Magandang Lunes ng umaga mga Ka-noise/Ka-Mema!
Nandito na ako uli sa Pampanga. Hindi ko na-picturan kahapon ang mga kaganapan sa pag-alis nina mother, ate, at bayaw ko. Napakaaga naming gumising kahapon dahil inimpake namin lahat ng dadalhin nila pabalik sa California. 4boxes at 2big bags, iba pa ang hand carry nilang tatlo.
Nag-lunch muna kami bago kami umalis dito sa Limay. At iyang na-picture ko na iyan na mga seafoods at inihaw na bisugo ay kasama sa mga dish sa lunch namin pero may sinigang na pork ang iniluluto pa na hindi ko na pinicture.
Eksaktong 12 umalis na kami dito. Pero natagalan din kami sa pagpunta sa airport dahil nagpa-antigen swab test muna silang 3. At past 5 pm nag-punta kami sa isang isang restaurant para kumain. Para sa dinner na namin iyon para pag-uwi naming mga naghatid tuluy-tuloy na ang uwi. Pero may baon kaming mga peanut, chichiria, cookies and softdrinks.
Ang medyo nakapag-worry sa amin namali si ate ng sinabi sa driver namin Terminal 1 kami dinala, pagdating doon nalaman namin na sa Terminal 2 pala ang sa USA. Parang pelikula nga ang nangyari kasi dapat 7pm ang check-in nila eh eksaktong 7 na nang makarating kami sa terminal 1 at naibaba na namin ang mga bagahe kaya nang malaman namin iyon, dali-daling ibinalik namin sa van ang mga bagahe para pumunta sa Terminal 2. Pagkababa nila doon, ang bilis-bilis nang paalaman namin at pumasok na agad sila, pero naghintay pa kami ng ilang oras at baka magka-problema sila, at iyon nga lumitaw na overweight ang mga bagahe nila samantalang hindi namin ineksakto sa timbang ng mga iyon para di sumobra. Ang ginawa pinabili sila ng dalawang bag at may ilang piraso na di kasya kaya tinawagan kami ni bayaw at dinala sa amin ang sobra.
Nakarating kami dito sa Pampanga past 10pm na. Kaya sabi ko kagabi kay misis huwag ng gumising ng maaga bibili na lang ako ng pansit palabok at pandesal.
Nag-breakfast na kayo, mga ka-noise? Eat your breakfast first before you go to your assigned work for today. Avoid skipping meals.
Have a great day everyone!
Kumusta na kayong muli mga ka-noise!
Kaninang umaga nakapag- walking exercise ako dito sa tabi ng dagat. Nitong nakaraan di na ako nakapag-ehersisyo dahil busy. Ang mga picture na iyan ay kuha sa tabing dagat ng Villa Leonor. Ang mga ilaw na ginagamit nila ay Solar para may ilaw sa gabi. Hinintay ko ang sunrise para ma-picturan ko bago ako umuwi ng bahay para makasagap din ng vitamin D para lumakas ang immune system.
Have a happy weekend, mga ka-noise/ka-Pilipinas!
Good evening mga Ka-noise/ka-Pilipinas!
Ngayon lang ako nakapag-post para sa araw na ito. Masyado kami kasing busy dito.
Gusto kong i-share itong tatlong picture na nasa ibaba nito. Iyan ang dagat na malapit sa amin. Sa Villa Leonor Limay Bataan ako niyan. Malapit lang sa bahay ni Mother. Malaki ang project na ginagawa dito. Gagawa sila ng tulay na bakal - Ilog ng barrio luz at limay Bataan. Ang magiging hitsura kapag natapos nila ay ang drawing sa last picture. magiging ganiyan ang kalalabasan kapag natapos nila ang project na ito.
Bukas mag-iimpake na ng mga dadalhin sa States nina nanay, ate at kuya pabalik sa US. Kaya kahit gabi na sinikap kong makapag-post kasi baka di rin ako makapag-post bukas dahil mas busy bukas dito. At tutulungan ko rin silang mag-empake sa mga bagahe nila pabalik ng States
Bukas uli mga ka-noise! Stay safe and healthy!
Good evening, dear noisers/Ka-Pilipinas!
