Good morning, mga ka-noise/ka-Pilipinas! Last two hours na lang at aalis na ako, papuntang Bataan. Kaninang pag-gising ko nag-bike lang ako sandali pagkatapos bumili ako ng pancit palabok at pandesal para di na magluto si misis ng almusal. Bumili rin ako ng pork ribs para, pandagdag sa naka-stock niyang ulam habang wala ako dito. Malaking abala kasi sa kaniya kung siya pa ang bibili medyo may kalayuan din dito sa amin. Pero kung tungkol sa isda at gulay merong dumadaan sa tapat namin, hindi na siya kailangang lumayo pa, mga sariwa naman. Kung tungkol naman sa mga grocery niya every Sunday naman after ng worship hours nila, pwede silang magrocery ni daughter bago sila umuwi. O paano, mag-almusal na tayo mga ka-noise. Maya-maya lang aalis na rin ako. Pero may data naman itong cp ko kaya basta may time ako tiyak, sisilip ako dito. Stay happy and safe mga ka-noise/ka-Pilipinas!
7 comments
Siguradong pang sinigang ang binili nyo na karne kanoise makikita kasi sa sangkap :) Stay safe po kayo. Blessed Friday.
Oo, ka-noise! Pang- sinigang iyan. Salamat, kanoise! Good evening!
you truly a good husband inuuna mo talaga pangangailangan nang family mo before anything else saludo ako sa mga amang katulad mo ka noise
Salamat sa komendasyon, ka-noise! Magandang umaga!
magandang umaga din sayo jan ka noise naway maging productive ang araw mo jan
Mukhang mag sisinigang po kayo friend... Ingat po kayo sa biyahe at enjoy niyo po amg inyong pag gala...sanay makagala din ako soon...di ako maka alis, ang layo ng bahay namin tapos wala ako sasakyan huhuhu
Makakagala ka rin, ka-noise! May sasakyan naman kayo hehe