read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

40th Day After Death Parang kailan lang nung ikaw ay pumanaw. Taglay mong lakas ng katawan ay nag lahong tunay. Mga ngiti mong puno ng dertminasyon. Boses mong parang ng hahamon. Sabi nila ikaw ay uragon. Walang nag-aakala na ikaw ay mabilisang mawawala. Lahat ay napatulala at madaming haka-haka Sino ba naman ang mag-aakala, Napakasigla mong katawan ay biglang na lang nanghina. Mga luha at pighati ay dala-dala pa namin hanggang ngayon. Mga masasaya mong ala-ala sa puso at isip namin ay nakabaon. Mga nagawa mong kabutihan, ay hindi namin yun makakalimutan. Bagkus ito'y magiging batayan para ipagpatuloy din namin yan. Sayong mga huling hininga Kapakanan ng iyong pamilya ang iyong inaalala.. Paulit-ulit na binabangit sayong nanghihinang boses.. " Huwag nyong papabayaan ang mga Anak ko,, Mga naiwan mong pamilya huwag kang mag-alala, kasi kami ay nangako sayo, pagmamahal mo sayong pamilya kami ay sasalo. Ngayong 40th day after death muna. Sana ipagpatuloy muna ang iyong paglakbay sa buhay na walang hanggan. Kasama ang ating Amang lumikha 🙏 Ysa19🖤

3 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.