Gaya nang sinabi ko kahapon ng umaga, na ngayong Thursday magli-litson ng baboy dito para sa despedida party nila mother, ate at bayaw ko. Ayan na nga sa picture itong before and after hehe! Madaling araw pa nang katayin iyan kaya maagang naluto ang litson. Maraming bisita dito, mga closest relatives lang halos. Pero sa oras na ito kaunti na lamang ang tao kaya iniwan ko muna sila habang kakuwentuhan nila sila mother at sister ko. Nagpunta muna ako dito kila kuya habang nasa duyan sa lilim ng puno, ginagawa ko itong content ko para matupad ko iyong sinabi ko na ise-share ko nga ito. Pero di ko pinicture ang lahat ng handa nila, dahil maraming tao pati nagse-serve, hehe!
Masaya ang pagkikita-kita uli naming magkakamag-anak. Pero nakakapagod din haha! After kong i-post ito, babalik na uli ako sa bahay ni mother. Tutulungan ko silang iligpit ang mga inilabas na gamit. Pagkatapos mag-papahinga na rin sila kasi bukas mag- iimpake na sila ng mga bagaheng dadalhin nila.
Have a great evening, and enjoy your dinner later!

Magandang Wednesday morning mga ka-noise/ka-Mema!
Share ko lang sa inyo itong ipinabiling kambing ni ate ko sa brother ko noong may 15, gaya ng makikita sa date ng pinicture ko dito. Kinatay iyan noong May 17 nang pagdating ng husband ni ate ko na sinalubong namin sa airport noong nakaraang Tuesday. Nang pinipicturan ko kasi iyan natatawa ang kapatid ko kasi sabi ko sa kambing, "smile!" Ayaw ngumiti ha-ha! Alam yata niya na malapit na siyang katayin hehe. Ang dami pala ng karne niyan. Kasi noong Tuesday nang hapon na iyon nagkaroon ng salo-salo sa bahay ni mother at marami rin sa mga kamag-anak namin ang nagpunta, pero hindi naubos. Iyong papaitan noong isang araw pa lang naubos. Kung sa bagay hindi lang kambing ang niluto nila, namili rin kasi ng karne ng baka at baboy at ilang seafoods noong first day ng bayaw ko dito.
Sa Huwebes, magpa-palitson ng baboy si ate, parang despedida party nila. Pi-picturan ko rin ang baboy noon habang hindi pa marami ang tao he-he! Kapag maraming tao di na ako makakapag-picture. Kaya kapag inihain na ang mga foods di ko nagagawang picturan kasi marami ng tao noon hehe..
Kumain na ba kayo diyan mga ka-noise! Kain na tayo, para di tayo malipasan ng gutom.
Happy eating your breakfast, dear ka-noise/ka-Mema!
Bodega
Happy Monday morning, mga ka-noise/ka-Mema!
Ang project naming tatlong magkakapatid na lalaki ngayon ay itong ipinapagawang bodega sa amin ni mother sa side o bandang likuran ng bahay niya! Gagawin namin itong bodega para pag-alis daw niya iyong ibang pinamili niyang importanteng gamit ilagay niya dito. Kaya tataasan namin ang pader, lalagyan ng bubong, kisame at pintuan siyempre! Ila-lock pag-alis niya, pero iyong bunso kong kapatid na lalaki na may hawak ng mga susi ng bahay, from time to time, titignan din, aayusin o kung kailangan pagpagin iyon ang gagawin niya pag nakabalik na sa States ang mother namin.
Well, ito muna ang update ko para sa araw na ito, at pasens'ya na kung pasilip-silip lang ako dito. At dahil pahinga muna kami after ng half day na paggawa namin, magla-lunch muna at mag-papahinga. Mga 2 pm pa uli namin itutuloy, so may enough time ako na mag- ingay dito ha-ha!
Happy lunch, everyone! Let's enjoy our meal!
Happy Sunday, noise friends!
After kong mag-walking exercise kanina sa tabing dagat ng ilang minutes lang, dumaan ako kila kuya, para kumuha ng dahon ng malunggay, gusto ni mother ng tinola. Kumuha din ako ng mga talong at ipinrito kasama sa inalmusal namin. Kaya pareho kong pinicture para ma-share dito.
Sige maghahanda pa kami dito kasi darating sina misis maya-maya at ang iba pang mga relatives namin.
Have a blessed day, everyone!
