The 10 year old Tupperware of Inay
Clara: You okay? Bat mukhang pasan mo na naman ang daigdig Leng Leng?
Leng: A-
Clara: Ah wait, parang nahuhulaan ko na ang ganap. It's Bitoy again! Right?
Leng: At-
Clara: Well sa totoo lang di na ako magtataka if ever sya nga ang rason. Pang ilan naba to this year? Gosh, what's with Bitoy ba na di mo mabitaw bitawan!
Leng: Ate-
Clara: Hin-
Leng: Ate nga!!! Pasingitin mo naman ako! Pano ko maikukwento kung ganyang pinuputol mo ang pagsasalita ko!
Clara: Ackk, gomen.
Leng: Well, yeah. Tama ka naman, he's at it again. Diko na alam ang gagawin ko sa kanya. I really want to understand him but... You know how much I love him pero I can't think of a good reason kung bakit nya nagagawa sakin yon!
Clara: Hmmm, I think hindi talaga sya ang problema. Ikaw! Ikaw ang problema!
Leng: Ehhhhh? Wae? Bakit? Pano mo nasabi ate?
Clara: Duhh, see tanga talaga nagtanong pa nga ee, tsss.
Leng: Alam mong mahal na mahal ko sya ate. Hindi ganoon kadaling bumitaw ate lalo na at mahal na mahal ko sya.
Clara: Ackkk, ewww. Pagmamahal my ass Yan, yan problema ee. Kaya nya inuulit ulit, kasi you're letting him. Alam nyang Kunting suyo nya lang sayo, patatawarin mo agad. Kunting lambing bibigay ka agad. Ganyan kaba talaga karupok? Aba'y dinaig mo pa yong Tupperware namin sa bahay na sampung taon ng di ginagamit kaya nong nahulog ayon nagkalasog lasog.
Leng: Ate....
Clara: Alam mo, pag pinag patuloy mo pa yang pagiging ganyan mo, hindi malayong mangyari na matulad ka sa Tupperware namin. Marupok kaya bumigay! At ngayo'y hirap ng buohin. Na, kahit pa nilagyan ng Inay ng tape or kahit ano pang glue na pandikit, wala na, di na naisalba kasi nga may tumatagas na. Maaaring magamit pero kakailanganin ng maraming tagpi, baka maaari pang mabuo ulit pero, hindi na magiging katulad ng sa dati.
Leng: Sana ganon lang kadali ang lahat ate. Sana kaya kong alisin tong pagmamahal na to sa kanya. Pero mahal ko pa rin sya kahit maraming beses na nya akong sinaktan. Pano ba kasi maalis ang pagiging tanga?
Clara: Ampt, tanginang pagmamahal yan! Seems like you love him more, more than you love yourself! At walang gamot sa pagiging tanga. Pero siguro once minahal mo na ang sarili mo ng higit sa pagmamahal mo sa kanya, baka may mabago.
Leng: Hmm, I'm ready to take a bullet for him I think. I don't know, pero sa tingin ko kaya kong gawin yan para sa kanya.
Clara: You're crazy, hindi na pagmamahal yan! Loka loka kana sa tingin ko lang!
Leng: Hmm, I'm crazy in love of Bitoy ate. Diko kayang isipin na mawawala sya sakin. No! I'll die for sure!
Clara: Well, I've been there, done that kaya I know how it feels. Mahirap naman talaga, at di kasi ako naniniwala noon sa kasabihang "Once a cheater, always a cheater." Pinag bigyan ko pa rin kahit maraming beses ko na syang nahuli. That son of a gun!
Leng: See, hindi ganon kadali. Minsan pala sa buhay mo ate naging tanga ka rin ano? Yan ba ang rason kung bakit wala kang boyfriend ngayon? Nawalan ka naba ng tiwala?
Clara: Oo, buti nga nakaahon ako. Thanks to those people who pulled me up in the darkness. Di nila binitiwan ang kamay ko kahit pilit ko silang tinataboy to the point na I'm cursing all them. Ayaw ko ng mapunta sa ganong klase ng kadiliman. Never again, open pa naman ako sa bagong pag-ibig pero hindi muna ngayon. Hindi ko sigurado kung maibibigay ko pa ang buong pagmamahal at tiwala ko sa panibagong darating.
Leng: Wae? Hindi pa rin ba naghihilom ang malalim na sugat na ginawa nya sa puso mo?
Clara: Hindi ko sigurado Leng, pero nandito pa ang kirot pag bumabalik sakin ang lahat ng nangyari. Di rin naman maiwasang di maalala, nakatatak na sa isip ko yong sakit na nadama ko nong mas pinili kong sundin ang dikta ng puso ko. Ni hindi ko pinakinggan ang mga payo ng mga mahal ko sa buhay.
Leng: Ate.... Pano kong mangyari din sakin ang ganyan!
Clara: Nag uumpisa na Leng, nagsisimula ng mangyari base sa nakikita ko sayo ngayon. Masaya ka, nakangiti, pero may lumbay pa rin akong nadadama sayo. Sigurado kabang kaya mo pa? Masaya ka paba? Hindi kaba nanghihinayang lang sa tagal ng pinag samahan nyo kaya natatakot kang kumawala sa kanya? Kaya di mo sya mabitawan?
Leng: Sampung taon yon te, pano ko makakayang bitawan yon ng ganon ganon nalang. Sa dami ng nabuong ala ala namin together di ko yon kayang e-let go na parang naglalabas lang ng dumi sa inidoro. I can't! Diko mapilit ang sarili ko na gawin.
Clara: Nasa sa iyo naman yan Leng, pero pag isipan mo rin. Kelan kapa bibitaw? Kapag wala ng natira sayo? Kapag said na said kana? Leng, habang may natitira pang pagmamahal jan sa puso mo para sa sarili mo. Habang maaga pa, umpisahan mo ng bumitaw. Maawa ka sa sarili mo. That's just umbrella's friend, so think! At hindi lahat ng relasyon ay worth it na ipag laban pa. Minsan, mas maigi ng mag let go pag alam mong sakit nalang ang dulot nito sayo. Kahit pa mahal na mahal mo pa siya!
Leng: Why do I feel like loving someone is a curse now.
Yo' Minna π, I tried using TagLish language para maiba naman. This is actually my entry for @meitanteikudo #PromptFactory. I hope this one is okay.
"Tell a story, or a scene that uses nothing but dialogs. No narration is allowed and everything is said and described in the dialogs, including the setting, the character development, their feelings and reactions. Everything must be in the dialog."
Anyways, I don't have much experience in love, I just base it on the books that I read. But this doesn't mean that this one is not an original content. It's mine, I created it just today. You can check it on Plagiarism Checker if you want. Checking it really is a hassle for me so I'm giving you a okay to check it. Good Luckuu!
Recent Article
Read these to Start inΒ Club1BCH
βοΈClub1BCH - The Genesis
βοΈClub 1BCH π±
βοΈWhat Is #Club1BCH?
βοΈClub1BCH is Up!
July 28, 2021
--
walang gamot sa pagiging T. Hahahaha. Kahit sinong matalino ay nabobobo at natata basta nagmahal.
Baka fake yung Tupperware. Sa amin more than 3 decades na ok pa din π