Join 76,138 users and earn money for participation

Harder Than You Know

59 77 boost
Avatar for Ruffa
Written by   995
1 month ago

Hindi ako sigurado kung kasama ba ito sa plano pero, sa tingin ko kahit hindi'y pilit pa ring titibok ang puso ko sayo. Kahit di isinulat sa palad ko, kahit walang panang dumapo sa puso ko para patibukin ito sa'yo - kusa itong titibok na parang may nag uunahang kabayo para marating ang ngala ngala ko. Ang ibig kong sabihi'y upang marating ang puso ko at upang guluhin ang mundo ko. Sa tingin ko, ikaw ang kaguluhang hinahanap ng puso ko kaya baka salubungin pa kita ng banda at baka maisipan ko pang pabangunin si Micheal Jackson at sunduin sa sementeryo at pakantahin ng "Billie Jean is not my Lover" upang ipabatid sayong "Ikaw!" ikaw lang ang gusto ko.

Ngunit sadya nga'ng ipinanganak ka hindi para sa akin. Dahil kahit anong pilit kong abutin, kamayin ang puso mo, ayaw akong papasukin. Mas gusto mo pa rin si Layla, si Layla na walang malay. Si Layla na hindi ka mahal, at si Layla na meron ng Clint. Para akong batang naagawan ng kendi, nag mamaktol, nagrereklamo at nasasaktan. Ngunit ano nga bang laban ng taong katulad ko kung ang tadhana na mismo ang unang unang nanghaharang. Ang daming balakid pero lahat yon nais kong lampasan sasagasaan ko pa kung kinakailangan. Pero kamusta naman ang pagod kung di rin naman masusuklian. Aatras nalang, uuwing luhaan? Pero pwd namang kahit tag pipisong kendi ang saki'y isukli mo.

At dahil isa't kalahating hitad ang puso ko. Kahit pa humarang na si Kupido hindi nalang ang sibat. Tuloy pa rin ako sa pag habol sayo, pero nag desisyon akong samahan ng kunting tadyak. Sasamahan ng himas na may kasamang pag galugad, mali ang iniisip mo kaibigan wholesome lang tayo wag kang berde. Susubukan ang pagpapabebe at baka sakaling umepekto na sayo. Patitigasin ang lamang loob kong tumitibok sayo pati ang bulaklak na humahalimuyak sa bango'y pipigilang paapekto sa titig mong nagpapalaglag ng itim na salwal ko. Tatanggapin ang malalamig mong salita at bubunuin ang mga tingin mong nanunuya para sa kaligayahan ko.

Hindi ako martyr sadya lang matigas ang puso kong pagtingin sayo'y abot langit na suskopo patawarin. Sa iba hanggang Eiffel Tower lang, pero yong sakin wahhh ang taas, panigurado pag di mo ako sinalo mamamatay ako. Sa tingin mo ba mapipigilan ko pa 'to? Hindi na, yon lang ang alam ko. Sa titig mo palang nga nabihag na ako, ngumiti kapa ayon nahulog lahat ng maaaring mahulog mula sa akin. Kung diko napigilan baka wala na yong puso ko sakin, napunta na sa'yo. Pero kunti nalang talaga, isasaksak ko na'to sayo. Kahit ayawan mo ipipilit ko pihado. Sukdulang luhuran kita at kumanta gamit ang mic mo, abunjing abunjing yieee.

Hindi ko alam kung dumaan kana sa ganitong estado pero sa labing pitong taon kung pananatili sa mundo mula ng ipinanganak ako. Ito ang kauna unahang delubyo na dumapo sa sistema ko. Delubyo na buong puso kong tinanggap at handa kong suungin makamtan lamang ang puso mong sing tigas ng binangkal na tostado, may ganon ba? Diko rin alam, pasensya. Kung iyo lang papayagan, baka idikit ko pa yang ulo mo sa dibdib ko para mas malaman mo kung gaano kabilis ang tibok nito tuwing naaamoy ko ang iyong bango. Hindi nga lang puso dahil buong katawan ko'y nag rereact pagdating sa'yo, rawrrrr.