Happy Saturday, mga ka-noise!
Nag-post ako kahapon before 7am, bago ako umalis papuntang Bataan. Pero imbes na 'Ang Pilipinas channel' ang pindutin ko, iba ang na-tap ko. Dahil noon ko lang na-try sa channel na iyon, hindi agad na-post hangga ngayon. Hindi ko na pwedeng ir-repost iyon sa ibang channel.
Kaya ngayong umaga ise-share ko itong 3 photos na kinunan ko. Ang first picture ay ang side ng bahay ni mother. Tapos nagpunta ako kila kuya, iyan ang daan papunta sa kanila. At ang last picture, mula sa likuran ng bahay ni kuya about tanaw mo ang napakalawak na bukirin at ang bundok. Kaya masarap mag-stay dito dahil malilim at fresh air ang malalanghap dito.
Babalik na lang uli ako mamaya. Kain na muna kayo, at ako'y di pa rin nag-almusal. Have a productive Saturday, mga Ka-noise/ka-Pilipinas!
Happy Friday morning mga ka-noise!
Aalis na naman ako mamaya pabalik ng Bataan. Kahapon ng hapon nag-date uli kami ni misis. Namili kami at kumain lang sa isa sa mga paborito naming quick-service restaurant. At gaya ng nasabi ko noon, I wasn't really used to taking pictures of food when we were at the mall.
Ang picture na pinost ko ay kuha kahapong papunta pa lamang kami sa mall. Habang naka-stop ang mga sasakyan sa linya namin kinunan ko ang punong iyan dahil nagandahan ako, lalo na sa maliliit na flowers nito.
I will cut my story first hehe.. I'll just try to update you from time to time when I'm in Bataan.
Have a blessed Friday, everyone! Keep safe!
Blessed morning sa inyong lahat mga ka-noise!
Iba talaga kapag nasa sariling bahay ka na, iba ang feeling. Nakapag-bike na ako nito pero sandali lang. Nang pauwi na ako, bumili ako ng pancit palabok at saging latundan. Kahit ang daming pagkaing iniluluto sa Bataan na-miss ko itong pansit palabok. Pero babalik uli ako doon next week dahil madami pa ring ire-repack para sa mga dadalhin nila pag-balik nila sa States. At magkakaroon pa ng kaunting handaan bago sila umalis.
Kahapon naman ng hapon bumili ako ng pizza at sprite para sa snack namin. Dito lang sa pizza parlor na malapit sa amin, pero masarap naman at di rin pahuhuli ang lasa sa mga branded pizza.
O paano, kakainin ko na itong pinicture kong almusal, kain na rin kayo bago ituloy ang iba pang gawain ngayon.
Enjoy your day, mga ka-noise/Ka-Pilipinas!
Good morning mga ka-noise! Kumusta na kayo?
Dalawang araw akong hindi nakapag-post. Kaya ngayon gusto kong i-share sa inyo itong mga picture sa ibaba. Ang first picture ay kuha kahapon ng madaling araw sa airport nang salubungin namin ang bayaw ko. Umalis kami ng bahay Lunes ng hatinggabi at dumating ang hinihintay namin ng 6 am, kahapon, Tuesday. Ang nasa second picture naman galing sa kuya ko dito, saging na saba. Dinala niya dito kila nanay at ate noong linggo, May 15. Pahihinugin daw at dadalhin nila pag-balik nila sa States. Ang last picture ay ang punong mangga ni kuya. Ang dami naming nakuhang hinog at iyong iba manibalang. Kahapon, nagbalat kami at inilagay sa mga ziplock at dadalhin din nila ang mga iyon pag-alis nila.
Habang naggayat kami pati na ng mga laman ng buko na inilalagay namin sa mga ziplock, naisip ko noong dumating sila mga iba't ibang can goods, mga stuff, at kung anu- ano pang mga pasalubong ang dala na galing doon. Ngayon naman itong mga nanggaling sa atin ang dadalhin nila. Marami pang ibang products mula dito sa Pinas ang dadalhin nila. Kami ni misis before ng schedule ng pag-alis nila, 10boxes na buko pie ang ipapadala namin dahil iyon ang paborito ni ate at ng kapatid kong lalaki na naiwan sa States.
Dito muna ang update ko sa inyo. Mag-almusal na muna tayo mga ka-noise!
