read.cash Log in
@Roni

Good evening, dear noisers/Ka-Pilipinas! Gaya nang sinabi ko kahapon ng umaga, na ngayong Thursday magli-litson ng baboy dito para sa despedida party nila mother, ate at bayaw ko. Ayan na nga sa picture itong before and after hehe! Madaling araw pa nang katayin iyan kaya maagang naluto ang litson. Maraming bisita dito, mga closest relatives lang halos. Pero sa oras na ito kaunti na lamang ang tao kaya iniwan ko muna sila habang kakuwentuhan nila sila mother at sister ko. Nagpunta muna ako dito kila kuya habang nasa duyan sa lilim ng puno, ginagawa ko itong content ko para matupad ko iyong sinabi ko na ise-share ko nga ito. Pero di ko pinicture ang lahat ng handa nila, dahil maraming tao pati nagse-serve, hehe! Masaya ang pagkikita-kita uli naming magkakamag-anak. Pero nakakapagod din haha! After kong i-post ito, babalik na uli ako sa bahay ni mother. Tutulungan ko silang iligpit ang mga inilabas na gamit. Pagkatapos mag-papahinga na rin sila kasi bukas mag- iimpake na sila ng mga bagaheng dadalhin nila. Have a great evening, and enjoy your dinner later!

16 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.