Bente? Limampu? Hindi! Wari ko'y higit pa sa isandaan, hula ko pa nga'y nasa tatlong daan na. Ah teka, bago ko ipag patuloy to'y ibabahagi ko muna ang kahulugan ng mga bilang na yan. Hindi yan bilang ng taong minahal ko o bilang ng taong nagustuhan ko - teka ulit, marami na nga pala akong nagustuhan. Hinangaan pero hanggang doon lang, dumaan lang para ako'y pasakitan kahit pa wala naman akong karapatan na makadama ng ganoong pakiramdam dahil sa ako'y isang hangin lang sa kanila.
Mabalik tayo sa unang usapin, siyam, sampu o labing isa. Ni hindi ko na matandaan. Basta ako'y nasa elementarya, may isang bagay akong kinaadikan na hanggang sa pag tulog ko'y dala dala. Kilig, saya meron ding lungkot na kung aking susumahi'y nakapag labas ng sampung kilong luha sa'king mata. Pero sa huling pahina, doon ko nararanasan ang ligayang hiniling ko na sana'y madama ko din. Nagsimulang mangarap at doon ay nagsimula ang lahat.
Pocketbook, hugis pahaba na umaabot sa isang daang pahina o higit pa. Depende pa sa kapal ang bilang. Dito ay naranasan kong sumaya ng sobra. Umabot pa sa punto na sarili ko ang ginagawang bida. Hindi masamang mangarap lalo na at libre naman. Isa pa'y mahilig ako sa KREMSTIX kaya ang imahinasyon ko'y walang limit. Marami din akong natutunan sa kinahiligan ko na yan. Diyan ako'y natutong mag mura na magtutunog sosyal. At yon ang ginagamit ko minsan pag may ka trash-talk-an "darn!" "Son of a pig!"
Si Mama ang rason kung bakit ako naadik sa kanya, ang ibig kong sabihin ay sa pagbabasa ng pocketbook. Araw araw ko syang nakikita na may laging binabasa kaya dala ng kyuryusidad na curious ako. Ibig kong sabihi'y sinubukan ko. At yon na nga, nagustuhan ko kaya inulit ulit ko. Kahit masakit umasa pa rin akong matutugunan ang pagmamahal ko! Suskopo patawarin, hanggang sa tagalog na wika may hugot pa rin. Pasensya na kung nag biglang liko ha, ito na nga't itutuloy ko na, sana'y di mo ilaglag.
Binasang Pocketbook diko na mabilang. Lahat yon nagustuhan ko kaya nagpatuloy hanggang sa pagtungtong ko ng kolehiyo. Baon ko'y nilalaan sa basahin para makapag renta at para sa panandaliang aliw. Sa dami ng hinanakit ko sa magulang ko, pocketbook ang naging kadamay ko sa lahat at isa sa nagpapawala ng lungkot at masamang isipin. Pero kahit ito'y tinututulan din ng Mommy ko. Umabot pa sa puntong pag nahuli ako'y pupunitin nya yon sa harapan ko.
Pero naintindihan ko naman kung bakit sya ganon. Alam kong ang pocketbook ay hindi para sa bata. Sa dami ng sipsipan na nagaganap doon, yon ang hindi maaari sa inosente kong isip, mababahidan nga naman ang isip kong nagmamalinis. Naiinggit lang naman ako sa nababasa ko pero ni hindi sumagi sa isip ko na gawin yong mga bagay na yon sa totoong buhay. Malamang sa malamang yon lang din ang iniisip ng aking Magulang. Bukod sa takot ako sa Nanay ko ay takot din ako sa ibon na mahaba.
At ng dahil nga pala sa pocketbook kaya nahiling ko din na maging manunulat noon. Oo tama kayo ng narinig! Ay mali, ng nabasa! Minsan sa buhay ko'y humiling din ako ng ganito. Sa hilig kong gumawa ng kwento sa utak ko'y sa tingin ko ay kakayanin ko. High School ako nong naisipan kong mag sulat ng kwento. Lagi akong inspired non kasi nga ang dami kong inspirasyon. Yon nga lang yong mga naging inspirasyon ko iba naman ang inspirasyon. Pero okay lang naman sakin, kaso ng dahil doon di ko lagi natatapos ang kwento ko.