Stay safe and be happy!
Good morning mga ka-noise/ka-Pilipinas!
Kumusta na kayo? Kumain na ba kayong lahat? Kami, maagang nag-breakfast. Mamayang after lunch babalik na ako sa Bataan kasi sasamaan namin ang ate ko para sunduin sa airport ang husband niya.
Share ko lang ngayon iyong kahapong pag-uwi ko dito sa bahay bumili ako ng chicken lechon para kahit di na sana magluto si misis, pero nakaluto na pala siya ng pork giniling. Past 10am na kasi ako nakarating dito. After lunch niyaya ko siya na mag-mall kasi gusto ko siyang i-treat sa labas at mayroon akong binili para sa kaniya at sa daughter ko, but I didn't take a picture for a little privacy hehe. When we ate, I didn't take pictures too, because there were a lot of people and I wasn't really used to taking pictures of food when we were at the mall. Only here at my house can I do that. Ha-ha!
Habang hinihintay namin ang salesman na kumuha ng binibili ko para kay misis na wala daw stock sa store nila, pero ikukuha niya kami sa kabilang mall sa SM, parang meron din silang store doon. Kaya habang hinihintay namin siya, dahil may show sa Robinson, habang kumakanta ang isang singer pinicture ko siya (first photo), pero di ko nakilala palibhasa nasa second floor kami di namin siya mamukhaan.
Dito lang muna ang update ko sa inyo mga ka-noise. Enjoy the last day of the weekend!

Magandang Umaga mga ka-noise/Ka-Pilipinas!
Hindi ko nai-post ang mga picture na iyan kahapon dahil busy kami ng kuya ko sa ginagawa namin dito, kaya ipo-post ko na lang ngayon. Kuha iyan kahapon ng umaga na nag-ehersisyo ako sa tabing dagat. Kung pagmamasdan ninyo ang sky sa first picture dark gray, at makapal ang clouds parang ang baba lang nito. Kahit makapal at dark ang clouds may ilang bahagi nito na nakasilip na ang araw gaya ng makikita dito. Ang ikalawang larawan ay ang mga bangkang ginagamit ng mga mangigisda. Almost 1 hour din akong naglakad sa tabi ng dagat.
Sa umagang ito hindi ako nag-walking exercise kasi naghahanda na ako nito dahil uuwi muna ako sa Pampanga para makasama naman ang pamilya ko. Pero sa Monday babalik ako uli. Matanda na si mother at kailangan din niya ang may umaalalay sa kaniya. Salitan lang kami ng kapatid kong bunsong lalaki sa pag-alalay sa kaniya. See you later mga ka-noise kapag nasa Pampanga na ako.
Stay happy and safe, everyone!
Buko
Magandang hapon ng Huwebes, mga Ka-noise/Ka-Pilipinas!
Nagpakuha ng buko ang ate ko kanina. Ang puno ng buko sa first picture ay nakatanim lang sa may tapat ng gate ng kuya ko. At ang nasa second picture ay ang mga nakuha namin sa puno na iyan. Sabi ni ate ito raw ang na-miss niya dito sa Pinas noong nasa US siya. Araw-araw may Mangga rin siya galing sa mga puno ni kuya at saging na saba. Favorite din niya ang mga Alimango, Pilantik at iba pang seafood kaya lagi rin namin siyang ibinibili sa tabing dagat.
Sige at mag-snack na kayo, kami tapos na kaya lang nahihiya kong picturan na kaharap sila hehe.. Mag-meryenda na kayo, mga ka-noise!
Take care of yourselves, mga ka-noise!
Hello mga ka-noise, na- miss ko na ang pagsilip dito kasi bihira ko ng magawa dahil lagi akong busy. Kagaya ngayon aalis kami nila mother, ate, kuya, bunso kong kapatid na lalaki at siyempre kasama si misis. May mahalaga kaming pupuntahan. Pero dadaan kami sa bahay namin sa Pampanga para idaan iyong pasalubong nila para sa amin. Iyong 2 kong kapatid na lalaki malapit lang ang mga bahay kila mother kaya kagabi pa naiuwi na ang sa kanila.
