Dragon fruits 🐉 Dahil sa mainit ngayon and para ma refresh ang body and mind natin. Halina kayo mga ka noise at kumain ng Dragon fruits or Strawberry Pear. Low in calories ito but reach in vitamins. kaya perfect ito sa mga body conscious. Rich in fiber din ito and nakakatulong ito para mapalakas ang ating immune system. Bakit nga ba tinawag na dragon fruits ang prutas na ito? May alam ba kayo mga ka Noise? Share na Yan.. By the way, happy lunchtime po sainyong lahat. Ysa19 🌺
@Ysa19 in April 2022
People's Park on the Sky In Tagaytay. Pinadala yan sakin ng pinsan ko from Cavite. Namasyal kasi sila dyan kahapon sa tagaytay. Ang ganda ng place and perfect for summer sana. Isang beses palang ako napunta sa cavite nung binisita namin ang kapatid ni Mama and that time na nakatira pa kami sa Laspinas. Hopefully makabalik ulit kami dun para mabisita namin ulit sya and iba pang mga pinsan ko somewhere in Bulacan. Sana tuloy-tuloy ng maging ok ang panahon at tuloyan na…
Linggo Ngayon ay araw ng linggo. Sana huwag kayong malilito. Kahit sobrang init ng panahon at sadyang nakakahilo. Kahit pa pagpawisan kayo. Okay lang yan para mabawasan ang taba ko o taba nyo. Pangit ang na sosobrahan nito. Kasi baka highblood ang aabutin nyo. Kaya halina kayo at mag unat-unat ng buto. Kaliwa at kanan ikot-ikot nyo. Ang matitigas na katawan para lumambot naman ito. Hindi yung kasing tigas na parang semento. At kasing tigas ng puso mung bato. Kahit nasan…
Ulam for Tonight Sili 🥵 Ang mapupulang sili. Kapag kinain mo sya daig mupa ang nakukuryente. Sa tindi ng init nya, para kang natatabunan ng mainit at naglalaglab na lava. Bibig mo'y parang uusok, mata mo'y parang dinudukot. Mata mo'y biglang mapapaluha, daig mopa ang umiiyak na bata. Pero ang hatid nya ay kakaiba at talaga namang gaganahan ka. Ito ay laging hinahanap sa karendiriya, Manang sili pa nga sili pa nga 😁 Ako naman ay sadyang napapatula. Kasi kami ay walang-wala.…
Lahat na nagtatagumpay ay dumadaan sa kabiguan at ang lahat na sumusuko ay hindi nagtatagumpay. Kaya Ikaw susuko kaba? Gusto mubang hanggang dyan kana lang? Magpapabilanggo sa isang nakaraan? Nakaraan na hindi naman pweding balikan? Ang tagumpay ay hindi nakasalalay kanino man. Simulan mo ito sa sarili mong paraan at Ang mga kabiguan mo sa nakaraan ay gawing mong inspirasyon para sa iyong inaasam na tagumpay sa buhay. Magandang Umaga mga ka Noise. Sana maging maganda ang…
Mangga kaba? ⬇️ Bakit? ⬇️ Kasi kapag naiisip kita, Mukha Ko'y nangangasim talaga 😬 Tara na mga ka Noise at kumain ng mangga. Sobra akung natakam ng binigyan ako ng sister in-law ko ng mangga. Pero ng matikman kona ito, Sobrang asim nya, apple mango pala kasi ito. Hindi ko kinaya ang asim nya. Mas gusto kopa rin yung natural na mangga. Happy hapon mga ka noise. Ysa19 🌺
Martes Ito naman si martes. Sadyang napakabilis. Kasing bilis ng mga dilang nag-mamaretis Walang ibang magawa kundi ang mangutya sa kapwa. Walang ibang magawa, kundi pumuna ng pumuna. Dila nila ay kasing bilis ng segundo kung magsalita. Hindi pa nababalita sa radyo, pero kalat na sa barangay nyo. Daig pa si Mike Enriques kung magbalita at magkalat ng kwento. Kahit nauubo na,Walang excuse me po... excuse me po.. Gusto nyo bang ma Raffy Tulfo? O kaya mapunta sa presinto para…
