Darating Sya Darating sya, darating si Papa. Nasa Lopez Quezon na sya. Yan ang sigaw ng pamangkin ko habang iyak ng iyak kagabi. Nakararanas sya ngayong ng matinding kalungkotan sa pagkawala ni Papa nya. Nakasanayan na kasi nilang magkakapatid ang paghihintay kay Papa nila mula sa biyahe. Nakasanayan na nila na once may tumigil na sasakyan sa tapat ng bahay nila ay baka si Papa na nila. All smile sa kanila, may mga dalang pasalubong, kiss and hug sa kanila. Parang dinudurog muli ang puso ko ng makita ko ulit ang ganung eksena. Kahit ako until now, kahit bayaw ko lang ang pumanaw ay nandun parin ang kalungkotan ko, kapag nakikita ko ang mga dumadaan na sasakyan. Nakasanayan na kasi namin, kapag umaalis ang bayaw ko o parating na sya, nandun yung sunod-sunod na busina ng sasakyan nya. Tanda na nandyan na sya o paalis na sya. Kaya what more itong mga anak nya. Hinahanap-hanap nila lagi yung Papa nila, hinahanap nila lagi yung ingay ni Papa nila kapag nandyan sa bahay nila. Ngayon ang kaarawan ng bunso at nag-iisang lalaking anak ng bayaw ko. Lastime na nagkausap sila ni Papa nya, 3 days before bago namatay ang Papa nya. Sabi nya " Papa pagaling kana,, bibilhan mupa nga ako ng bike sa birthday ko 😔 sinulyapan lang sya ng bayaw ko at sabay hawak sa kamay ng bata. Yun bang wala ng lakas para magsalita pa. Ngayon ang birthday nya, at unang birthday nya na wala narin ang Papa nya at kahit kailan ay hindi na makakasama pa. Tanging sa mga alaala na lang nila. Sabi sa mga nakaugalian noon. Once hindi pa umaabot ng 40 days bago namatay ang isang tao, nandito pa raw sa lupa ang kaluluwa ng namatay. Nakamasid lang sa mga naiwan nya. Kayo ba mga ka Noise, Naniniwala ba kayo don? #RandomThoughts Ysa19 🌺
2 comments
naiiyak naman ako sis huhu naranasan ko din kasi yang ganyang lungkot ng mawala si mama, keep strong kayo jan sis yes nanuniwala ako doon kasi ako nung nawala si mama palagi ko siya kinakausap nagsorry ako sa lahat ng pagpapasaway ko at sinabi ko na mahal na mahal ko siya
Kalungkot talaga sis, kasi hindi mo naman inaasahan na bigla lang syang lilisan. Pero malalampasan din namin yan, specially ng family ng kapatid ko.