read.cash Log in
@Ysa19 more from that month

Sabado De Gloria Dati natatandaan ko noon kapag ganitong mga araw. Binabawalan kami na maglaro, kumain ng mga bilog-bilog na prutas, mag-iingay. Bawal ang kasiyahan.. Dapat talaga yung tahimik ka lang sa loob ng bahay nyo. Kasi Patay pa daw si Jesus. Pero ngayon, hindi na natin nasusunod mga yan. Nasa modern generation na kasi tayo. Kabilaan ang mga outings, reunions, inuman, kantahan.. Kanya-kanyang umpukan sa bawat kanto. Pero okay lang naman yan, basta huwag nating kalimutan kung anong ibig sabihin ng holyweek. Ang mga sacrifices ni Jesus para satin. Huwag natin kalilimutan ang pagmamahal at kabutihan nya para satin lahat. Kahit hindi man natin masuklian ang kabutihang ginawa nya, kahit isa o dalawa man lang na kabutihan na nagawa nya para satin ay magawa din natin at ibahagi din natin sa iba ♥️ By the way, Mamaya sana ay family outing namin, overnight daw sana.. Pero yung isa kung bayaw ay komontra sa plano. Haha.. Kasi kung mag overnight daw kami, hindi makakapagsimba kinaumagahan, which my point naman sya. Kaya yung plan namin ay nauwi sa drawing. Hehe.. Next saturday na lang daw, sana ay matuloy din.. Ysa19 🌺 #blackSaturday

No comments yet

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.