Happy Hapon 😁 Ito yung reason kung bakit gusto ko palaging maupo sa gilid ng sasakyan, everytime may pinupuntahan kami. Gusto kung masilayan ang ganda ng kalikasan. Mga nagluluntiang damo, mga punongkahoy na parang kumakaway-kaway ang mga dahon nito. Kaya everytime na nagyayaya ang kapatid ko,nakikipagunahan ako sa mga kasama ko, opps, ako dyan sa gilid ha.. ako dyan, ayoko sa gitna .haha. Para narin may pangpost ako dito sa noise. Kahit mema lang.hehe. Magandang hapon sa…
Ikaw 🥰 Hanap kita sa araw at gabi. Hindi kompleto ang araw ko kapag wala ka. Hindi makatulog ng sapat oh aking sinta. Pakiramdam ko ay may kulang. Kapag sobrang lamig ang aking nararamdaman. Ikaw lang ang tanging aking kailangan para lamig ay maibsan. Hindi ko kailangan ang iba. Para sa akin ay sapat na. ⬇️ ⬇️ ⬇️ ⬇️ ⬇️ ⬇️ Oh, Mahal kung unan, Ikaw lang talaga. Hindi ko kailangan ng kumot kahit magselos pa sya. Hahaha. Ang sarap mag ikot-ikot parin sa kama. Ang lamig ngayon…
Laking gulat ko At nataranta.😂 Mahal kung cellphone bumagsak sya at pataob pa! Bigla ko syang pinulot at hindi nakakibo. Tiningnan syang mabuti kung itoy buo pa. Mabuti na lang at hindi pa napurohan.Haha. Sino ang salarin sa pangyayaring ito? Walang iba kundi ang batang pagkakulit-kulit. Hihiramin nya daw ang phone ko para maglaro nga minecraft. Ako naman hindi makatanggi kasi love na love ko kaya sya. Isang ngiti palang nya, sabay sabi auntie pahiram please! Ayon sabay…
Bulaklak kaba? ⬇️ At bakit naman? ⬇️ Kasi kapag naiisip kita Akoy nagagalak sa tuwa. Kasi ang puso mo ay Anung busilak. Puso mo ay walang Katulad. Pag-ibig mo ay Para sa lahat. Diyos aking Ama Salamat po sa lahat 🙏 Magandang Umaga mga Ka Noise. Ngayon ay huwebes . Ingat tayong lahat mga bes. 😁 #iloveflowers Ysa19 🌺
Ang mga Puno at halaman Bakit kailangan lumisan? Parang naging emo ako ng makita ko ang sanga ng Punong Accasia na ito sa tapat ng bahay namin. Kung ano-ano naman ang pumapasok sa isip ko. Bakit kasi may kailangan lumisan? Pwedi naman sanang wala. Yun bang 100+ year's old kana, nagnonoise kapa.haha. Pero ang pangit naman nun, sasabihin mong, apo anu ba ang pweding ipost ko? Patingin nga kung may nagheart and tip sa post ko. Hahaha.. Ay ewan! Anu bang meryenda natin dyan mga…
Friday naman ngayon 🥬 Oh kay bilis naman ng panahon. Parang kailan lang ay bagong umaga naman ngayon. Ikaw ba ay nakapagpasalamat na sa ating Panginoon? Oh, Nakamokmok ka naman dyan at ang isip mo ay saan-saan naman nakatoon? Sa mga problema ba na dulot ng kahapon? Oh, mga problemang kinakaharap mo ngayon? Kaibigan kahit ano paman yan gumugulo sa isipan mo. Tanging ikaw lang ang makakalutas noon. Kailangan mo lang ng matinding determinasyon at Huwag puro imahinasyon. Mga…
Darating Sya Darating sya, darating si Papa. Nasa Lopez Quezon na sya. Yan ang sigaw ng pamangkin ko habang iyak ng iyak kagabi. Nakararanas sya ngayong ng matinding kalungkotan sa pagkawala ni Papa nya. Nakasanayan na kasi nilang magkakapatid ang paghihintay kay Papa nila mula sa biyahe. Nakasanayan na nila na once may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay nila ay baka si Papa na nila. All smile sa kanila, may mga dalang pasalubong, kiss and hug sa kanila. Parang dinudurog…
Trust is a must 🔑 Magda-drive ako hanggang Baguio, kasi ang lamig dun perfect sa tag-init Magda-drive ako hanggang Bicol, Dito na pala ako sa bicol. haha. Magda-drive ako hanggang Batangas, Ala eh, Tapos magsu-swimming do'n sa beach.... Sarap mangarap ano? Haha. Iniwan sakin ng kapatid ko yung susi ng sasakyan nya. Sabi nya sakin, itago ko lang daw at huwag sabihin na iniwan nya sakin ang susi. Balik manila naman sya for work. Umuwi lang sya last week para makipaglibing sa…
