Buko Magandang hapon ng Huwebes, mga Ka-noise/Ka-Pilipinas! Nagpakuha ng buko ang ate ko kanina. Ang puno ng buko sa first picture ay nakatanim lang sa may tapat ng gate ng kuya ko. At ang nasa second picture ay ang mga nakuha namin sa puno na iyan. Sabi ni ate ito raw ang na-miss niya dito sa Pinas noong nasa US siya. Araw-araw may Mangga rin siya galing sa mga puno ni kuya at saging na saba. Favorite din niya ang mga Alimango, Pilantik at iba pang seafood kaya lagi rin namin siyang ibinibili sa tabing dagat. Sige at mag-snack na kayo, kami tapos na kaya lang nahihiya kong picturan na kaharap sila hehe.. Mag-meryenda na kayo, mga ka-noise! Take care of yourselves, mga ka-noise!
7 comments
masarap talaga ka noise pag may sariling tanim lagi akong nagccrave sa buko hindi ako nagsasawa
Kung pwede ko lang iabot dito ang buko, binigyan na kita, ka-noise!
Wow namn ka noise sabaw pa lang nyab ehh marami Ng benipisyo tas yung laman pa Ang fresh po Nyan
binuko salad nio? hehhee
Ganyang talaga pàg uwi nila sa pinas maraming pagkain gusto nilang kainin lalo na kung malayo at kung wala din doon.
Nag enjoy po talaga si mother niyopo sa inyong mga handang pagkain sa kaniya... Enjoy your time with them po
Salamat ka-noise!