July 5, 2021
I've been reading Filipino stories here from different users like @Eirolfeam2 @dziefem @Charlotte and lately @carisdaneym2 and @Ruffa have written Filipino articles as well and I thought to write one too. For almost four years of talking carabao English 😅 here abroad, it seems like I forgot some Filipino words already 😅. I wanna check if I can really make a pure Filipino article without using any English words, lol. The first part of this story was actually written first in English, but this story is kind've long and it would be easier and faster for me to finish it if I will use my own language. So for my non-Filipino readers, if you want to read this story, you can press the translation button near the boost button and translate the article to your preferred language 😁.
Starto amigo...
English Version (I was laughing while reading the English version translated by Google. Not all words are correct, lol.)
Sa wakas, pagkalipas nang ilang taon, sa kabila ng mga paghihigpit dahil sa pandemya, nakapagbakasyon narin ang pamilya ng aking amo sa ibang lugar. Umalis sila kahapon at sa wakas malaya ako at nag-iisa sa bahay. Gusto kong puntahan din ang Macau kung saan sila kasalukuyang gumagala, ngunit baka gawin ko ito sa isang buwan bago ako umuwi sa aking bansa. Bakit Macau? Ang Macau ay isa rin sa pinakaligtas na lugar upang bisitahin at hindi na kailangan ng 14 na araw na kuwarentina (ano tagalog ng quarantine? 😅) para sa mga turista na nagmumula sa Hong Kong, lalo na ang mga nabakunahan ng proteksyon para sa covid. Gusto ko puntahan ang Macau Venice balang araw.
Napakabagot dito at ang 12 na araw ay medyo mahaba. Naaalala ko ang aking talaarawan kung saan maaari kong isulat ang aking damdamin at iniisip dahil wala akong kausap. Ang pakikipag-usap sa aking sarili ay nakakabaliw. Kaya narito ako, isinusulat ito habang nakahiga sa kanilang malambot na sopa at pinapanood ang Kdrama sa aking selpon (sabi ni Ruffa selpon daw tagalog ng cellphone 🤣), at sa tabi ko ay isang bote ng soda at ang nachos na binili ni amo para sa akin. Napakasarap manirahan sa ganitong buhay. Para akong may-ari ng bahay at ako ang magiging amo sa mga susunod na 12 na araw.
Day 1
Napagpasyahan kong lumabas at bisitahin ang Central upang bumili ng ilang pagkaing Pinoy dahil kinasasabikan ko sila lalo na ang mga kakaning Pinoy. Habang hinihintay ko ang tren na pupunta sa istasyon ng Central, sinamantala ko ang pagkakataon na tumugon sa mga komento sa readcash.
May nabasa akong nakakatawang artikulo ni Ruffa at habang sinusulat ko ang aking komento at natatawa ako dito, hindi sinasadyang nabunggo ko ang isang tao malapit sa akin, o sasabihin nating, may isang taong sadyang bumunggo sa akin, dahil alam ko na nakatayo lamang ako doon, at nahulog ang aking selpon.
Nakakainis, limang beses ko na to nahulog, ayokong gumastos ulit sa pag-paayos ng selpong ito. Ngunit bago ako yumuko upang kunin ang aking selpon, may pumulot na dito.
"Ito oh." Ang salita nito ay English. Inabot niya sa akin ang aking selpon. Tumingin ako sa kanya at nagtutuyang mga mata ang sumalubong sa akin.
"Salamat." Na may mahinang ngiti.
"Walang anuman, Bella." Habang nakangiti. Tumingin ako sa paligid upang makita kung sino ang tinutukoy niya. Ngunit walang tao sa linya maliban sa aming dalawa. Ang iba ay ilang hakbang ang agwat sa amin.
"Paumanhin? Hindi ako si Bella." Tumugon ako.