At katulad ng sinabi ko, handa akong gulagurin ang puso mo at himasin ito sa ulo na para bang aso para lang mapaamo. Mahinang pintig ng puso mo, maaaring bumilis at mag iba ang ritmo pero sana nga'y ganon kadali para naman lumigaya na rin ako. At sasayaw tayong magka hawak kamay. Kahit hindi nalang sa pag ibig ang dahilan kundi dahil sa tawag nalang ng laman, sapat na sakin yan. Tatanggapin ang pambabalewala mo at hindi magsasawa - iintindihin pa rin kita kahit pa walang label ang kung anong meron tayo. Masakit lang to sa umpisa pero kakayanin ko, dahil mas masakit pa ata ako kung tuluyan mo akong iiwan. Sasanayin nalang ang puso sa malamig mong pag trato.

Nagsimula sa masaya lang, pero bakit kelangang mag wakas ng may luha?

-Friends with Benefits-


Awww, it should be just pure laugh but I ended it with huehue. Gomen, guysuuu. This is what you may get if you just allow your guy, or can you even call it yours if you don't know what you truly are to him or her? I think label is still important in relationship. If you don't give name to what you two have then it's just nothing? You two have nothing but a pure fvck buddies.

But why some settle for that? Because of love? You love him/her too much that you forget to love yourself, you didn't even leave some for yourself? And in the end if they leave you - you'll end up nothing for yourself anymore? It's actually your fault because you let that kind of setup and you allow him/her to just use you. Well, this kind of thing happened to some for sure. I just don't understand them for letting it to happen.

And I don't really know what I'm saying here but if it's you? Are you okay with a non-label Relationship, if there's a term like that? Will you settle for that kind of relationship? Do you think you will not ask for more after spending more time with that kind of relationship?


Similar Article

Read these to Start in Club1BCH


September 02, 2021

--

32
$ 12.34
$ 11.07 from @TheRandomRewarder
$ 0.11 from @PH.BCH
$ 0.10 from @Crackers
+ 23
Avatar for Ruffa
Written by   995
1 month ago
Enjoyed this article?  Earn Bitcoin Cash by sharing it! Explain
...and you will also help the author collect more tips.

Comments

Huhuhu I become slang when reading this. 😂 Nakakaloka naman Ate si Layla, si Layla na walang malay. 😭😂

$ 0.00
1 month ago

Hwahahaha, aba'y mag sanay kana mag tagalog aba.

$ 0.00
1 month ago

Uhm sige Ate kapag nakahanap na ako ng Pinoy zaddeh hahahaha

$ 0.00
1 month ago

Fvck buddy ayoko ko din yan mas mabuti mag isa nalang kaysa mag ganyan 😂🤭. Pero dear naglalaro karin pala ml dika nag sasabi HAHAHAHA minsan laro tayo ni reo Kahit brawl lang. 😂

$ 0.00
1 month ago

Hahahahaha, di ako naglalaro dear. Nisearch ko lang kay google ahahaha. Wala ng space cp ko ee. Try kk nga yan ulit minsan.

$ 0.00
1 month ago

Hahhahahaha natawa ako don...

Pero yah mahalaga talaga Ang label... When I was younger I didn't care about labels.. now gusto ko may label agad para may bakod agad kayo sa isat isa

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha, mahalaga naman talaga yun. Para alam kung saan baga lulugar. Mahirap ung gagawin kang manghuhula nakupo.

$ 0.00
1 month ago

Oo hahhaa kase lagi ko kinagagalit di ko alam kung nasa lugar ba Yung galit ko kung walang label wahhahahaha

$ 0.00
1 month ago

Waaah. Ito talagang friends with benefits ba. Akala mo okay lang pag ganyan lang kaso kung na fall kana pala, napakahirap. Lalo nat one sided lang pala 😑

$ 0.00
1 month ago

Diba diba, yong ikaw hulog na hulog na tapos sya. Waka lang, chill lang walang pake sayo. Mashaket yon huehue

$ 0.00
1 month ago

Totally philipine language. Couldn't understand much.But the headline "Harder than you know".It's a true sentence and from our life experience we can say it very easily. And, maximum time people search friends with benefits.

$ 0.00
1 month ago

Sis natawa ako dun abunjing, abunjing yiieee..😆

Ahay ang sakit naman nito. 🥺 Yung hindi niya inaalala yung self nya dahil sa love nya sa Isang tao..🥺 Ang masakit ikaw lang yung may nararamdaman..Huhu 🥺

$ 0.00
1 month ago

Hahahahahaha.