Panahon man ay Lumipas Maraming panahon man ay lumipas. Damit man natin ay kumupas. Kumulubot man ang ating mga balat. Pag-ibig nya satin ay walang wagas. Kahit pa katawan nya ay ihampas-hampas Ipinako man sya sa krus ay Buong puso nya itong tinanggap. Para mapatunayan sa mga tao na ang puso nya ay walang katulad ♥️ #Palmsunday #Palaspas #gloomyDay Ysa19 🌺
Viva Natawa lang ako ng binigyan ako ng kapatid kung candy, nagkaroon kasi ng motorcade ngayon ang mga kandidato. Ngayon kasi ang Proclamation rally ni BBM sa Pili Capitol Complex . Maganda sanang manood kasi nandun ang Bandang lapis and December Avenue kaso nakakatakot manood don, dagsa ang mga tao. Baka maapakan lang ako. Haha . Mema lang po mga ka noise 😁 Magandang hapon sainyong lahat. Ysa19 🌺
Home Alone Wala parin sila... Kaya ako ngayon ay nag-iisa. Naghihintay parin ng kasama. Hmm. Anong oras kaya darating sila? Wala paring tigil ang ulan, Dinig na dinig ko ang pagpatak sa aming bubungan. Tila ba may bagyo naman daw na paparating. Sana ay malusaw din.. Kasi kawawa ang mga kabahayan. Baka yero naman ay magliparan. Sabagay sanay na kami dyan.haha... Mema lang po, habang hinihintay sa pagdating ng kapatid ko. Yan kasi si bandang lapis at December avenue ang may…
Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak Sa mga halamat mga bulaklak Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot Sa buong paligid tuwing umuulan 🎶🎵 Parang magandang kantahin ang "Tuwing Umuulan " ni Regine Velasquez Makaya ko kaya? Haha. Wala kasing magawa. Hindi makalabas ng bahay. Walang tigil ang ulan dito mula pa kagabi. Kakatamad tuloy kumilos. Kakaantok pa. haha.. Tuwing umuulan, hindi mo maiwasan mag-isip ng mga bagay-bagay, mga hayop, mga pangyayari o mga Tao Ano ba…
Hiwaga ng panahon Dala ng Ambon Sa piyesta ng dahon Akoy sumilong. 🌿🍃 Tara mga ka Noise at humigop ng mainit na kape.haha. Walang ibang meryenda. Kaya tiyaga na lang muna sa mainit na kape.haha.. At dahil wala akung makitang bulaklak ngayon. Kaya ito munang mga dahon. Hindi magiging magandang tingnan ang bulaklak kung wala ang mga dahon. Ysa19 🌺
Madilim Akala ko ay maaga pa. Kaya paikot-ikot at paunat-unat pa ako sa kama. Yun pala late morning na. Haha..Yan kasi si dilim, sobrang mapagkunwari sya. Dahil sa ulan tinanghali ako ng gising. Tara na at mag-almusal na mga ka noise. Habang pinapakinggan ang mga pagpatak ng ulan sa aming bubungan. Kailan kaya titila ang ulan? O titila pa nga ba? Araw-araw sa buhay natin ay may ulan. Walang tigil na ulan na patuloy nating nilalabanan. Minsan dumarating ang oras na…
Miyerkules Santo Tunay ngang dakila ang pagmamahal mo aming Ama. Inako mo ang kasalanan ng iba. Hanggang ang buhay mo ang kapalit pa... Pagmamahal mo ay hindi namin kayang suklian. Kaliwat at kanan ang ginagawa paring kasalanan. Pero ikaw ay nandyan parin para magbigay gabay. Oh, pagmamahal mo ay sadyang walang kapantay. Salamat sa pagmamahal na walang hanggan ♥️ Ysa19 🌺
Traffic everywhere! Kabilaan.. siksikan, Nag-uunahan Hindi mo alam kung saan ang kanilang pupuntahan... May banggaan ng sasakyan.. Minsan nauuwi pa sa kamatayan.. Kaibigan,, dahan-dahan lang po. Hindi baling ikaw ay maunahan sa daan. Basta sigurado mo naman ikaw ay makakarating na safe sayong pupuntahan. Kakarating lang galing kung saan-saan. At ito traffic ay naabutan. Pati ba naman sa Robinson Underground ay walang maparkingan. Sakit ng ulo ang aking nasumpongan. Sabi daw…
