read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Tuloy lang ang gapang para sa buhay ♿ Lastweek habang nakatambay ako sa Eatery ng kapatid ko. May tatlong customer's akung napansin papasok sila. Pero ang tagal nilang makapasok sa kainan kasi may inaalalayan silang Differently Able inshort ( PWD) Sobra akung naawa dun sa lalake, halos makikita mo sa kanya ay yung kalahati na lang ng katawan nya. Kasi yung dalawang paa nya ay parang hindi sya nabuo, kung meron man ay maliliit lang ito at hindi sya naform na paa..Pero kahit ganun sya ay hindi sya nagpapabuhat dun sa dalawa nyang kasama. Sabi ng mga ibang customers dun kawawa naman sya, buhatin nyo na lang para hindi na siya mahirapan pang gumapang. Sabi naman ng dalawang kasama ng PWD... Ayaw nya pong magpabuhat. kasi ang rason nya, habang kaya niya pa ay kakayanin nyang makarating kung saan niya gustong pumunta. May mga oras na pinagtatawanan daw siya sa kanyang kalagayan, Nandyan yung kutyain. Sabihan ng kung ano-anong masakit na salita. Kahit pa pinagtitinginan siya ng mga tao ay balewala lang sa kanya as long na wala daw syang ginagawang masama. Nabubuhay daw syang marangal kahit ganun lang siya. Hindi niya daw kinakahiya ang sarili nya kahit pa may kapansanan siya. Tuloy lang daw ang gapang at laban. Kahit sobrang hirap ang kanyang pinagdadaanan. Sana kahit ganun ang makita natin sa lansangan o kahit san man. Sana maging fair din ang tingin natin sa mga katulad nila. Huwag nating kutyain o kaya pagtawanan. Kasi hindi nila kasalanan kung bakit naging ganun sila. Mga tao din silang dapat mahalin, igalang at dapat pahalagahan sa lipunan. May mga puso din silang nasasaktan katulad ng mga normal. Ysa19 🌺

7 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.