Happy Sunday morning, mga ka-noise! Share ko sa inyo ang mga picture na kinuhanan ko kahapon ng umaga na first early morning ko dito. Nag-jogging ako dito sa beach na malapit sa amin. Wala kasi akong bike dito kaya jogging at walking exercise ang ginawa ko. Maaga akong nagpunta dito kaya may mga ilaw pa, pero inabot na rin ako ng maliwanag na araw. Iyong last picture dito babalik pa ako sa amin mga lampas pang 20 minutes bago ako makabalik sa bahay. Ngayong araw ng Sunday hindi ako nag-jogging, dahil kasalukuyan busy na busy kami ng kapatid kong bunsong lalaki. At gaya nang sinabi ko kahapon ire-reveal ko ang dahilan kung bakit ako umuwi dito. Mamayang mga 8:00 pm aalis kami dito kasama ko ang 2 brother ko para sunduin si Mother at ang sister ko sa airport. Between 1-2 am ang arrival ng airplane na sasakyan nila sa NAIA. Pero bukas pa ng umaga mga 10 or 11 am kami makakarating dito sa Bataan. Sa wakas natuloy din ang bakasyon nila na hindi natuloy noong March 2020, dahil inabot ng lockdown ng pandemic ang schedule nila noon. Bukas susunod dito si misis kasama ang mga anak namin, pero back and forth lang sila dahil may mga work sila kinabukasan at di pwedeng magtagal dito. Buti natapat sa araw ng eleksiyon bukas kaya holiday. Malaya silang makapunta dito. Pero every Saturday and Sunday babalik sila dito. O paano itutuloy ko na muna ang ginagawa ko dito at magluluto din kami ng babaunin namin sa pagsundo sa kanila. Bbl.😊
7 comments
haha mali mga hula ko ka noise,well enjoy your vacation with your family ka noise..
Haha! Maraming salamat, ka-noise!
Wow sana all malapit lang sa beach..
Malapit ako sa hula ko kanoise hehe sigurado akong enjoy kayo sa inyong bakasyon diyan magkakasama buong pamilya :) Ang ganda ng lugar nyo kanoise masarap nga magjogging dito sa tabing dagat ng maaga ang presko lang.
ganda nman jan. tahimik.
Ah yun oala ka noise..tagal nga po di nakauwi ng inyong nanay.. ingat po kayo sa biyahe at matulog sa biyahe para hindi po kayo masyado pagod...hello po inyong nanay!
Salamat, ka-noise! Makakarating sa kanila. Ingat din kau!