Biyernes Santo Lastyear bawal ang mass gatherings. Kaya sa ganitong araw ay nasa sarili lang tayo ng kanya-kanyang tahanan. Pero ngayon dahil pawala na ang covid or nandyan pa pero kokonti na lang ang case kaya pinayagan narin ang ganitong pagtitipon. Unti-unti ng bumabalik sa lahat ang buhay natin. Madaming umattend ng mass. Kakatakot pa sana pero ayon, ang kabutihan ay naka-facemask naman ang lahat. At kanina nga nakapag-attend din ako na mass kasama ko ang mga kapatid ko…
Sabado De Gloria Dati natatandaan ko noon kapag ganitong mga araw. Binabawalan kami na maglaro, kumain ng mga bilog-bilog na prutas, mag-iingay. Bawal ang kasiyahan.. Dapat talaga yung tahimik ka lang sa loob ng bahay nyo. Kasi Patay pa daw si Jesus. Pero ngayon, hindi na natin nasusunod mga yan. Nasa modern generation na kasi tayo. Kabilaan ang mga outings, reunions, inuman, kantahan.. Kanya-kanyang umpukan sa bawat kanto. Pero okay lang naman yan, basta huwag nating…
Black Saturday 🖤 Sabi nila ang kulay na itim ay kulay ng kalungkotan.. Pagdadalamhati at Pagluluksa.. Kapag maitim naman ang balat mo ay hindi ka gaanong pansinin, kasi mas naaapreciate nila ay yung mapuputi. Para sakin ang pagsusoot ng kulay itim ay hindi lang dahil may pinagluluksa ka. Hindi dahil suot mo ay kulay itim ay malungkot kana. Ang iba ay nagsusoot ng kulay itim para lang maitago ang taba-taba sa katawan nila..haha.. Kaya huwag tayong mapanghusga. Kapag naman…
Linggo ng Pagkabuhay Salamat po aking Ama. Sa binigay mo saming buhay. Ako po ay humihingi ng kapatawaran kung ano man ang nagagawa kung kasalanan. Sa iyong muling pagkabuhay Sana patuloy mupa rin kaming gagabayan, Kahit man kami ay mga taong makasalanan. Salamat sa walang sawa mong pagmamahal ♥️ Dahil easter day ngayon. Let me share this egg. Binigay ito sakin ng pamangkin ko. Itlog ng ibon kasama pa ang pugad nya. hehe... Yung bang maliliit na ibon, hindi ko lang alam kung…
Biglaang Outing Bakit kaya kapag wala sa plano. Yun pa ang natutuloy? Haha.. Ang plan ng mga kapatid ko sa Saturday daw kami pupunta sa beach overnight daw. Pero kanina lang biglang nagkayayaan... Tara na... Kung nextweek pa daw kasi ay busy na ang iba...Kaya ayon... Grabe ang daming tao, punoon ang mga cottage. Mabuti na lang at may pinsan dun ang bayaw ko, kaya nakakuha parin kami, kahit yung maliit lang, kasi hindi naman kami mag overnight... May mga kasamang kasing…
Clouds Formations ☁️ Ito yung isa sa dahilan kung bakit favorite kung i captured ang mga ulap. Dahil sa ibat-ibang clouds formations. Kung malawak ang imagination mo, marami kang mabubuong ibat-ibang shapes sa mga ulap. Pwedi ka din makabuo ng story dahil sa mga cloud's fomations.. Kayo mga ka Noise,, Ano bang ang naiisip nyo? about sa clouds nyan sa photos ko? Sige nga, subukan natin palawakin ang ating mga imahinasyon 🤔 By the way, i took that photos yesterday around 5pm i…
Modern Kutsinta Kutsinta na parang ayaw kung kainin. Hehe... Ganda kasi ng design nya. Binigay yan sakin ng kapatid ko, meryenda ko daw. Gustong-gusto kung meryenda ung mga native kakanin, kagaya ng kalamay, kutsinta, suman, puto rice and iba pa.. Maganda hapon sainyong lahat mga ka Noise. tara na at sabayan nyo akung magmeryenda with cold water lang po.🙂 Kayo ba nagkapagmeryenda narin ba? Ysa19 🌺