Share ko dito iyong pinicture ko habang inilalabas nila ang laman ng bagahe. Binuksan nila iyon, sa harap naming tatlong magkakapatid na lalaki. Nang ibigay ni ate ang sapatos ng bawat isa sa aming tatlong kapatid niyang lalake natawa si ate sa reaksiyon namin dahil para kaming mga bata na tuwang-tuwa, palibhasa may pagka-kenkoy din kaming tatlo kaya sumakit ang tiyan ni nanay at ate sa amin. Alam kasi namin gusto nila kaming makita na masaya, natutuwa, eh gusto rin naman namin na makita silang masaya at masiyahan sa malugod na pagtanggap namin sa mga pasalubong nila. Haha! So, ayun nauwi sa masayang halakhakan iyong pagbubukas nila ng package.π
Dahil may lakad kami maghapon, kaya baka gabi ko na maibalik at maibigay ang mga pasalubong niyong ft na ipapadala ni ninong noise mamayang gabing pag-uwi ko.
Enjoy your day, mga Ka-noise/ka-Mema!
Good morning, mga Ka-noise/Ka-Pilipinas!
Kumusta na kayong lahat! Kahapon hindi ako nakapag-post dahil nakarating kami dito sa bahay galing sa pagsundo sa mother at sister ko almost 11am na. At dahil bagong dating sila, hindi ko nagawang gumawa ng content.
Kapag ganito kasing unang araw ng pagkikita-kita di mauubusan ng kwentuhan ha-ha!
Isinama ko dito ang ilang picture na kinunan ko noong on the way kami papunta sa airport, Sunday ng 11pm at iyong iba rito ay nasa NAIA na kami at iyong sa may parking lot.
Sobrang saya naming magka- kapatid, pati na ng mga misis namin at mga anak, dahil nakasama naming muli si mother at ang sister ko. Two weeks lang ang bakasyon nila dito. May aasikasuhin lang silang importante dito kaya kinailangan nilang umuwi.
Have a happy Tuesday, mga ka-noise!
Happy Sunday morning, mga ka-noise!
Share ko sa inyo ang mga picture na kinuhanan ko kahapon ng umaga na first early morning ko dito. Nag-jogging ako dito sa beach na malapit sa amin. Wala kasi akong bike dito kaya jogging at walking exercise ang ginawa ko. Maaga akong nagpunta dito kaya may mga ilaw pa, pero inabot na rin ako ng maliwanag na araw. Iyong last picture dito babalik pa ako sa amin mga lampas pang 20 minutes bago ako makabalik sa bahay.
Ngayong araw ng Sunday hindi ako nag-jogging, dahil kasalukuyan busy na busy kami ng kapatid kong bunsong lalaki. At gaya nang sinabi ko kahapon ire-reveal ko ang dahilan kung bakit ako umuwi dito. Mamayang mga 8:00 pm aalis kami dito kasama ko ang 2 brother ko para sunduin si Mother at ang sister ko sa airport. Between 1-2 am ang arrival ng airplane na sasakyan nila sa NAIA. Pero bukas pa ng umaga mga 10 or 11 am kami makakarating dito sa Bataan.
Sa wakas natuloy din ang bakasyon nila na hindi natuloy noong March 2020, dahil inabot ng lockdown ng pandemic ang schedule nila noon. Bukas susunod dito si misis kasama ang mga anak namin, pero back and forth lang sila dahil may mga work sila kinabukasan at di pwedeng magtagal dito. Buti natapat sa araw ng eleksiyon bukas kaya holiday. Malaya silang makapunta dito. Pero every Saturday and Sunday babalik sila dito.
O paano itutuloy ko na muna ang ginagawa ko dito at magluluto din kami ng babaunin namin sa pagsundo sa kanila.
Bbl.π
Happy Saturday morning, mga dear ka-noise!
Kahapon ng umaga mga 2 hours after kong mag-breakfast umalis na ako. Share ko dito ang mga photos na kinunan ko habang nakasakay ako ng bus kahapon. Iyang first picture ang sinakyan kong bus. Pinicture ko rin ang dinadaanan namin mula Dinalupihan hanggang makarating ako ng Limay Bataan. Ang last picture ay diyan ako mismong bumaba kahapon. Pinicture ko muna bago ako pumasok sa bahay ng mother ko. Bukas sasabihin ko kung bakit umuwi ako dito sa Bataan. May idea ba kayo? Iisipin niyo bang nagkatampuhan kami ni misis? May mahalaga lang ba akong gagawin dito? O may iba pang tunay na dahilan? hehe! Free to comment down below, noisers!
