Magandang Umaga mga ka-noise! Matindi na ang sikat ng araw dito kaninang papatapos na ako sa aking biking exercise at 6:56 am. Tiyak sobrang init na naman sa maghapong ito kagaya kahapon. Itong second picture ay ang binili kong Papaya. Two days na kasi mula nang maubos ang paboritong pang-dessert na papaya ni misis. Share ko din sa inyo itong pinicture ko kahapon nang bago kami mag-lunch (last photo) itong nilutong tinola ni misis mula sa mga binili kong manok kahapon. Kasi masarap itinola ang manok kapag bagong katay. Iyong iba ni-ref na niya. Mamaya isda naman ang lulutuin niya di ko lang sure kung iyong Bangus o Tilapia ang iluluto niya. Pero baka di ko na mai-post ang iluluto niya, kasi bukas na ang punta ko ng Bataan. Pero sisikapin kong mag-post at makipag-interact sa inyo kahit nandoon ako, basta may time ako. Magandang araw sa inyong lahat mga Ka-noise/Ka-Pilipinas!
6 comments
Sobrang init talaga kanoise buong maghapon ramdam rin dito. Totoo yan kanoise ang sarap talaga isabaw bagong katay na manok presko pa at malasa :) stay safe po.
namiss ko si papaya ka noise maganda nga ang bungad ni haring araw ngayon ka noise kaya naman napalaba ako hahaha anyway ingat po kayo don ka noise
Salamat, ka-noise! Ingat din kau diyan!
Ganda Ng sikat Ng araw at dagdagan pa ng masasarap na pagkain.
Aga nga po sobrang sikat ng araw... Ingat po kayo sa pagbisita sa bataan ..enjoy!
Salamat! Magandang hapon, ka-noise!