read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Buhay Probinsya Ito yung picture na iupload ko sana kahapon. Kaso nagkaroon ng system error ang noise. Kuha ito nung pumunta kami sa renconda area, isang place dito sa bicol.. Dahil umaabot ng dalawang oras ang biyahe papunta at pauwi samin. Kaya naisipan ng kapatid ko na maghanap ng shortcut na daan. Ayon namalayan kona lang puro palayan ang aming dinadaanan yun pala ang isa sa lugar dito samin na tinatawag na Minalabac, firstime kung makarating dun. Ang gandang tingnan ng piligid. Halos puro luntian ang makikita mo. Fresh na fresh yung hangin. Feel na feel mo yung province life. Tahimik ang daan, iilan lang ang nakakasalubong mung sasakyan. Umabot lang ng isang oras ang biyahe namin, compare kung sa main road kami dumaan. Although may mga part pang hindi pa tapos yung mga ginagawang kalsada at may mga bako-bako pang daan. Pero once matapos na ang pag-aayos ng farm to market road dun. Magiging malaking pakinabang sa mga tao ang daan na iyon. Daan para sa masagana at magandang buhay. Ysa19 🌺

6 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.