Magandang Wednesday morning mga ka-noise/ka-Mema! Share ko lang sa inyo itong ipinabiling kambing ni ate ko sa brother ko noong may 15, gaya ng makikita sa date ng pinicture ko dito. Kinatay iyan noong May 17 nang pagdating ng husband ni ate ko na sinalubong namin sa airport noong nakaraang Tuesday. Nang pinipicturan ko kasi iyan natatawa ang kapatid ko kasi sabi ko sa kambing, "smile!" Ayaw ngumiti ha-ha! Alam yata niya na malapit na siyang katayin hehe. Ang dami pala ng karne niyan. Kasi noong Tuesday nang hapon na iyon nagkaroon ng salo-salo sa bahay ni mother at marami rin sa mga kamag-anak namin ang nagpunta, pero hindi naubos. Iyong papaitan noong isang araw pa lang naubos. Kung sa bagay hindi lang kambing ang niluto nila, namili rin kasi ng karne ng baka at baboy at ilang seafoods noong first day ng bayaw ko dito. Sa Huwebes, magpa-palitson ng baboy si ate, parang despedida party nila. Pi-picturan ko rin ang baboy noon habang hindi pa marami ang tao he-he! Kapag maraming tao di na ako makakapag-picture. Kaya kapag inihain na ang mga foods di ko nagagawang picturan kasi marami ng tao noon hehe.. Kumain na ba kayo diyan mga ka-noise! Kain na tayo, para di tayo malipasan ng gutom. Happy eating your breakfast, dear ka-noise/ka-Mema!
12 comments
Anung luto ginawa nyo ka noise? Masarap po iyan lalu at papaitan ehh nakakain Nako Nyan ehh nakaka miss tuloy kumain Nyan. Morning
Papaitan lang at kaldereta ang alam ko na tawag sa niluto nila, the rest Wala na akong alam hehe.. Thanks Ka-noise!
Paano daw sya ngingiti eh katapusan na pala ng buhay nya
Hehe oo nga ka-noise!
bakit parang hindi ko kaya kainin si kambing kaloka nong birthday kasi nang pinsan ko may kaldereta kaso hindi ko talaga kinain hayss peru letchon baboy kumakain naman ako
Hehe, kapareho mo ang misis ko. Hindi siya kumakain ng kambing, Mabuti na lang kapagnagluluto sila dito hindi naman puro kambing. May pork, chicken at beef kaya nakakain pa rin siya. Ah lechon baboy like na like niya iyon haha
ay appear kami sa misis mo.ka noise mukhang magkakasundo kami pagdating sa kainan hahaa kasi.may similarity kami pagdating sa pagkain
Oo, ka-noise! Magkakasundo kayo easy to approach naman si misis. Good eater din siya kaya lang meron ding hindi Niya gusto gaya ng kambing, tululingan, hindi Niya kinakain iyan.
tululingan yong isda ba na may parang lines ka noise,may part kasi din yan na mapait ayoko sa part din nun haha anyway andito ba sa platform si misis mo ka noise?
wow yummy pero wawa nman.
Magandang umaga po ka noise...mukhang nqg ja intindhan nga po kayo ng kambing... Nung isang araw po may nagbigay ng caldretang kambing samin..ang sarap po..maraming salamat sa nagbigay
Haha! Ganoon ba? Siguro kasing sarap din ng niluto nilang caldereta dito hehe.. Great morning ka-noise!