Enjoy your day, mga Ka-noise/ka-Mema!
Good morning, mga ka-noise/ka-Pilipinas!
Last two hours na lang at aalis na ako, papuntang Bataan. Kaninang pag-gising ko nag-bike lang ako sandali pagkatapos bumili ako ng pancit palabok at pandesal para di na magluto si misis ng almusal. Bumili rin ako ng pork ribs para, pandagdag sa naka-stock niyang ulam habang wala ako dito. Malaking abala kasi sa kaniya kung siya pa ang bibili medyo may kalayuan din dito sa amin. Pero kung tungkol sa isda at gulay merong dumadaan sa tapat namin, hindi na siya kailangang lumayo pa, mga sariwa naman. Kung tungkol naman sa mga grocery niya every Sunday naman after ng worship hours nila, pwede silang magrocery ni daughter bago sila umuwi.
O paano, mag-almusal na tayo mga ka-noise. Maya-maya lang aalis na rin ako. Pero may data naman itong cp ko kaya basta may time ako tiyak, sisilip ako dito.
Stay happy and safe mga ka-noise/ka-Pilipinas!
Magandang Umaga mga ka-noise!
Matindi na ang sikat ng araw dito kaninang papatapos na ako sa aking biking exercise at 6:56 am. Tiyak sobrang init na naman sa maghapong ito kagaya kahapon. Itong second picture ay ang binili kong Papaya. Two days na kasi mula nang maubos ang paboritong pang-dessert na papaya ni misis.
Share ko din sa inyo itong pinicture ko kahapon nang bago kami mag-lunch (last photo) itong nilutong tinola ni misis mula sa mga binili kong manok kahapon. Kasi masarap itinola ang manok kapag bagong katay. Iyong iba ni-ref na niya. Mamaya isda naman ang lulutuin niya di ko lang sure kung iyong Bangus o Tilapia ang iluluto niya. Pero baka di ko na mai-post ang iluluto niya, kasi bukas na ang punta ko ng Bataan. Pero sisikapin kong mag-post at makipag-interact sa inyo kahit nandoon ako, basta may time ako.
Magandang araw sa inyong lahat mga Ka-noise/Ka-Pilipinas!
Poultry Farming
Good morning Ka-noise/Ka-Pilipinas! Since I was about to leave for Bataan, I bought my wife chicken here at a poultry farm. So that she has stock chicken meat in the refrigerator while I'm not around. Besides, it's cheaper when you buy directly from poultry farming.
For 450 pesos, I bought 2 whole chickens. The first and second pictures are the poultry farming here in our area. In the third picture, these are the chicken meat that my wife will put in the freezer after she puts it in the plastic zippers.
All right, I'll come back later. Good day, everyone!
Vegetables Or seafoods
Hello once again, mga ka-noise! Narito na naman ako para sa aking once a day post. Di ba kahapong nag-post ako sabi ko nag-request ako kay misis na gulay naman ang iluto? Dahil nga noong nakaraang gabi eh manok ang ulam namin. Palibhasa Ilocano ako mas gusto ko lagi na gulay ang ulam namin. Mabuti naman kahit kapampangan si misis, mahilig din siya sa gulay, kaya agad naman niya akong pinagbigyan. Napansin niyo ba ang title ng content ko? Vegetables Or seafoods? Hehehe! Noong ihain kasi niya sa akin iyan kahapon medyo natawa ako, kasi hindi ko masabi kung seafoods ba na nilagyan ng gulay o gulay na sinahugan niya ng seafoods.π
Sa totoo lang pareho kong paborito iyan at alam na alam niya iyan! Ha-ha! Para bang iyong kasabihang "two birds with one stone". Hehehe! This was two actions in one haha! At paborito ko rin ang lutong ito sa gata. Ako naman ang na-surprise niya ngayon at nagaya ko tuloy ang expression niya na, "wow!" Ha-ha! Pareho lang naman kami ni misis na mababaw ang kaligayahan hehe.. Kahit sa simpleng bagay lang na ginawa ng isa, na-aapreciate na namin.
