Wala ng intro intro, deretso na tayo. Parang yong lakad ko papunta sayo - harangan man ng sibat, iiwasan lang ng malupet tuloy pa rin ako papalapit sa'yo. Pero syempre Kilala nyo naman ako. Pala hugot ee wala namang nakabaon eherm, kaya pasensya na kung may hugot kang mababasa. Para ka namang bago ng bago, at least dika naman masasaktan kahit hugutan ko pa yan, kesa kung aasa kang babalik sya sa'yo - yon ang ouch, pain, pighati. Iwasan mo yan kaibigan, baka maisipan mong mag lasing tapos pag nagka hangover sa alak isisisi ang lahat, inalok kaba ng Gin na inumin sya? Di naman diba? Huehue. Pati nananahimik na Red Horse nadamay.
Hindi naman talaga ito ang pag uusapan natin ngayon. Saka wala ding masyadong sense tong artikol na'to. O diba? Di na din to bago, masanay kana. Sanayin mo na rin ang sarili mo wala na sya at di na babalik sayo as in NEVAH! Masakit? Ganyan kasi sadya yan. Kasama na sa buhay yan lalo na at nagmamahal ka. Basta nagmahal ka matic na yan, may kalakip na awts, pain at pighati yan. Diyan mo mararanasan ang mabaliw ng wagas. Yong umasa kang kayo na hanggang wakas pero yong pag mamahal nya biglang nalagas. Parang mga dahong dinadala ng hangin at nagkakalaglagan mula sa puno papalayo sayo. Mahihiling mo nalang panigurado na sana'y di kana nagmahal.
Gusto mong malaman kung pano bang di masaktan? Imposible yan kaibigan, maliban nalang pag naging bato ang puso mo, yan diyan kalang di makakaramdam ng kahit ano. Pati pagmamahal di mo na rin mararamdaman. Walang awts walang pain at pasakit. Pero wala ding saya, at syempre walang kayo, bato kana diba so asahan mo hindi ka makakaramdam ng saya. Never kang liligaya, para ka nalang isang robot na gumagalaw dahil may baterya. Wala kang appreciation sa lahat, isa kanang taong patay. Kaya... Mas piliin mo nalang magmahal kahit pa ang dala'y pasakit. Hayaan nong mabaliw ka sa pag ibig, mabaliw kalang sa kanya ganon. Tapos, pag iniwan ka ee di tara samahan kita, may puputulin tayo, heh😈.
Masayang magmahal. At ako? Di ako sure kung yong nadama ko sa mga ex ko ee pag-ibig. Diba nga sabi ko, kahit ako di ko alam ang Pagmamahal. Mahal ko ang magulang ko oo, yong mga kapatid ko. Pero yong pagmamahal para sa iisang tao? Diko pa ata nadama yan. Humanga lang ang alam ko, pag hanga na sabi nila maaaring lumala. Kaya nga siguro sa loob loob ko pag sa tingin ko masyado na akong nalululong sa isang tao bumibitaw ako, pipilitin ko pabitawin sa mga kamay ko. Kahit pilit nya pang iabot hindi ko tatanggapin. Bakit? Ee sa binitawan ko na nga diba. Doon tayo sa safe, I mean ako lang pala. Doon ako sa siguradong di ako masasaktan, kung saan ang lahat ay laro lang walang halong pagmamahal.
Ito din ata ang dahilan kung bakit umabot ako sa ganitong edad na hindi nag effort na humanap ng juwa. Ewan ko lang talaga pero, waste of time ee. Masaya akong mag iisa, kahit sino pwd kong gustuhin. Ee ano kung walang katugon, atleast masaya akong ginugusto sila. Inspirado lagi, walang iniisip kundi sarili ko. Maging masaya lang sa kung anong napili ko. Masarap magmahal, pero masasabi kong hindi para sakin ang pagmamahal - sa ngayon. Bubuohin ko muna ata ang sarili ko, hindi naman sa nawasak ako ng troso ah - ay mali ibig kong sabihin hindi naman sa nawasak ako ng ex ko noon. Ako nga ang nangiwan ee kasi nagsawa.
Sadya lang atang, diko pa kayang magmahal Hindi pa handa ganon. Sabi ni kupido, landi landi lang daw muna. Alam nyo naman ako, masunurin. Lalo na pag sinabi ni Lutcho na luhuran ko sya. Ay maliiii!!! Duhh! Kilala nyo ba si Lutcho? Wag nyo na kilalanin please. Basta, masayang magmahal di naman kasi kailangan na handa ka kasi kusa yang dumadating. Sadya lang abno ako na kala mo'y may pinaglalaban ahaha. Kaya pag nakadama ka ng kakaiba sa dibdib mo, punta ka sa doctor. Dahil maaaring nagdadala kana ng malalang karamdaman. Maaaring may sakit kalang sa puso, o maaari ding katapusan mo na.
I'll just leave this here:
Haha, see nothing serious here. I thought of writing in Tagalog Language again, tehee. Coz why not it's August and it's still Buwan ng Wika, teheew. Well, the main thought of this article is - when you love, then be ready to get hurt too. Loving someone is beautiful yeah, but be ready to get hurt also. Coz not all that started in beautiful love story will stay the same. Some may failed but some some can also failed? Hahaha, kidding I mean it can be successful. But you know, even those married people still face a problem even if they are tied already. That's sucks to be honest. The love you Thought will last until you get old can also end in one snap. And the reason can be anything.
I will end it here na. Happy Eating!
Lead Image from Unsplash
Recent Article
Read these to Start in Club1BCH
August 17, 2021
--
Hahahaa mixed emotions yung nafeel ko dito sa article mo girl, never naging boring everything yata ng sinabi may epekto sakin haha I LOVE THIS!!! Landi landi muna haha sakto nga naman .. swerte ng magiging jowa mo ang saya at sarap mo kasama siguro.🥰