"Hindi, hindi, ang ibig kong sabihin ay bskflgjrlawpgm" Hindi ko siya narinig ng maayos dahil sa tunog ng paparating na tren.
"Salamat ulit, paalam" At pumasok ako sa loob ng tren.
Mula sa aking peripheral vision (wala tlga Tagalog nito 🤣), nakita ko siyang nakatayo sa sulok habang ako ay nasa kabilang tabi. Nararamdaman kong nakatingin siya sa akin, pero hindi ko siya tiningnan. Hanggang sa nakarating ako sa pupuntahan ko at nagmamadaling lumabas ng tren upang maiwasan siya. Ngunit nakita ko siya sa likuran ko at parang sinusundan niya ako. Nag-alala ako at sa halip ay tumakbo.
Sa buong araw at gabi, ang larawan ng lalaki ay lumutang sa aking isipan.
"Sino ba yun? Briton ba yun? Canadian? o Australian? Ay hindi naman yun pandak. Hays. Makatulog na nga."
Kinuha ko ang aking selpon para magpost sa noisecash at nanlumo lang ako sa aking nakita.
Napamura ako ng mahina ng makita ko may basag sa LCD ng selpon. At sa inis ko ay minura ko ang lalaking bumangga sakin dahilan ng pagkahulog ng selpon ko.
Day 2
"Nakakatamad na bakasyon, nakakabagot na predyider." Bumuntong hininga ako matapos makita ang walang laman na predyider. Nagpalit ako ng damit at lumabas upang bumili ng pagkain sa palengke.
Nang nasa gate na ako, nagbago ang isip ko at napagpasyahang pumunta sa kabilang lungsod upang bisitahin ang Moko Mall sa Mongkok. Nakakabagot umupo sa bahay buong araw. Nakita ko ang isang taxi na papalapit kaya't winagayway ko ang aking kamay. Talagang tinatamad akong maglakad papunta sa istasyon ng bus at ginusto ko na lang na gumastos ng ilang dolyares dahil sa aking katamaran.
Nang huminto ang taxi, isang lalaki ang lumitaw sa kabilang panig at nais ding sumakay. Napaisip ako, "paumanhin? Una ko itong tinawag," sa isip ko lang. "Pero teka, pamilyar siya." Siya ang lalaking nakatayo sa labas ng aming gate, at ang lalaki bumunggo sa akin sa istasyon ng tren, ang dahilan kung bakit may basag sa LCD ng selpon ko.
"Ay paumanhin, sige kunin mo muna." Sabi nito sa akin.
"Hindi, hindi, hindi, pumasok ka na sa loob, ikaw ang nauna" Sinubukan kong maging napakabait, mabait na nakakawalanghiya. Ngunit sa tingin ko ang aking mukha ay hindi mukhang mabait.
"Patawad Bella, okay lang ba sa iyo kung magsabay tayo?" Wth! Bakit ko naman gagawin yun. Kinakausap ko ang aking isipan.
"At sa tingin mo sasamahan kita?"
"Oo, kasi cute ako" Tugon niya habang nakangiti. Naiinis ako sa kanyang panunuya.
"Ikaw ang lalaki sa istasyon ng tren di ba? At bakit ka nandito?" Inis kong tanong.
"Dahil dito ako nakatira? Ibig kong sabihin, nagbabakasyon ako rito at kasalukuyang nakatira sa bahay nila tita, doon." sabay turo sa katabing gusali.
"Pwede bang sumakay ka na lang ng bus, nagmamadali kasi ako." Nagsinungaling ako.
"Patawad, pero hindi ko alam kung nasaan ang istasyon ng bus."
"Sa harap ng St. Theresa Hospital." Sabi ko.
"At nasaan ang St. Theresa Hospital?" Tanong niya.
"Langya, saan ka ba pupunta?" Tanong ko.
"Moko Mall, alam mo ba ang lugar na iyon?" At parang babasa ata ang iniisip kong lugar na pupuntahan.