Paper Flowers 🌺 Last week ng pumunta kami ng kapatid ko sa Mall. Habang nagbabayad sya Monthly internet bill nila. Sabi ko maghihintay na lang ako dun sa bench ng Mall.. so ayon nga, para hindi ako mainip, naglakad-lakad ako sa d kalayuan may nakita akung isang stall dun na nagbebenta ng mga ibat-ibang flowers na made of paper... Sabi ko sa sarili ko, parang maganda pa ang mga dati kung nagawa noon kisa sa binebenta nila.. haha. Hanggang sa may lumapit sakin na babae.. sabay…
Anung Nangyari?? Ito yung inabutan ko nung isang araw ng pagbisita ko sa bahay ng kapatid ko. Ang gulo ng bahay nila, lalo na sa may kusina. haha . Halos lahat na mga laruan ng anak nya ay nakalabas.Haha.. Bawat laruan ay may pangalan pa.. hehe..Once Inalis mo sa pagkakaayos nya, iiyakan ka lang..Kaya hinahayaan na lang nila, kahit maging magulo pa ang bahay. Part na talaga Yan ng isang bahay. kapag may bata, sure yan sabog-sabog ang mga gamit nyan..haha... Parang dinaanan…
Clear sky Kitang-kita sa mga ulap kung gaano kaganda ang araw ngayon. Very clear sya as in parang cotton lang.. Masarap and hangin at ang init ay tamang-tama lang sya.. Yung tipong hindi makakasunog ng balat..hehe.. Sana ganun din ang maging araw natin ngayon. Maging maganda at magaan lang. Kahit may mga konting mga problema, kahit minsan napapagod kana, pero magagawa mupa ring ngumiti o tumawa. Mahirap mabuhay.. pero mas magiging mahirap kung wala tayong gagawin sa buhay…
Tinandayagan Falls And Resort's Tinandayagan Falls is one of the tourist distinations here in Bicol. Ito ay matatagpuan sa Libmanan Camarines Sur.. Pweding kang mamili kung saan mo gustong maligo, sa falls ba o sa pool lang. Pwedi kang magbikeline, Superman Zipline, Sitting Zipline, at Rappelling, Pwedi ka din mamili ng ibat- ibang games...Like Basketball, Volleyball, Table Tennis, Chess, billiards and Darts.. Hinahanap nyo ba kung nasaan ang falls sa picture? haha.. Hindi…
Hoy! Ano ba naman ang iniisip mo? Umagang-umaga ay hindi naman maipinta ang pagmumukha mo? Ano naman ba ang nagpapabagabag sa isipan mo? Lahat na nangyayari satin ay may kanya-kanyang rason. Lahat na pangyayari ay may pinagmulan. Kaya ang lahat na pinagmulan ay meron din yan hangganan. Kaya ano pa ang hinihintay mo? Bumangon kana dyan at ayosin ang sarili. Magpasalamat sa may kapal sa binigay naman sayong bagong umaga. Bagong Umaga na dala ay bagong Pag-asa. Kaya huwag kang…
Kulitan time with my Niece Habang may ginagawa ang mommy nya. itong si bulinggit sakin naman nakadikit. Kahit ang init-init. Hina hug nya ako, sabay kiss pa. Sabay sabing i miss you so much auntie.. Aba sabi ko naman, lagi na lang tayong magkadikit araw-araw magkausap miss mo agad ako? Hahaha.. Kung ano-ano ang tinatanong nya sakin habang nagdudrawing sya ng kung ano-anong napapanood nya sa youtube. Hanggang sa may itanong sya sakin.... Princess J- Auntie Who's the one who…
Biyernes Naman Ano ba ang nasa isip mo? Sana sabado na lang ba? Dahil napapagod kana sa araw-araw mong pakikibaka? Araw-araw na pagtatrabaho Pero kakarampot na sweldo. Araw-araw na pagtitiis Dugo at pawis ang kapalit. Sige pa kaya pa at handang magtiis. Minsan naiisip mo, ayoko ng buhay nato! Kailan ba ako yayaman? Tumaya kaya ako sa lotto? Malay mo maging instant milyonaryo ako? Katulad ni Pepito Manoloto. Minsan nababagot kana kahit sapilitan ay papasok pa. Para lang may…
