read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Linggo ng Pagkabuhay Salamat po aking Ama. Sa binigay mo saming buhay. Ako po ay humihingi ng kapatawaran kung ano man ang nagagawa kung kasalanan. Sa iyong muling pagkabuhay Sana patuloy mupa rin kaming gagabayan, Kahit man kami ay mga taong makasalanan. Salamat sa walang sawa mong pagmamahal ♥️ Dahil easter day ngayon. Let me share this egg. Binigay ito sakin ng pamangkin ko. Itlog ng ibon kasama pa ang pugad nya. hehe... Yung bang maliliit na ibon, hindi ko lang alam kung anong tawag dun? Madami kasing ibon dito samin. kahit wala naman masyadong punongkahoy. Ang iingay nila, lalo na kapag umaga. Sila yung isa sa dahilan kung bakit ako nagigising. Lilipad-lipad at ang iingay pa. Parang kumakanta o talagang sinasadya nilang gisingin na ako.hahaha... By the way, magandang umaga po sa inyong lahat. Sana sa muling pagkabuhay ni Jesus ay sabayan din natin ng kahit konting pagbabago sa buhay natin. Baguhin ang mga dapat baguhin at iwasan ang mga bagay na nakakasama satin. Ysa19 🌺

4 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.