read.cash Log in
@Roni more from that month

Vegetables Or seafoods Hello once again, mga ka-noise! Narito na naman ako para sa aking once a day post. Di ba kahapong nag-post ako sabi ko nag-request ako kay misis na gulay naman ang iluto? Dahil nga noong nakaraang gabi eh manok ang ulam namin. Palibhasa Ilocano ako mas gusto ko lagi na gulay ang ulam namin. Mabuti naman kahit kapampangan si misis, mahilig din siya sa gulay, kaya agad naman niya akong pinagbigyan. Napansin niyo ba ang title ng content ko? Vegetables Or seafoods? Hehehe! Noong ihain kasi niya sa akin iyan kahapon medyo natawa ako, kasi hindi ko masabi kung seafoods ba na nilagyan ng gulay o gulay na sinahugan niya ng seafoods.😊 Sa totoo lang pareho kong paborito iyan at alam na alam niya iyan! Ha-ha! Para bang iyong kasabihang "two birds with one stone". Hehehe! This was two actions in one haha! At paborito ko rin ang lutong ito sa gata. Ako naman ang na-surprise niya ngayon at nagaya ko tuloy ang expression niya na, "wow!" Ha-ha! Pareho lang naman kami ni misis na mababaw ang kaligayahan hehe.. Kahit sa simpleng bagay lang na ginawa ng isa, na-aapreciate na namin. Kayo mga ka-noise, anong bagay ang ginawa ni misis o ni mister na naka-surprise sa inyo?

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.