Pakwan Para iyong malaman Kung gaano kasarap ang pakwan. Halina at bumili kay Mang Juan. Sa tabi ng daan Kung saan marami ang dumadaan. Ang tamis nya ay walang kapares. Namumula nyang kulay ay sadyang nakakaakit. Kaya halika na at huwag munang mag maretis. Baga maubusan kana ni Aling Tess. Magandang tanghali mga ka noise. Katatapos lang maglunch at ito ang panghimagas ang pakwan 🍉 Ysa19🌺
Naniniwala ba kayo kapag hindi pa nakaka 40 days simula ng mamatay ang isang tao ang kaluluwa daw nun ay nandito pa sa Mundo natin? Kahit noong bata pa ako. May mga nararamdaman na akung mga medyo weird kung iisipin. Pero dahil ako ang nakakaramdam at minsan ay nakakakita din kaya alam kung totoo sila. Ang latest ay nung pumunta kami sa dagat ng family ko. Kararating lang namin nun sa beach.. sa d kalayuan nakita kung tumatakbo papalapit sakin yung pamangkin kung lalake,…
Emo Mood 😔 Ngayon ang saktong araw ng pagkamatay ng bayaw ko. Kagabi hindi naging sapat ang tulog ko...Ewan koba kung bakit. Around i think 4 am nagising akung umiiyak... Napanaginipan ko naman sya. Nakita ko daw sya sa may bintana..Nakangiti sya samin ng kapatid ko..Sabi ko oh, si bayaw, si bayaw nga, nakangiti sya at masigla. Pero habang papalapit na sya samin ay Nilampasan lang nya kami at dun nagising na akung panay iyak.... Hindi na ako nakatulog mula nun at ng inopen…
Pinya kaba? ! Bakit? ! Kasi pinya-pangarap kita eh 😁 Ang corny ano.hahaha. Pinipilit konang kainin yung mga prutas na ayaw kung kainin. Ayoko kasi sa mga juicy fruits. Like pakwan, mangga, Pinya.. Orange, and iba pa.. Pero kapag saging ang usapan, wala akung inuurongan dyan. Kahit anung klase ng saging. Sabi ko nga, baka pinaglihi ako sa unggoy 🐒🙉 Ayoko kasi yung nafefeel kung sticky sa kamay ko kapag tumutulo na ang juice nila. Baka sabihin nyo, ang arte naman ng babae…
Tuloy lang ang gapang para sa buhay ♿ Lastweek habang nakatambay ako sa Eatery ng kapatid ko. May tatlong customer's akung napansin papasok sila. Pero ang tagal nilang makapasok sa kainan kasi may inaalalayan silang Differently Able inshort ( PWD) Sobra akung naawa dun sa lalake, halos makikita mo sa kanya ay yung kalahati na lang ng katawan nya. Kasi yung dalawang paa nya ay parang hindi sya nabuo, kung meron man ay maliliit lang ito at hindi sya naform na paa..Pero kahit…
Kaway-kaway sa bagong Umaga. Halina at salubungin natin ang bagong Umaga na may ngiti at saya. Bigyang ngiti ang mga taong nakakasalubong kasi kahit paano nakakagaan yan sa kalooban lalo na dun sa mga taong may mga pinagdadaanan sa buhay. Isang ngiti lang nakakabawas yan ng lungkot sa taong ngingitian mo. Pero yung tamang ngiti lang ha. kasi baka iba na ang isipin ng taong nginingitian mo sayo. Baka isipin nila, may crush siguro ito sakin? Oh, sadyang may something 😁 Mag…
Wayback 2019 Ang sayang balikan ang nakaraan. Itong yung unang pagkakataon kung malibot yung lagi naming pinupuntahan na beach. Na kung saan makikita mo sa gitna ng dagat ay bukid na bato. Super enjoy, todo sigaw habang nakasakay kami sa bangka pero may halong takot kasi paano kung lumubog ang bangka? Hindi pa naman ako marunong lumangoy at may mga kasama kaming mga bata. Sa pics nayan makikita nyong umaakyat ang mga kasama ko sa bukid na bato. Ang kagandahan ay naglagay na…
I Just want to say Goodnight. With a peace in my heart. Wishing you all this night With a happy thoughts in your mind. Forget the worry and pain And smile and say this again and again... Thank GOd for Everything ♥️ Sending my warm virtual Hug 🤗 Thank you all and ..... Goodnight everyone Ysa19🌺
