Biyernes Santo Lastyear bawal ang mass gatherings. Kaya sa ganitong araw ay nasa sarili lang tayo ng kanya-kanyang tahanan. Pero ngayon dahil pawala na ang covid or nandyan pa pero kokonti na lang ang case kaya pinayagan narin ang ganitong pagtitipon. Unti-unti ng bumabalik sa lahat ang buhay natin. Madaming umattend ng mass. Kakatakot pa sana pero ayon, ang kabutihan ay naka-facemask naman ang lahat. At kanina nga nakapag-attend din ako na mass kasama ko ang mga kapatid ko ang pamangkin's... Speaking of pamangkin, wala yata akung naiintidihan sa mga sinabi ng pare, kasi yung isa kung pamangkin ubod ng kulit.. Kung ano-ano ang tinatanong nya about kay Jesus.. Anu ba daw yung nakapako sa krus? Its that real or not? Haha.. Hindi ko masyadong naipaliwanag sa kanyang mabuti kasi nagsasalita nga yung pari. Parang hindi sya na satisfied sa paliwanag ko... Ang sagot nya sakin " Whatever " 🤣 By the way, Sana sa araw na ito ay nasa kanya-kanyang tayong mga tahanan. Kasama ang buong pamilya. Panahon ito ng pagninilay-nilay.. kaya kung pupwedi ilaan muna natin ang oras sa ating mga pamilya at sama-samang gunitain ang pagkamatay ni Jesu kristo. inialay nya ang kanyang buhay para lang sa mga kasalanan ng mga tao. Kaya sana kahit isang minuto o kaya segundo lang ay huwag nating kalilimutan na magpasalamat sa kanya. Kayang-kaya natin gawin yan, hindi lang sa loob ng simbahan, kahit nasang lugar kapa.. kasi ang tunay na naniniwala at nananampalataya kay Jesu kristo ay hindi lang yan puro sa salita, dapat ay inilalagay yan sa puso at sinasapuso... ♥️ Ysa19 🌺
4 comments
nice ganda ng simabahan a... o nakapagnilay nilay ka bang mabuti hahaha
Lumang simbahan sya, under renovation pa.. Hindi nga eh, sa sobrang kulit ba naman ng mga bulinggit. Haha.
tinatago nla covid dahil sa election
I dont think so .. Goodmorning sis 🙂