Kayo mga ka-noise, anong bagay ang ginawa ni misis o ni mister na naka-surprise sa inyo?
Bright Monday Morning π
Magandang Lunes ng umaga mga ka-noise!
Kaninang umagang nag-bike ako kinunan ko ng picture itong sky para maipakita ang weather dito sa amin, pero dahil kalsada iyan merong dumadaang sasakyan at mga taong nakatayo na nag-aabang ng masasakyan. Lunes Kasi ngayon kaya maaga rin sila. Pinutol ko kasi naisip ko baka nagno-noise din sila, at makita nila ito. Haha! Anyway ang weather lang naman ang gusto kong ipakita dito at hindi sila hehe. Napakaaliwalas ng kalangitan ngayon, kaya halos masigla sa paglalakad ang mga taong nadaanan ko.
Ang second picture ay ang bigas na binili ko kanina bago ako bumalik ng bahay. Good for 1 month na sa amin ito o higit pa.
Isinama ko rin dito iyong binili kong lechon manok para sa dinner namin kagabi, para di na magluto si misis. Araw ng linggo kahapon, pahinga muna siya sa pagluluto. Nag- request naman ako na mag-gulay naman siya mamaya para sa lunch namin at pumayag naman siyempre!
Ingat lang kayo mga ka-noise! God blessπ
Chicken Lauriat/Buchi
Kagabing dumating ako galing ng Bataan, pinasalubungan ko si misis ng paborito niyang Chicken lauriat. At 1 box of buchi na paborito naman ng daughter ko. Kami nila bayaw at isa niyang pamangkin nag-dinner na sa Chowking. Nakarating ako dito pasado 9:30 pm na. Nag-dinner na rin pala silang mag-ina ng 6 pm. Kaya parang snack na lang nila iyong dala ko. Habang kumakain sila ako naman nag- noise muna dahil mga 3 oras din akong di nakasilip dito kahapon. Pero sinikap kong from time to time namimigay ako kahapon para di maipon. Sa gayon hindi ako masabihan ni noise na di ko ginagamit hehe. Mamaya ng kaunti aalis ako uli at babalik ako before lunch.
Magandang umaga sa inyong lahat!
Keep safe, and God bless!
Apples
Happy Saturday, mga ka-noise/ka- Mema!
Kaninang pauwi na ako galing sa morning exercise, dumaan ako sa fruit stand dito at napili ko namang bilhin ngayon itong mga apple. Sana masarap ito para masiyahan namang kumain si misis at ang daughter ko. Share ko rin dito ang sinabi ni Mr. Google tungkol sa benepisyo ng apple.
Here are eight impressive health benefits of apples.
1.) Nutritious. ...
2.) May support weight loss. ...
3.) Could be good for your heart. ...
4.) Linked to a lower risk of diabetes. ...
5.) May promote gut health. ...
6.) Might help prevent cancer. ...
7.) Could help fight asthma. ...
8.) May help protect your brain.
Ayon nga sa isang kasabihan, "An apple a day keeps the doctor away". Kaya sikapin nating kumain lagi ng apple, mga ka-noise!
Stay happy and healthy, everyone!
Bananas
Happy Friday afternoon, mga ka-noise/Ka-Pilipinas
Hindi ako nakapag-post kaninang umaga dahil na-busy ako. So ngayong katatapos kong mag-lunch ipo-post ko itong lunch ko na katatapos ko lang kainin. Pinakbet na isa sa paborito kong ulam. Kaninang umaga after kong mag-biking exercise bumili ako ng isang piling ng saging para skip muna kami sa mangga hehe.. Magaganda ang nabili ko at malalaki sa halagang 82 pesos. Nandito ang sabi ni Mr. Google tungkol sa mga benepisyo ng saging.
Health benefits of bananas
1. Bananas are one of the best fruit sources of vitamin B6 .
2. Bananas are respectable sources of vitamin C
3. Manganese in bananas is good for your skin
4. Potassium in bananas is good for your heart health and blood pressure
5. Bananas can aid digestion and help beat gastrointestinal issues
6. Bananas give you energy β minus the fats and cholesterol
Hanggang dito muna mga ka-noise! Kumain na kayo, don't skip your meal!
Sunrise/Guava Porridge
Good afternoon mga ka-noise!
