read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Be kind Sabi nga daw, ang isa sa pinakamagandang bagay na dapat gawin natin ay suportahan ang bawat isa, magtulongan..Kasi ang pagiging mabait o pagiging mabuti sa kapwa ay wala yang katumbas na halaga. Masarap sa pakiramdam yun bang kahit sa simpling paraan ay nakakatulong ka, financial man yan o kahit moral lang. Ang pagiging mabait ay parang isang buto lang yan ng halaman.. hindi ito tutubo kung hindi mo ito didiligan ng tubig. Once tumubo na sya, pwedi muna yan ipamigay sa lahat. May maraming nagpapakitang kabaitan sa ating mga kapwa. Pero tandaan natin, hindi lahat na kabaitan ay totoo.. May mga nagbabait-baitan lang para makuha nila ang gusto nila sayo.. Pero ramdam naman natin yan, kung sino ang totoo o hindi, kasi nararamdaman natin yan sa ating puso.. Be kind to unkind people. Mahirap gawin kung iisipin ano? Pero pwedi natin yan gawin kung susubukan natin. May mga ibat-ibang dahilan kasi kung bakit ganun sila, subukan mong maging mabait sa kanila, I'm sure hindi lang ikaw ang gagaan ang pakiramdam, malay mo pati din sya...♥️ Ysa19 🌺 #NoiseCash #RamdomThoughts

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.