Babala para sa mga Babae Iniisip moba ang mahal mo? Iniisip mo kung bakit hindi sya tumatawag at nagchachat sayo? Kaya tuloy ayan, nakasimangot ka naman dyan. Huwag kang ganyan. Huwag mong pairalin yan mga naglalaro sa isipan mo. Mga nasa isip mong nagpapabago ng mood mo. Pati ang mga taong nakapaligid sayo ay pinag-iinatan mo. Iniisip moba na baka may iba na sya? Iniisip muba kung sinong kasama nya? Iniisip muba kung sino ang kausap at ka videocall nya? Aba, huwag kang…
Panghimagas Gusto nyo ba ng panghimagas? Gaya ng nasa picture na ito? Kung gusto nyo ay d bumili kayo. Ang sama ko ano.hahaha.. Ito yung mga paninda dito sa may kainan ng kapatid ko. Maraming mga customer's ang bumibili ng mga yan lalo na kung katatapos lang nilang kumain ng masebong bulalo. Ang iba naman ay bumibili para pangpasalubong sa mga mahal nila sa buhay. Karamihan kasing customers dito ay galing pa sa ibat-ibang dako ng Pilipinas, from luzon, Visayas and…
Buhay Probinsya Ang sarap ng buhay probinsya. Masarap ang simoy ng hangin. Marami kang makikitang mga kulay luntiang kakahoyan, Mga batang naliligo sa may sapa at ang iba ay namimingwit ng mga isda. Ang saya dba. Marami kapa ring makikitang mga palayan kung saan makakakita kang mga nag-gagapas ng mga palay. Nandyan makakitang kang mga kalabaw na nasa kainitan kasama ang kanyang amo na nagbabanat ng buto. Para lang may masaing tayong bigas at para may makain tayo. Ang hirap…
Pansamantala Ang hirap pala, kapag nakasanayan muna sya. Tapos bigla na lang mawawala. Yung bang, binabalik-balikan mo, paikot-ikot at hindi mapakali kung ano ba talaga ang nangyayari? Tuloyan naba talagang syang mawawala sayo? Tuloyan kana ba nyang iiwan? Ang sakit tanggapin. Ang sakit isipin Matapos mo syang mahalin ay bigla kana lang iiwan? Araw-araw sya na lang lagi mong kasama, sa pagtulog sa paggising sa umaga sya parin ang gusto mong makita. Ganun ba talaga? Walang…
Buhay Probinsya Ito yung picture na iupload ko sana kahapon. Kaso nagkaroon ng system error ang noise. Kuha ito nung pumunta kami sa renconda area, isang place dito sa bicol.. Dahil umaabot ng dalawang oras ang biyahe papunta at pauwi samin. Kaya naisipan ng kapatid ko na maghanap ng shortcut na daan. Ayon namalayan kona lang puro palayan ang aming dinadaanan yun pala ang isa sa lugar dito samin na tinatawag na Minalabac, firstime kung makarating dun. Ang gandang tingnan ng…
Sierra Cotta Resorts Perfect time to unwind kasi ang init ngayon. Pero wrong tyming naman ako. Huhu Medyo masama ang pakiramdam ko.. Kaya hanggang tingin-tingin naman lang ako. Langhap ng sariwang hangin. Sabagay kahit wala naman akung sakit, kapag nagpapabeach kami o kahit sa pool, hindi naman talaga ako naliligo. kontento na akung mag capture here.. capture there.. capture everywhere.. Without selfie ha, kasi baka masira lang view ng lugar.haha. By the way, yang resort…
Ang kulit-kulit Ang kulit talaga ng pamangkin ko. Akala ko kung sinong tumatawag sakin sa messenger ngayon.. Sya naman pala, gamit ang account ni mommy nya.. Dahil sa mahina ang connection, hindi kami magkaintindihan. Kaya ang ginawa ng bata, Nag-voice clip na lang sya instead of videocall.. Maparaan talaga, hindi pa naman kasi sya marunong magtype ng mga words sa phone.. kaya ganun ang ginagawa nya para makausap nya lang ako..haha.. Tinanong nya lang naman ako kung anung…
