Babala para sa mga Babae Iniisip moba ang mahal mo? Iniisip mo kung bakit hindi sya tumatawag at nagchachat sayo? Kaya tuloy ayan, nakasimangot ka naman dyan. Huwag kang ganyan. Huwag mong pairalin yan mga naglalaro sa isipan mo. Mga nasa isip mong nagpapabago ng mood mo. Pati ang mga taong nakapaligid sayo ay pinag-iinatan mo. Iniisip moba na baka may iba na sya? Iniisip muba kung sinong kasama nya? Iniisip muba kung sino ang kausap at ka videocall nya? Aba, huwag kang ganyan... Huwag pairalin agad ang selos. Selos na minsan ay sobra na.. Hindi mupa nga asawa ay parang kino-control muna ang mga dapat gawin nya. What more kung maging asawa muna sya? Tandaan mo kaibigan, May sariling isip din sya. May sariling isip na hindi mo dapat kontrolin.. Hindi sya Tv o radyo.. Tandaan mo tao sya... Magkaroon ka naman ng tiwala, hindi lang sa kanya kundi sa sarili mo din... Kung talagang mahal ka ng isang tao, sayo yan mapupunta. Kahit ibat-ibang babae pa ang makilala nya. Kasi ikaw ang mahal nya.. Kaya huwag kang mag-iinarte dyan iha... Baka puro masasakit naman na salita ang mapala nya sayo? Kung ganyan ka lang naman, mag audition kana lang kayang pang-palit kay Mel Tiangco.. . Hahaha... Para hindi natutulog ang balita 24 oras salita ng salita..😁 Kasalanan yan ni ulan. Kung ano-ano naman ang sumagi saking isipan. Para may mapost lang dito mga kaibigan. Para sa mga babaeng nakakaramdam ng selos .. Hay naku bawasan nyo yan. Baka highblood ang abutin nyo nyan.. Para sa mga makarelate sa post kung ito, eh, para sainyong lahat ito.haha. Maulan na umaga mga ka Noise... Ysa19 🌺
2 comments
hahaha emote..wag na isipin kpg asawa n..basta ang sahod nsa sau
Hala! Para sa lahat naman sis ang post ko. Hehe.. at wala pa akung asawa... Single here ... 😁