read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Pagmasdan ang ulan unti-unting pumapatak Sa mga halamat mga bulaklak Pagmasdan ang dilim unti-unting bumabalot Sa buong paligid tuwing umuulan 🎢🎡 Parang magandang kantahin ang "Tuwing Umuulan " ni Regine Velasquez Makaya ko kaya? Haha. Wala kasing magawa. Hindi makalabas ng bahay. Walang tigil ang ulan dito mula pa kagabi. Kakatamad tuloy kumilos. Kakaantok pa. haha.. Tuwing umuulan, hindi mo maiwasan mag-isip ng mga bagay-bagay, mga hayop, mga pangyayari o mga Tao Ano ba ang parang naging Pinoy Henyo na ako..haha. Minsan din nagugulohan tayo, kung ano-anong pumapasok sa mga isipan natin. Nandun na yung nagiging negatibo na ang isip natin. Minsan naman nagiging Judgmental na tayo. Pero bawal yun, sabi ni Vic Sotto.. haha.. Ay, ewan! Basta umuulan ang sarap kumain ng kumain. Ang problema wala naman makain. Haha.. Nandyan sana si Food Panda at iba pa..pwedi naman omorder. Kaso walang naman pang-oder. Hehe.. Basta ayon, Magandang umaga na lang sainyong lahat mga ka Noise. Sana ay nasa mabuti kayong kalagayan at tandaan po huwag magpapaulan. Mahal pong magkasakit. Ysa19 🌺

5 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.