Be kind Sabi nga daw, ang isa sa pinakamagandang bagay na dapat gawin natin ay suportahan ang bawat isa, magtulongan..Kasi ang pagiging mabait o pagiging mabuti sa kapwa ay wala yang katumbas na halaga. Masarap sa pakiramdam yun bang kahit sa simpling paraan ay nakakatulong ka, financial man yan o kahit moral lang. Ang pagiging mabait ay parang isang buto lang yan ng halaman.. hindi ito tutubo kung hindi mo ito didiligan ng tubig. Once tumubo na sya, pwedi muna yan ipamigay…
Ngiting 10k yan 😁 My nephew, Baby John Luigi Ngiting 10k yan..haha Kasi lahat na may pangalan na ipinanganak ngayon 2021 to 2022 at kapangalan ng running for governor na si "Luigi V. " dito sa Camarines sur ay binigyan nya ng 10k each... Tamang-tama magpapabinyag ang baby nayan sa May 2, may pangggastos na ang parents nya. Haha.. Sobrang gigil ko sa batang yan. Ang puti nya at palangiti na sya. Sabi ng iba parang may foreign blood daw ang bata. Pero wala naman, sadyang…
At the backyard Matagal na akung hindi nakakapunta sa likod bahay namin, ngayon naman lang para maghanap ng something na pweding ipost dito sa Noise. Haha.. Ayan oh, nakita ko si haring araw, unti-unti na syang nagtatago. Nahiya yata sakin kasi nakita nya akung nakatingin sa kanya. Haha.. Nalibang ako kakatingin sa mga halaman. Kaso bigla akung.nangati May nahawakan yata akung uud..hehe Alcohol naman lang ang katapat nito. Happy hapon mga ka Noise. Meryenda time naman po...…
Gabi na naman Ito na at gabi naman Nag-uunahan naman ang mga hari ng lansangan. Kanya-kanyang deriksyon ang patutungohan. Pagod at hirap ang puhunan para ang bulsa at ang tiyan ay magkalaman. Ibat-ibang kwento ng buhay. Ibat-ibang hanapbuhay. Huwag nyong sabihin na mga driver lang yan..Kasi sila ay marangal na naghahanapbuhay. Minsan makikita mung marurungis ang kanilang mga kamay. Sobrang respeto ko sa mga taong ganito..kasi ang Papa ko ay binuhay kaming ganyan ang trabaho.…
Lahat na kagandahan ay kukupas Pero ang may pusong busilak kailan man ay hindi kukupas ♥️ Ito yung larawan nating mga tao. Hindi man natin aminin, halos lahat ay tumitingin sa panlabas lamang na anyo. Sa dalawang bulaklak nyan,. Kung kayo ang pagpipiliin, ang pipiliin mo ay yung fresh pa dba? At balewala yung isa.. Pero sa katotohanan Ang kagandahan ay pansamantala lamang. Lahat na maganda ay may hangganan. Darating din ang araw na magiging gaya ng isang bulaklak nyan..…
Sobrang init ngayon.. Pero walang init sa gustong humigop ng mainit na sabaw ng " Paksiw at Bulalo.. ..🥣 Kuha ito kanina-kanila lang. Pagkatapos kumain ng mga customer's na mga riders all the way from bulacan daw sila. Game na game naman sila ng sinabihan namin na selfie-selfie muna bago sila umalis.. Kita naman sa mga mukha nila, yung ngiting busog na.. haha.. Kayo ba mga ka Noise, nakapaglunch naba? Kung hindi pa kain na kayo dyan. Para yung tiyan ay magkalaman nyan 😁…
40th Day After Death Parang kailan lang nung ikaw ay pumanaw. Taglay mong lakas ng katawan ay nag lahong tunay. Mga ngiti mong puno ng dertminasyon. Boses mong parang ng hahamon. Sabi nila ikaw ay uragon. Walang nag-aakala na ikaw ay mabilisang mawawala. Lahat ay napatulala at madaming haka-haka Sino ba naman ang mag-aakala, Napakasigla mong katawan ay biglang na lang nanghina. Mga luha at pighati ay dala-dala pa namin hanggang ngayon. Mga masasaya mong ala-ala sa puso at…