Hello mga ka-noise, na- miss ko na ang pagsilip dito kasi bihira ko ng magawa dahil lagi akong busy. Kagaya ngayon aalis kami nila mother, ate, kuya, bunso kong kapatid na lalaki at siyempre kasama si misis. May mahalaga kaming pupuntahan. Pero dadaan kami sa bahay namin sa Pampanga para idaan iyong pasalubong nila para sa amin. Iyong 2 kong kapatid na lalaki malapit lang ang mga bahay kila mother kaya kagabi pa naiuwi na ang sa kanila. Share ko dito iyong pinicture ko habang inilalabas nila ang laman ng bagahe. Binuksan nila iyon, sa harap naming tatlong magkakapatid na lalaki. Nang ibigay ni ate ang sapatos ng bawat isa sa aming tatlong kapatid niyang lalake natawa si ate sa reaksiyon namin dahil para kaming mga bata na tuwang-tuwa, palibhasa may pagka-kenkoy din kaming tatlo kaya sumakit ang tiyan ni nanay at ate sa amin. Alam kasi namin gusto nila kaming makita na masaya, natutuwa, eh gusto rin naman namin na makita silang masaya at masiyahan sa malugod na pagtanggap namin sa mga pasalubong nila. Haha! So, ayun nauwi sa masayang halakhakan iyong pagbubukas nila ng package.😀 Dahil may lakad kami maghapon, kaya baka gabi ko na maibalik at maibigay ang mga pasalubong niyong ft na ipapadala ni ninong noise mamayang gabing pag-uwi ko. Enjoy your day, mga Ka-noise/ka-Mema!
7 comments
na eemagin ko tuloy yong halakhakan niyo ka noise kasi ganyan din kami nong uncle nmin may pasalubong naghalakhakan kami kasi ang lalaki nang padala para kaming mga dabyana hahaha kasi naman nong first kita niya samin buntis pa akala niya ganon pa din katawan namin hahahah
Haha, nai-imagine ko rin ang tawanan niyo nang ibigay ang para sa iyo, pero pang-dabyana pala ang sikat nito haha
hahah kaya nga ka noise kasya talaga dalawang tao kaloka kaya binigay ko sa kapitbahay yong iba tapos ne repair ko yong iilan hehe
Nakakatuwa naman po...ang saya lang makita ang ganung pamilya naghahalakhakan :) kami rin magkakapatid kapag nagsama-sama parang bata puro kalokohan at biruan happy lang. Kaya naninibago ako dito sa pamilya ng asawa ko walang ganun ang seryoso nila halos hindi nag-uusap walang biruan nasanay lang talaga ako sa pamilya din namin kapag nagkakasama ang ingay namin puro tawanan :)
Talagang maninibago ka ka-noise kapag nasanay ka sa sobrang tahimik na pamilya. Mabibingi ka sa katahimikan, sabi nga nila haha
Maraming salamat po ka noise sa mga pasalubong...hintayin niyopo kami sa inyong tahanan..kukunin kopo yung pistacio ahaha
Haha! Sure, ka-noise! Welcome ka dito! Kailan mo gustong pumunta dito? Pwede mo ring isama ang husband mo pati iyong cute mong anak haha..