read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Linggo Ngayon ay araw ng linggo. Sana huwag kayong malilito. Kahit sobrang init ng panahon at sadyang nakakahilo. Kahit pa pagpawisan kayo. Okay lang yan para mabawasan ang taba ko o taba nyo. Pangit ang na sosobrahan nito. Kasi baka highblood ang aabutin nyo. Kaya halina kayo at mag unat-unat ng buto. Kaliwa at kanan ikot-ikot nyo. Ang matitigas na katawan para lumambot naman ito. Hindi yung kasing tigas na parang semento. At kasing tigas ng puso mung bato. Kahit nasan kamang sulok ng mundo. Pwedi mo din gawin ito. Kahit pa magkakaibang oras man tayo. Ang importante ay alagaan mo. Ang kalusugan ng katawan mo. Para magagawa mong lahat. Kahit pa anu mang gustohin mo. Huwag mo lang aabusuhin ito. Cge ka, baka iba ang kalalabasan mo nito 🤔 Ang dami ko namang sinabi. Pero ito akoy nakahiga parin sa kama at nagmumuni-muni, sa lahat na pangyayari sa ating buhay na sadyang makulay at minsan ay sobrang nakakatamlay. Pero sadyang ganito talaga ang buhay. Kaya kahit ano paman yan. Huwag nating kalilimutan na magpasalamat sa ating Poong may kapal 🙏 Ysa19 🌺

9 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.