Ganyan ang mapapala pag pumasok ka sa relasyon na walang kasiguraduhan. Or relasyon bang matatawag yon? Huehue

$ 0.00
1 month ago

Google translate coming to explain hahahha

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha, you can just tap that Globe button beside the BOOST 🤭

$ 0.00
1 month ago

Oops I didn't understand a single word because I didn't understand this language only last line I understand and still don't know what you are talking about. I am just here to greet you. ✌️😍 Good evening

$ 0.00
1 month ago

Oh, hey Good Evening 😂🤭

$ 0.00
1 month ago

Dami kong tawa while reading. Ang likot ng imagination mo sis. I love it.haha Pero talking about labels, para sa'kin mahalaga pa rin ang may label ang relationship. Para naman magkaroon ka ng karapatan. Di yung nag-iisip ka pa kung saan ka dapat lulugar sa buhay niya. Based on experience yan.haha

$ 0.00
1 month ago

Diba diba? Mahirap kasi din yang ganyan parang walang lulugaran. Masaya din if walang balak mag seryoso then bagay sa kanila yan.

$ 0.00
1 month ago

Di ko alam madams if matatawa ako or maiiyak sa artikol mo,hahahah, hanep sa segway eh,hahahahaha. Oo madams, may binagkal na tostado, merienda ko un kanian,hahahaha. Yun ansa artikol ko na may semsame seeds, binangkal yun,hehe

$ 0.00
1 month ago

Ahahaha, both nalang madamsss. Kita ko din nga kay Moontivated ysn ee. Di ppa ata ako nakatikim nyan huehue

$ 0.00
1 month ago

Ay masarap sya madams, hehe

$ 0.00
1 month ago

hahaha grabe na talaga ito hahaha, ang wilderland na talaga ng masa isip ko.. erase erase.. hindi ko nabasa ang padd at mga ulo'ng iyun.. erase erase hahaha

$ 0.00
1 month ago

Bwahahahaya, bakit baga inaano kita jan. Wahaha

$ 0.00
1 month ago

Hahhahaha kainis ka ate Parot! Pwede rin pala kabayo? Sa ngala ngala? 😆 at bakit may himas huhu😆 hindi ko maiwasan hindi maberde dahil sa nilulumot na to ng bongga. Haha. At teka, may ulo ba yung puso? Ano ba yaaan ate. Hahaha. Hanep na humahalimuyak na bulaklak at salwal na nalalaglag jusmeeee. With pagluhod sa mic 😭 ate tama na, na-invade na utak ko. Charot hahaha. But this is a sad story as it was complicated. But it's okay to be in a non-label if you two have the clear vision for the future. Ngunit kung nasasaktan ka naman na at hindi ka na pinahahalagahan, aba, tigil na. Wag ka na magpakat*nga.

$ 0.00
1 month ago

Bwahahaha, okay ka paba femfem? Kaya mo yan fighting. Wag kang papadala sa makamundong chenes. Wahahahahaha. Pero legit yang pag luhod. Kakanta ako gamit mic nya wahaha with cheese yon. Wahahahaha.

I so agree ako jan femfem. If talagang lust lang ang nag uugnay sa inyo then go. Pero pag may nadama ng sakin then jan na. That's the rigjt time na talaga to let go.

$ 0.00
1 month ago

Layla na merong Clint na nandoon sa Mobile Legends😂

$ 0.00
1 month ago

Hwahahahahs, nag search pa ako sa google nyan ahahaha.

$ 0.00
1 month ago

HAHAHAHA akala player ng ML ka😂

$ 0.00
1 month ago

Dpende lang yan...pro mas okay na dn sa non labeled pra hndi ganun kasakakit kpg magkahiwalay

$ 0.00
1 month ago

Pero pano pag na inlove ka?

$ 0.00
1 month ago

Oo naman. Dapat may label kung talagang kayo. Wag itago. Wag gawing kumplikado ang buhay.

