." Humagulhol ako sa pag-iyak at mga luha ko'y hindi mahinto sa pagpatak.
Isa-isang bumabalik sa aking isipan na kasama ko siya. Mula sa insidente sa tren, sa labas ng aming gate na nagbangayan sa pagsakay sa taxi. Yung araw na humikab ako sa balkunahe at nakita niyang nakabuka ang aking bibig. Yung aksidente sa park na akala ko ay hinahabol ako ni Rusty, at pati ang pagtalon ko sa kanya na kinarga niya akong parang bata. Mga ala-ala sa isla ng Cheung Chau at nakakatawa niyang hiyaw ng makita ang alupihan. Magkahawak-kamay nagbisiklita, sa tabi ng dagat kung saan niya ako inawitan ng Perfect na kanta, pati ang ala-ala sa pantalan kung saan siya kumanta ng isa pang kanta. Mga habulan at batuhan sa dagat, hanggang sa masasayang araw sa Disneyland.
"Isang mapait na nakaraan na pinatungan ng isa pang mapait na kahapon. Hanggang kelan ako magmamahal at masasaktan?"
Umakyat ako sa mas mataas na bahagi ng gusali kung saan matatanaw ang buong kalsada at sumigaw..
"Gago mo John. Ano ba gusto mo? Mangolekta ng Bella? Ibibigay ko sa'yo si Mana Belya, tiyak magugustuhan ka nun." Humahagulhol parin sa pag iyak.
Biglang kumirot ang ulo ko, hindi pa talaga nakuntinto sa kirot ng puso ang katawan ko. Maya-maya pa'y nagdilim ang aking mga paningin, at isang malaking bagsak ang bumasag sa aking mga pandinig.
John's POV
"John, so how's Bella?" Biglang tanong ni Faith.
"Ah si Jane? She's good. Nasa banyo ata." Sagot ko sa nakakairitang syota ni pinsan.
"No. Your real love Bella." Nakangisi nitong tanong.
"What the hell are you talking about? Gusto mo ba hukayin ang nakaraan? At dito pa talaga ha?" Kanina pa ako naiinis sa babaeng ito kaya napataas na ang boses ko.
Lumapit ang pinsan kong si Jeff na boyfriend nito.
"Faith. Stop it." Saway nito sa nobya.
"Kuya John sorry." Sambit ni Jeff.
"Paayusin mo yan Jeff kung ayaw mo kaladkarin ko yan palabas." Hindi ako gentleman sa mga ahas.
Nilingon ko ang mesa kung nasaan si Bella, pero wala ito.
"Where's Bella?" Tanong ko sa mga pinsan ko.
"Umalis na." Sambit ni Faith.
"What did you do to her? F*ck you Faith." Sigaw ko kay Faith.
Dali-dali akong lumabas para habulin si Bella, pero sabi ni manong guard ay hindi pa raw ito nakakalabas. Kinakabahan ako sa mga pangyayari at pakiramdam ko ay may masamang nangyari kay Bella. Hinanap ko siya sa mga banyo, sa likod ng bahay, hanggang sa nakita ko si Manang Gloria sa kusina.
"Manang, nakita niyo po ba si Jane?"
"Kanina andito yun, nagtanong tungkol kay Bella, umalis kaagad na hindi ako pinatapus sa sagot ko."
"Ano po sabi niyo?" Nag-aalala kong tanong.
"Sabi ko fiance mo at ayun umalis agad."
"What? Saan pumunta?"
Tinuro ni manang Gloria ang daan na tinahak ni Bella at agad-agad ko itong tinungo. Wala sa mga kwarto, pati sa mga banyo, kahit sa hardin ay wala din. Narinig ko tumatahol si Rusty papunta sa akin.
"Rusty, where's Bella?" Nagtatahol ang aso at gustong sundan ko ito. Tumakbo naman ako papunta sa deriksyon na tinatahak ng aso at papunta ito sa rooftop. Doon na ako kinabahan ng husto na para bang sasabog ang aking puso.
Napalakas ang bukas ko sa pintuan at nakita ko si Bella na pabagsak.
"Bella!!!"
The end...
The end na nga ba? Sorry sa pagsira sa mood π€£
Ano kaya magiging katapusan nito?
Ano sa tingin niyo ang nangyari kay Bella?
Ipagpapatuloy...
Salamat sa oras.
Ouch yun ha.. Wait, saka na ako mag react.. sa susunod na comment na. :) Pang last ko ng episode kaya dun na ako mag comment ng husto.