Good morning mga ka-noise! Kumusta na kayo? Dalawang araw akong hindi nakapag-post. Kaya ngayon gusto kong i-share sa inyo itong mga picture sa ibaba. Ang first picture ay kuha kahapon ng madaling araw sa airport nang salubungin namin ang bayaw ko. Umalis kami ng bahay Lunes ng hatinggabi at dumating ang hinihintay namin ng 6 am, kahapon, Tuesday. Ang nasa second picture naman galing sa kuya ko dito, saging na saba. Dinala niya dito kila nanay at ate noong linggo, May 15. Pahihinugin daw at dadalhin nila pag-balik nila sa States. Ang last picture ay ang punong mangga ni kuya. Ang dami naming nakuhang hinog at iyong iba manibalang. Kahapon, nagbalat kami at inilagay sa mga ziplock at dadalhin din nila ang mga iyon pag-alis nila. Habang naggayat kami pati na ng mga laman ng buko na inilalagay namin sa mga ziplock, naisip ko noong dumating sila mga iba't ibang can goods, mga stuff, at kung anu- ano pang mga pasalubong ang dala na galing doon. Ngayon naman itong mga nanggaling sa atin ang dadalhin nila. Marami pang ibang products mula dito sa Pinas ang dadalhin nila. Kami ni misis before ng schedule ng pag-alis nila, 10boxes na buko pie ang ipapadala namin dahil iyon ang paborito ni ate at ng kapatid kong lalaki na naiwan sa States. Dito muna ang update ko sa inyo. Mag-almusal na muna tayo mga ka-noise! Stay safe and be happy!
5 comments
Naku ka Noise parang hipag ko pala ehh malapit na din umuwi pero Hindi ako kasamang susundo Yung anak ko Lang.
ganyan talaga ka noise kasi kung don muna bibilhin yan ay napakamahal na kaya kung anong kayang bitbitin go ehehe
Okay lang yan as long magpost ulit...
Hindi po sigurado lagi nabibili mga pinoy food doon sa lugar ng inyong nanay kaya talagang maganda magdala at para pagdating doon, ay talagang oarang nasa pilipinas parin amg feeling
Oo nga ka-noise! Tsaka kahit meron do'n pricey din. At least ang mga ito libre lang hehe.