Yong kwento ko ay binase ko sa kung anong gusto ko at syempre yong pabor sakin ang kwento. So pag yong inspirasyon ko naalaman kong iba ang gusto, naghuhurumintado ang utak ko. Nagugulo at dahil doon ay hindi nalalagyan ng wakas. Nawalan ng gana kaya laging bitin. Sa una lang maganda pero sa huli'y may dugong dumadanak kasaba'y ng pagkabali ng lapis na hawak. Tapos sa huli'y panghihinayangan yong lapis. Anim na piso ko'y nasayang dahil sa walang kwentang pagtangis.
Hiniling kong maging manunulat pero lagi ng may balakid. Pinangako ko pa sa sarili ko ng oras na mahalin nya ako. - err ibig kong sabihi'y sa oras na magkaroon ako ng laptop, sigurado ng ipagpapatuloy ko to. Subalit datapwat, magkaganon paman! Hindi rin nangyari ang hiling, naadik sa anime na lumilipad at may magic kaya yong pangako'y naisantabi. Nalulong, hindi sa droga kundi sa mga Movies at hindi sa Moby! Naagaw ang atensyon ng ibang bagay kaya lahat ay kinalimutan.
At dahil doo'y naisip kong hindi talaga para sa akin ang pagsusulat. Katulad ng katotohanang hindi talaga sya para sakin. Pero seryoso na ulit, Dahil sa tuwing ako'y nagsisimula na'y lagi ng may pumipigil. Parang pagmamahalan nina Romeo at Juliet na walang happy ending. Dahil sa magulang na parang si Tom at Jerry.... Lim? Wahaha. Bakit kasi ganon, ang hilig kong magpadala sa tukso, pero si irog ko hindi matukso tukso, tsk.
Ngunit lahat ay nagbago dahil sa r at c. Isama mo pa si BCH kaya mas lalong naging inspirado. Ang pagkaka diskubre salamat sa isang nilalang na nagbahagi nito sa fesbuk. Kung sino man sya at nasaan man sya'y hangad ko ang kanyang kasaganaan. Dahil sa kanya ako'y nagsisimula na ulit magsulat. Hindi nalang basta sa papel dahil ito'y nababasa na ng karamihan.
Hindi lang sa Pilipinas dahil tayo dito'y hindi lang sa iisang bansa nagmula. Hindi ko naman noon hiniling na maging isang tanyag na manunulat. Ang akin lang noon ay maisalin ang mga imahinasyon sa isang kwento. Mapakilig, mapasaya at maihi sa galak ang ilan yon lang ang tanging gusto, bukod sayo irog ko. Hindi ko man sya nagawa noon, pero salamat dahil nagsisimula na ulit ako ngayon. Susulong para sa pagbabago, iboto nyo ako mga kabanwa. Mabuhay ang sandatahang lakas!
Para lang itong relasyon na nawasak, hirap makabangon kaya sa alak ibinaling ang galit. Nilunod ang sarili sa mapait na lasa ng alak at sa katotohanang hindi na maibabalik ang dating pagmamahalan. Dahil natighaw na ang apoy na dati'y pinagniningas ng gas. Paumamhin pero wala na itong connection sa aking Topic. Isiningit ko lang dahil gusto ko. Kung nakaabot ka hanggang dito ay maraming salamat. Dahil dyan makikita mo na ang poreber mo, si read.cash!
So, I Thought of writing using our very own Pilipino Language. This article is just about my Dream before. And that is to be a writer. It's just a simple wish, not really that serious because I don't have the plan to pursue it. It's just that, I know a lot of Pilipino Romance Pocketbook Writer and once in my life that I also wish to be like them. But I'm not really good at it, coz mine is just a typical story that you can read everywhere.
But well, I'm just happy right now because I can share some here. I think some enjoy it that's why I am so motivated to share more, soon lol. By the way, in Philippines August is the month of our Language or "Buwan ng Wika." We celebrate it yearly to promote our own language which is Pilipino to others. Yeah, we are just so proud of our own Language. You can read more about it here if you're interested.
Recent Article
Read these to Start in Club1BCH
August 2, 2021
--
Sa totoo lang po fan na fan talaga ako ng Precious Hearts dati pa. Naranasan ko pa nga na hiniram ko yung buong koleksiyon ng Precious Hearts pocketbooks ng kapitbahay namin para lang may mabasa ako at malibang haha. Ilang linggo din ata ginugol ko dun para matapos ko lang lahat iyon. Ngayon naghahanap din ako kung meron dito saming nagbebenta pa ng ganun mga pocketbooks. Iba pa din kasi yung kilig ng Precious Hearts pocketbook. At iba din yung mga nasa wattpad ngayon. At mga ebook.