"Tinanong mo sana ang tita mo." Sambit ko.
"Hēi, nǐmen liǎng gè! Nǐ shì zuò wǒ de chūzū chē háishì shénme?" Galit na sigaw ng alien na chikwang driver. Ang tagal na niya kasing nghihintay.
"Mou yi si, mou yi si," sabi ko sa kanya at agad na pumasok sa sasakyan kahit hindi ko naintindihan ang ibig niyang sabihin. At naiinis ako ng makita ang lalaki sa tabi ko sa loob ng sasakyan.
"Seryoso?" Inis kong tanong.
"Oo, Bella." Panunuya niyang sagot.
"Hindi ako si Bella." Sigaw ko.
"Si Bella ka nga." At nakangiti pa ang gago.
"Nǐ néng tíngzhǐ zhàndòu ma?" Sigaw ulit ng driver.
"Paumanhin po." sabi ko pagkatapos ay tiningnan ko siya ng may galit na mukha, ngunit nakangiti pa rin siya, at gusto kong sapakin ang pagmumukha niya.
Pero ang kanyang mga mata, ang kanyang ngiti, nakakaakit kahit ako'y inis na inis.
Pagkalipas ng 20 minuto....
"Ito na ang Moko Mall, at huwag mo akong sundan," sabi ko.
"Ano ang iniisip mong susundan kita?" Payabang na tanong nito.
"Kasi ang cute ko?" Ayun oh, tinira ko din siya. Pero lalo lang akong ininis nito.
"Oo naman, ikaw si Bella, kaya susundan kita." Sabay kindat.
"Naku, pinagsisisihan kong sinabi iyon, ngayon, pwede ba umalis ka na?"
"Bakit ka galit sa akin?"
"Ano sa tingin mo?"
"Patawad na. Gusto mo mananghalian kasabay ako?" Seryoso niyang tanong.
"Hindi!" Sigaw ko sabay alis sa harapan niya.
Ngunit sinundan niya ako sa buong oras pero nakadistansiya sa akin. Nagpunta ako sa iba`t ibang tindahan pagkatapos kumain at nakita ko pa rin siyang sumusunod sa akin. Sinubukan ko pa siyang linlangin at pumasok sa tindahan ng mga panty at bra, ngunit hindi ito gumana. Matapos bilhin ang aking mga pangangailangan sa supermarket (ano tagalog? 😅), dali-dali akong tumakbo sa loob ng sinihan para hindi niya ako makita. (Siyempre bumili ako muna ng tikit). Sakto at gusto ko ang palabas, "A Quiet Place II."
"Sana naman mawala na ang basungot na yun." Tugon ko sa aking sarili. Ilang minuto na lang at patapus na ang palabas, ng biglang may bumulong sa tenga ko.
"Hello."
"Ahhhhh!" Napasigaw ako ng malakas dahil sa gulat. Tiningnan ako ng ibang nanonood kasi hindi naman nakakatakot ang parti ng palabas na iyon. Para akong loka-loka.
Kumakabog ng malakas ang puso ko dahil sa kaba ng tiningnan ko sino bumulong sa likod ko. Gulat na gulat ako ng makita ko ang pamilyar na mukha. Ang taong ayokong makita.
Ipagpapatuloy...
Mas mahirap pala magsulat ng Tagalog 😅 Day 2 pa lang ang haba na 🤣 sa English version ko hanggang Day 5 ang part 1 🤣
Ipagpapatuloy ko pa ba to? Kasing boring ng life ko ang istoryang to. lol
Salamat sa oras..
Lead image from https://wallpaperaccess.com/pretty-girl-cartoon
I have been smiling po miss Jane while reading .. Tama pala na medyu late na akong nagbasa Kasi Hindi na ako mag aantay pa sa next chapter. Sweet check kuno agad ang susunod pagtapos ko mag komento didto .(ayee napatagalog ako miss 😅)