$ 0.00
1 month ago

WAHAHAHAHA panget niyang friends with benefits, not unless the two are committed na haha ay basta ambot oy HAHHA

$ 0.00
1 month ago

Bwahahaha, kaya wag kang gaganyan naku. Dun tayo sa tahimik na mundo hajaha

$ 0.00
1 month ago

Natawa ako sa mga words HAHAHA naminus points nanaman ako pero mas natawa ako dito sa part na to

Sukdulang luhuran kita at kumanta gamit ang mic mo 🤣

Yawa ate ropa! Bakit ka ganyan HAHAHA 🤣

$ 0.00
1 month ago

Bwahahahaha, okie lang yan na madumihan minsan minsan ang utak mo. Need natin ng ganyan minsan. Wahahaha

$ 0.00
1 month ago

Pati si layla at clint nadamay HAHAHA nag eemel kana din ba ate ropa? 🤣

Btw totoo po iyan need po talaga ng lebel bago makipagtsugtsug. Pinaka masakit na situation sa pag ibig yung walang kayo tapos alams na then biglang yung isa sainyo eh matatagpuan bigla yung taong gusto niyo. 😢💔

$ 0.00
1 month ago

Hindi nga ee, niGoogle ko lang yan wahahahaha mas bet ko si Layla kahit diko aya nalalaro wahaha.

Mas better if wag nalang mag juwa. Walang sakit na mararansan.

$ 0.00
1 month ago

Oo nga naman "No Label No Rights" hahaha pero natawa ako ibang tagalog words na ginamit mo sobrang galing. Dami palang mga magagaling na manunulat sa site na ito.❤️

$ 0.00
1 month ago

Hahahahaha, oi salamat naman. Lumaki kaliwang tenga ko sa nabasa ko ee yieeee hihi

$ 0.00
1 month ago

relate much...alam ni @ExpertWriter to kung bakit ko sinsabing relate ako hahaha

sakit lang para sa kanya kasi nawalan na kasi nang tibok yung puso ko sa iba aside from KAI

$ 0.00
1 month ago

Aguyy talaga, naging bato na talaga Noona? Tingin mo wala ng makakatibag nyang wall na itinayo mo for your safety? Tingin mo safe kanm talaga? What if si Mr. Cupid ay gumawa ng hakbang para you know.

$ 0.00
1 month ago

na kay KAI na ang susi baby gerl

dead end na pero seriously kung meron man lalabas pa rin ang doubts kasi nga baka di matanggap baby ko kaya NO na muna ako jan

$ 0.00
1 month ago

Love and respect yourself... So whatever you like... Don't bother about people ☺️

$ 0.00
1 month ago

Yayyy, just do whatever you desire.

$ 0.00
1 month ago

Yong relationship na walang label, malabong usapan yan. Pwede ka nang writer sa pocketbook ba, dami mo nang love stories dito, pero unlike sa mga pocketbooks na nabasa ko noon, halos mga happy ang ending.

$ 0.00
1 month ago

Yiehhhh, pero malabo pa huehue hirap ga mag isip ba. Haha

$ 0.00
1 month ago

ikaw ang kaguluhang hinahanap ng puso , grabeeee ka ate tapos nagulat ako kung ano ang iyong patitigasin haha "lamang loob mo pala"

$ 0.00
1 month ago

Bwahahahaha, bakit ano ba nasa isip mong bata ka. Ahahaha

$ 0.00
1 month ago

Hahahahah alam mo na yun ate haha

$ 0.00
1 month ago

Grabe. Goosebumps ko 😁 habang binabasa ko. Kinakabahan nako. 😂

$ 0.00
1 month ago

masakit naman ang message nya pero bakit natatawa ako sa mga gamit mong salita..

$ 0.00
1 month ago

Hahahahsha, bakit kasi ganon huehuw

$ 0.00
1 month ago

lols!

$ 0.00
1 month ago

Rawrrrr...Blured pa sa blured kapag ang relasyon ay walang kahulugan. Ampangit naman tignan pero andaming ganito sa kasalukuyan. Pero iyon ang kanilang gustong pasukan at napakacomplicated nga naman.

$ 0.00
1 month ago

Abunjing abunjing 😂

$ 0.00
1 month ago

How we gonna read it if you gonna write in Alien languages 🤣🤣🤣😭😭 just kidding but based on the last paragraph that was written in English, I can say "I stll do nto understand anything" 😭🤣🤣🤣🤣 But I do agree, love yourself first before loving others :)

$ 0.00
1 month ago

Hahahaha, oh gosh sorry about that huehue 😂😂

$ 0.00
1 month ago

haha no problem love

$ 0.00
1 month ago