read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Buhay Probinsya Ang sarap ng buhay probinsya. Masarap ang simoy ng hangin. Marami kang makikitang mga kulay luntiang kakahoyan, Mga batang naliligo sa may sapa at ang iba ay namimingwit ng mga isda. Ang saya dba. Marami kapa ring makikitang mga palayan kung saan makakakita kang mga nag-gagapas ng mga palay. Nandyan makakitang kang mga kalabaw na nasa kainitan kasama ang kanyang amo na nagbabanat ng buto. Para lang may masaing tayong bigas at para may makain tayo. Ang hirap ng ginagawa nila ano? Pero ito naman tayo, daming aksaya sa kanin.. Sabi nga daw, kada butil ng bigas ay mahalaga kaya dapat huwag tayong mag-akasya. Pwedi pa naman kainin ay itatapon na.. Paano na lang kaya kung wala ng magsasaka? May makakain kapa ba? Ito naman ako nagsesermon umagang-umaga haha.. By the way, yang larawan nyan ay kinuha ko habang nagbibiya kami last month from renconada area.. Since aabutin ng 2 hours kung sa main road kami dadaan, dahil sa traffic. kaya ang ginawa ng kapatid ko ay naghanap syang shortcut na pweding daanan. Yun na nga unang pagkakataon kung makita ang tinatawag nilang lugar na (Minalabac) Which is puro luntiang mga palayaan ang makikita mo. Umabot lang ang biyahe namin ng 1 hour, kaso hindi pa masyadong maayos ang ibang part ng kalsada.haha. Ang dami ko namang kwento at ito kumukulo na ang tiyan ko. Sabi daw bangon kana at magkape na.. Magandang Umaga mga ka Noise. Ysa19🌺

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.