Kung mabibigyan lang ng pagkakataon, babalik ako sa nakaraan para burahin sa tadhana, ang pangyayari kung saan nakilala kita. Itataya ang lahat, kapalit ma'y malaking pagbabago sa hinaharap, hindi sa aking dibdib dahil di ko na rin naman mababago ang sukat! Huwag kayong maguluhan, nong nakilala ko sya'y nabigyan ng kahulugan ang magulo kong buhay. Subalit nalulong sa pantasyang saki'y bumuhay, lumiwanag magulo ko ng buhay. Hindi ko naman hiniling pero kusa kang dumating. Ngayon ako'y nalulong, ngunit hanggang ngayo'y wala pa rin - ako para sayo! Hiling ko lang, mapigilan ko pa to.
Hindi nagbigay ng motibo, kaya walang dapat ibang sisihin kundi ako. Nadama sayo'y kusang sumibol, wala akong nagawa kaya hindi tumutol. Anong magagawa, pero meron ba talagang magagawa? Maliban sa gustuhin kita, palala pa ng palala. Lumalala, tibok ng puso, nakaka aduwa, bumibilis - lakad palapit sayo'y kasing bilis - ni the flash. Pero kusa kang lumalayo, hinapit palapit pero bat ka tumatago? Inabot ko ang kamay, pero sa iba ka tumingala. Masakit pero may paki kaba? Wala! Alam ko naman, dama ko naman. Pero imbes mawala, yong puso ko mas lalo pang tumibok mas malala pa sa mas malala!
Kung sana'y kaya ko, kung sana'y may kapangyarihan ako. Mahikang mag papalitaw, nyebe sana o kahit yelo para lang pahintuin and tibok ng puso ko. Huhugutin sa dibdib ko, ibababad ko para siguradong manlalamig ako, sayo! Alam ko, ikamamatay ko pero para sa ikapapayapa ng puso ko hihiling ako, maaari bang pakinggan mo? Pahintuin, puso'y palamigin. Patigasin, ng di na makaranas ng sakit na saki'y kikitil. Kikitil sa puso kong wala ng ginawa kundi ika'y mahalin- kahit naba di masuklian ito'y titibok pa rin. Sayo! Sayo lang! Anak ng pitumpot pitong baka, masahol pa sa amoy ng tae ng pusa, kapag andyan ka'y naaamoy ka. Ywa!
Bakit kay hirap mong supilin? Bakit di ka naman ganon ka kyut pero yong hatak mo, daig pa yong dalawang magnet na kong makahila sa isa't isa'y kala mo'y may magbabalak na paghiwalayin. Pero teka, bat nasasaktan ako pag nakakarinig ng tungkol sa iyo na hindi maganda. Di ka naman importante ee. Pero di ka rin nag papa importante. Huwag kang mag alala, sa isip ko lang ikaw pinupulaan para tulungan yong puso kong luhaan na nga nakukuha pang kumanta kasi ngumiti ka. Yon nga lang, hindi sakin -, kundi para sa kanya! Magsama kayo! Walang poreber! Pashnea! Kung sana'y kayang turuan ang puso, pashpash kana shaken!
Yo, irog ko bakit kay hirap mong abutin? Dika naman bituin pero bakit feeling ko kailangan ko ng hagdan na abot langit ang mararating - para ika'y sungkitin? Dika naman prutas bakit kailangan pa ng kawayang mahaba para mahulog ka sakin. Hindi ito pick up line, sinasabi ko lang ang nararamdaman ko para matapos na 'to. Sawa na akong masaktan kaya marapat lang na isipin ko naman ang sarili ko. Kahit pa pilit bumabalik ang puso ko papunta sayo - kakayanin ko! Para akong asong "in heat" kakaripas ng takbo papalapit sayo, akala ko lang pala'y kakayanin ko pero bat naman ganon. Nagiging asong ulol ako, na handang sakmalin ang puso mong bato, kahit pa nga sinabi mo nang "Arf Arf, di kita gusto!"
Dear Kupido, baka naman pweding humiling sayo. Kung pwedi lang naman, kung iyong papayagan - maaari mo bang ipaabot sa taong nakalaan para sakin na huwag muna syang dumating? Pag hihilumin ko lang muna ang puso kong nasaktan at nawasak mula sa taong di naman ako pinaasa pero na broken heart parin, para maibigay ng buo sa kanya, na hindi pilit at kusang loob kong iaabot - kasabay ng pag tanggap sa kamay nya, kusa ko yong aabutin. Matatagalan, pero sisiguraduhin ko namang sya nalang ang mamahalin. Buong buo't, bakas ng kahapo'y akin ng buburahin. At ang pusong humilom, sa kanya ko na lang papatibukin.
-Ruffa/Parot
-08/08/21 6:50 PM
--
May mga tao talagang dadaan sa buhay natin para lang magdulot mg sakit at pasakit sa ating mga pusong marupok, may natutunan man tayo pero yong puso natin na dati'y buo, ngayo'y may pingas na dahil din sa malandi nating puso. Marupok na damdamin na isang "HI" lang, gugustuhin ulit na bumalik. Mas handa pa ngang tanggapin ang sakit, lulunukin ang pride para lang sundin ang pusong maharot, ULIT!
Wahhhh, it's Tagalog Time! Yayy. Gusyuu, I'm not brokenhearted or what okay, this is just inspired to Carismatic post again in noise.cash. I just thought of it thanks to that post. I don't know, a thought just suddenly come rushing to my mind. And This also came from my past experience.
I hope you read this one too, thanks!
Lead Image from Unsplash
Recent Article
Read these to Start in Club1BCH
August 8, 2021
--
Awwww, nakakapahugot naman itey. Haha. Ah pag-ibig, ang bagay na gustung-gusto nating makamit pero pag andiyan na kailangan talagang pagsikapan para manatili.