Hindi ako nakapag-post kaninang umaga, kaya now ko lang ise-share itong pinicture kong sky kaninang pauwi ako galing sa Cycling exercise. Napakaganda ng sunrise dito. Pagmasdan ninyo!
At habang nagpapahinga pa ako dahil, katatapos ko lang kasing mag-lunch, sinigang na Bangus sa bayabas, na makikita sa last picture dito, ginagawa ko itong ipo-post ko. Sobrang nasarapan ako at napadami ang kain ko dahil napakalapot ng sabaw dahil sa gabi. Iyong iba ayaw nila ng sinigang sa bayabas, pero ako kapag sa Bangus mas gusto ko ang bayabas. Kapag pork naman iyong fresh sampalok basta marami ring gabi at iba pang gulay. Kayo mga ka-noise, alin sa ginagamit na pang-sigang ang mas gusto niyo, bayabas, sampalok, kamias o may iba pa kayong alam na mas masarap pa dito? Feel free to comment down below, friends!
Mini-mart/ Fruit and Vegetable Stand
Yesterday I was able to post before the stop posting and comment started. I'll just try to see if everything is back to normal. I want to share this Mini-mart here in our area, the Alfamart ( first picture). Here I buy, or my wife whenever she is short of groceries. Instead of going to Sm downtown, we just went to Alfamart to buy groceries so that we wouldn't have to pay for the fare. I'll just ride a bike, or if I'm not here, my wife will just walk to Alfamart. Having a mini-mart here is a big thing for us. If my wife's groceries are lacking, such as ingredients, milk, coffee, Milo, bath soap, detergent, etc., we can easily buy them here at the same price at Sm Mall. In fact, other products here are from Sm, such as Sm bonus sugar, Sm Canola oil, etc.
In the second picture, here we often buy fruits and vegetables. There is also meat and fish here, so we donβt have to go to the market anymore.
So, this is all I can share now! Stay safe and blessed, mga Ka-noise/ka-Mema!!!

Isang napakagandang umaga ng Martes sa inyo mga Ka-noise/Ka-Pilipinas!
Kahapong pag-gising ko dahil umuulan hindi ako nakapag- cycling exercise. Kaya kanina maaga akong nagising at lumabas para makapag-exercise uli ako. Sunday at Monday ko kasing hindi nagawa ito. Kaya nang pauwi na ako nilitrato ko ang kalawakan para ipakita sa inyo na napakaganda na uli ng weather dito sa lugar namin gaya ng makikita dito sa una at ikalawang larawan. Sana tuluy- tuloy maghapon ang magandang weather na ito para walang madulas na daan para sa mga nagmamaneho at sa mga estudyanteng pumapasok na sa school nila, at iyong mga pumapasok sa kani-kanilang work, at siyempre sa mga misis ng tahanan na maglalaba ngayon.
Hanggang dito muna at kita-kita na lang uli tayo mamaya.
Stay safe and healthy, mga ka-noise!
Good morning, dear friends and noisers!
Binili ito ng daughter ko kahapon. Nagulat kami ni misis bakit siya bumili ng cake. Ang sabi niya mula nang madinig niya iyong kuwentuhan namin habang nag-i-snack kami, na noong dalaga pa itong mama niya at kahit noong naging anak na namin sila basta kumain sa labas lalo na sa mga Bakeshop kapag umorder siya, may kasamang slice cake at ice cream. Nagka-idea pala siya na kapag nag-mall siya, sosorpresahan niya kami ng mama niya nitong Red Ribbon's Black Forest Cake. Kaya nang buksan niya sabi ko picturan ko muna, natawa siya, alam kasi niya na nagno-noise ako eh! Actually, siya ang nag-slice ng mga iyan. Binigyan din niya ang mga tita niya na katabing bahay lang namin. Meron pa siyang biniling iba pang snack pero di ko na pinicture pa. Ang sabi nga niya sa susunod iyong isa pang paborito ni misis ang bibilhin niya.
Thankful kami ni misis at mabait siya at maalalahanin. Ang sarap ng feeling kapag alam mong mahal ka ng mga anak mo at gusto ka nilang mapasaya kahit sa simpleng bagay na kaya nilang ibigay, hindi ba mga ka-noise?
Stay happy and blessed, my dear ka-noise/Ka-Pilipinas!