read.cash Log in
@Roni

Good morning, dear friends and noisers! Binili ito ng daughter ko kahapon. Nagulat kami ni misis bakit siya bumili ng cake. Ang sabi niya mula nang madinig niya iyong kuwentuhan namin habang nag-i-snack kami, na noong dalaga pa itong mama niya at kahit noong naging anak na namin sila basta kumain sa labas lalo na sa mga Bakeshop kapag umorder siya, may kasamang slice cake at ice cream. Nagka-idea pala siya na kapag nag-mall siya, sosorpresahan niya kami ng mama niya nitong Red Ribbon's Black Forest Cake. Kaya nang buksan niya sabi ko picturan ko muna, natawa siya, alam kasi niya na nagno-noise ako eh! Actually, siya ang nag-slice ng mga iyan. Binigyan din niya ang mga tita niya na katabing bahay lang namin. Meron pa siyang biniling iba pang snack pero di ko na pinicture pa. Ang sabi nga niya sa susunod iyong isa pang paborito ni misis ang bibilhin niya. Thankful kami ni misis at mabait siya at maalalahanin. Ang sarap ng feeling kapag alam mong mahal ka ng mga anak mo at gusto ka nilang mapasaya kahit sa simpleng bagay na kaya nilang ibigay, hindi ba mga ka-noise? Stay happy and blessed, my dear ka-noise/Ka-Pilipinas!

10 comments

Log in to join in Reading is open to everyone. Replying needs an account.