read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Biyernes Naman Ano ba ang nasa isip mo? Sana sabado na lang ba? Dahil napapagod kana sa araw-araw mong pakikibaka? Araw-araw na pagtatrabaho Pero kakarampot na sweldo. Araw-araw na pagtitiis Dugo at pawis ang kapalit. Sige pa kaya pa at handang magtiis. Minsan naiisip mo, ayoko ng buhay nato! Kailan ba ako yayaman? Tumaya kaya ako sa lotto? Malay mo maging instant milyonaryo ako? Katulad ni Pepito Manoloto. Minsan nababagot kana kahit sapilitan ay papasok pa. Para lang may ibuhay sa mahal mong pamilya. Kaibigan maswerte ka kung ihahambing sa iba. May mga taong walang kakayahang gawin ang mga nagagawa mo. Kahit gusto man nila, ay may mga nakahadlang. Maswerte ka, kasi may kakayahan kang labanan ang hamon ng buhay. Kaya huwag kanang magreklamo dyan! Natural napapagod ka.... kasi tao ka dba? Kapag pagod kana, pwedi naman magpahinga ng kahit konti. Pumunta sa isang sulok Pero huwag kang magmokmok Isipin mo lang yung mga inspirasyon mo para lumakas naman ang iyong nang hihinang loob. Magdasal at magpasalamat sa Sa mga biyaya mong natatanggap. Kaya mo yan.. Ikaw pa! πŸ™‚ Ysa19 🌺

2 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.