Magandang Lunes ng umaga mga Ka-noise/Ka-Mema! Nandito na ako uli sa Pampanga. Hindi ko na-picturan kahapon ang mga kaganapan sa pag-alis nina mother, ate, at bayaw ko. Napakaaga naming gumising kahapon dahil inimpake namin lahat ng dadalhin nila pabalik sa California. 4boxes at 2big bags, iba pa ang hand carry nilang tatlo. Nag-lunch muna kami bago kami umalis dito sa Limay. At iyang na-picture ko na iyan na mga seafoods at inihaw na bisugo ay kasama sa mga dish sa lunch namin pero may sinigang na pork ang iniluluto pa na hindi ko na pinicture. Eksaktong 12 umalis na kami dito. Pero natagalan din kami sa pagpunta sa airport dahil nagpa-antigen swab test muna silang 3. At past 5 pm nag-punta kami sa isang isang restaurant para kumain. Para sa dinner na namin iyon para pag-uwi naming mga naghatid tuluy-tuloy na ang uwi. Pero may baon kaming mga peanut, chichiria, cookies and softdrinks. Ang medyo nakapag-worry sa amin namali si ate ng sinabi sa driver namin Terminal 1 kami dinala, pagdating doon nalaman namin na sa Terminal 2 pala ang sa USA. Parang pelikula nga ang nangyari kasi dapat 7pm ang check-in nila eh eksaktong 7 na nang makarating kami sa terminal 1 at naibaba na namin ang mga bagahe kaya nang malaman namin iyon, dali-daling ibinalik namin sa van ang mga bagahe para pumunta sa Terminal 2. Pagkababa nila doon, ang bilis-bilis nang paalaman namin at pumasok na agad sila, pero naghintay pa kami ng ilang oras at baka magka-problema sila, at iyon nga lumitaw na overweight ang mga bagahe nila samantalang hindi namin ineksakto sa timbang ng mga iyon para di sumobra. Ang ginawa pinabili sila ng dalawang bag at may ilang piraso na di kasya kaya tinawagan kami ni bayaw at dinala sa amin ang sobra. Nakarating kami dito sa Pampanga past 10pm na. Kaya sabi ko kagabi kay misis huwag ng gumising ng maaga bibili na lang ako ng pansit palabok at pandesal. Nag-breakfast na kayo, mga ka-noise? Eat your breakfast first before you go to your assigned work for today. Avoid skipping meals. Have a great day everyone!
10 comments
Ang sasarap ng ulam nyo kanoise lalo na ang alimango :) Mabuti po nakahabol sila sa flight kanoise kaya maganda talaga maaga pumunta para in case may hindi inaasahan na mangyari makakahabol parin sa flight.
Oo nga ka-noise, at least makahabol sa tamang oras hehe Magandang umaga!
Kakain palang ka nosie 7am na kasi ako nagising ehh, mahilig sa peanut butter Yung anak ko ka noise.
Psensiya na now ko lang nabasa ito. Good afternoon ka-noise!
sarap nman. highblood is waiving hahaha
Totoo iyan, Ka-noise kaya moderate lang dapat hindi sige-sige hehe
kya nga eh. sbi dw inom lang ng suka hehehe
Daming pagkain mate masakit sa mata ko yon alimango mo paborito ko yan
Haha! Sayang friend kundi ka lang mlayo inimbita Sana kita hehe.
Mala pelikula nga po ang nangyari at ang damijg aberya bago naka alis...sanay maayos po sila makauwi sa kanila bahay sa u.s...magandang umaga po